Carter Suarez
Paglabas ko sa likod bahay ay agad kong tinungo ang pool area, ang sabi sa akin ni boss gob kagabi ay magpunta ako ng tanghali doon para puntahan siya. At napaarko ang kilay ko ng makita ko kung gano kalaki ang swimming pool sa harapan ko ngayon, hindi ko tuloy siya makita ampucha nananadya ata ang lokong iyon.
"Hoy!"
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko na naman tong mokong na 'to, ang aga-aga. I clicked my tongue.
Hinarap ko itong lalaking tinubuan ng mood swing sa mukha. Laging galit sakin e, wala naman akong ginagawa.
"Bakit?" Iritado kong sagot.
"Kuhanan mo si gobernor ng tuwalya" Sabi niya sa akin.
"Bakit hindi ikaw?" Sarkastiko kong sagot. Bakit ako ang uutusan? Ang role ko ay fiancee.
Fiancee? Haha Medyo nakakainis pala pakinggan.
Tumawa siya pero may pang-iinsulto iyon tapos umiling-iling "Sa loob ng mansyon, hindi ka niya fiancee"
"E, ayoko" Tinalikuran ko siya.
Sakto ang pagtunog ng tubig ng may umahon.
And I saw him slowly going up from the water, he is half naked, maiksi ang short. Kaya kita ko ang hubog ng katawan niyang basa. I am right when I said na maganda ang katawan niya, parang yung mga batak sa gym pero sakto lang. Well made abs, nice build biceps and and he has tattoo on his back. A black dragon tattoo, dominating his whole back, it has wings on both of his broad shoulder blade. Hell this is the guy that I kissed, parang nakakaproud ang galing kong pumili in a sense that not like this situation, cause in reality I sucked my luck.
Parang pinasadya ang tattoo niyang iyon na ipakitang isa siyang makapangyarihan tao. His back's aura screams power and danger. And that tattoo...
Napatitig ako roon. Pamilyar ang tattoo na iyon sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin ng makaahon siya at lumakad papunta samin.
Nang makalapit siya sa amin ay nakaiwas ang tingin ko. Huwag kang titingin Carter! Admitting that he got that body is enough, you don't need to look.
Napaigtad ako ng may tumalsik na tubig sa mukha ko. Pagtingin ko kay gob ay pinipitik niya mga daliri niyang basa sa harap ko.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Fuck off? Nababasa ang mukha ko!" Reklamo ko sa kanya.
Tumango lang siya at nabigla ako ng hawakan niya ang baba ko at patingalain. He lean and whisper right in front of my nose, amoy na amoy ko ang hininga niya and why the hell he has this manly scent? Diba dapat amoy ano siya dahil galing siyang pool, b-bakit mabango siya ngayon?
"Greet me with your lips" Bulong niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin "Hello"
I said it sarcastically while still being annoyed, basa ang kamay niya sa baba ko!
He licked his lower lips and lean more, I need to push my head para lang makaiwas.
"What if there's camera here? People will question us why were not sweet like how they wanted us to be" Naramdaman ko ang isa niyang basang kamay sa likuran ko, humagod iyon doon at bumaba sa bewang ko.
I want to push him but he's right, sinabi niya sa akin after our first out bilang mag-fake fiancee, nung araw na sumama ako sa kanya sa office ay kumalat ang balitang lalaki ang fiancee ng gobernor. He didn't clear that rumor though pero nababasa niyang mas maraming nagustuhan ang pag-come out ng balitang lalaki ang fiancee niya, ako. Nakakakilig daw, anong nakakakilig dun? Bwisit ngayon naalala ko mas gusto ko siyang itulak. But there is this urge to close my eyes and just nod my head, to anticipate his lips on me.