Carter Suarez
Sinundan ko ng tingin si gob, palabas na siya ng bahay dahil may orientation siyang aatenan. At ako, mananatili lang rito. Ewan ko ba sa isang 'to. Ilang araw ng tahimik.
Minsan kapag tatanungin ko siya o kaya kauusapin ay tumatango lang. Nabibilang ko pa nga ang mga salita niya. Tapos hindi na rin niya ako madalas isama sa mga lakad niya, halos hindi ko na nga siya makita sa araw-araw kahit na nasa iisang bubong kami.
"Tsk" I clicked my tongue realising my irritation. Para naman akong asawa.
Humabol ako sa paglabas niya, lumapit ako ng nakapasok na siya sa backseat ng kotse. I hold the door to stop him from closing it.
"Aalis ka na? Anong oras ang balik mo?" Tanong ko.
Hindi siya tumingin sa akin, kinuha niya lang ang cellphone niya at nagtipa roon.
"I'm not sure" Sagot niya.
See? Anong problema nito?
"Saan ka magl-lunch? Sabayan mo ako" Sabi ko habang hinihintay ko na tumingala siya at tumingin sa akin.
"I'm busy, let's eat together next time. Just ask them to cook for you. Huwag mo na akong hintayin" Pagkasabi niya nun ay sinarado niya ang pinto ng backseat. Kusa akong umatras.
Napanganga akong pinanood na mawala sa paningin ko ang sasakyan.
Huh? Talaga? Ganun na lang 'yon?
"Nakakainis, ano bang problema ng isang 'yon!" Frustrated akong bumalik sa kwarto ko.
Hindi ko masyadong close ang mga tao rito, bukod kay manang at kay Sam ilap na ang mga tao rito sa akin.
Hindi na lang ako kakain, nakakawalang-gana!
"Iniiwasan niya ba ako?" Tanong ko sa sarili.
Realising how he acted these past few days, yung mga tipid niyang salita, well tahimik naman talaga siya, laging seryoso at may pagka-cold pero iba ngayon! Yung hindi niya pagsasama sa akin sa lakad niya, yung pagiging mas cold niya.
"What the hell! Bakit niya naman ako iiwasan? Parang nung nakaraan lang..." Tapos doon ako napatigil ako, naisip ko ang bagay na 'yon.
What the fuck? Iniiwasan niya ba ako dahil sa nangyari? Padabog akong umupo sa kama.
E siya naman ang humahalik sa akin! Bakit parang kasalanan ko? Gago pala siya e! Ano gusto niyang palabasin?
Hindi pwedeng ganito. Kauusapin ko siya mamaya pag-uwi niya, kailangan pareho kaming malinawan!
Humiga na lang ako ulit ako, anong pwedeng gawin ngayon? Nandito lang ako sa malaki niyang bahay, walang kausap. Wala naman akong maisip. Nasanay akong kasama lagi sa lakad niya, kapag wala naman lakad o kaya pahinga niya ay lagi kaming nagtatalo rito sa loob ng bahay. Well, I mean ako lang ata ang nakikipagtalo.
Tumayo ulit ako at kinuha ang cellphone sa gilid ng kama. Dinelete ko ang message ng iba. Isa lang ang rereplayan ko, itong isa kasi ang talagang hindi ko maiiwasan.
Ako: kamusta na sa bebe Night ko🥺, mamaya pa ang trabaho mo diba? Pupunta ako dyan, namimiss na kita☺️
Natatawa kong sinend ang text ko, pupunta na lang ako doon, boring naman kasi rito. Si Xavier naman na isa ko pang matalik na kaibigan ay malamang may pasok ngayon. Bago nga pala siya sa trabaho niya, huh! Naalala ko na lang ang huling punta ko roon, gusto pang makipagsapakan sakin ng boss niya! Akala ko siguro ng isang iyon ay hindi ko siya papatulan.
Nang tumunog ang cellphone ko ay agad kong binuksan ang reply ni Night.
Night: 👍
Natawa ulit ako, hays ang nonchalant kong kaibigan, parang dati soft pa nito. Nung college siya medyo cool pa ngayon biglang sumungit, hindi ko alam kung bakit.