THREE

191 7 0
                                    

Carter Suarez

Napamulat ako ng mga mata dahil sa katok sa pinto. I groaned bago bumangon sa malaking kama at malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan.

Pagbukas ko ay nakita ko iyon isa sa humawak sa braso ko nung nakaraan.

"Pinapatawag ka ni Mr. Governor sa baba" Sabi nito sa akin, at naiinis ang mukha niya. Ano naman kasalanan ko sa isang 'to?

At damn, ilang araw na ako nandito dahil tangina hindi ako makauwi at sa tuwing susubukan ko ay nagiging dragon yung gob na 'yon. Nung araw na nag-usap kami tungkol sa gagawin ko ay hindi niya ako hinayaan makauwi. Masyadong malaki ang gampanin ko, well I didn't really agree, wala lang talaga akong choice. Kahit pa ata sabihin ko na ayoko, wala akong magagawa. I'm facing a bossy, demanding governor.

"Teka magbibihis lang ako" Sagot ko at humikab-hikab pa, akmang isasarado na ang pinto ng muling magsalita ang lalaking 'to.

"Paghihintay mo ang isang gobernor? You should remind yourself who you are" Seryoso niyang sabi sakin.

Nainis ako roon! Sino ba ang nagdala sakin dito? Sila! Wala naman akong choice at isa pa hindi ko rin gusto ang ganito. Ang aga-aga.

"Tell my fiancee he should wait or I'll leave" Isinara ko ang pinto sa harap niya, hindi ko na hinintay pa na matapos ang sasabihin niyang hindi ko naman pinakinggan, nakakainis. Can't I have a peaceful morning? Alam ko naman na kasalanan ko rin, fine then.

Nag-palit lang ako ng damit, naghilamos at nagmumog tapos  ay pumunta na ako sa baba, naabutan ko pa ang ilang mga tauhan niyang lalaki, yung mga men in black niya, habang siya ay nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.

"Gusto ko ng umuwi" Sabi ko sa kanya at tumayo sa gilid niya.

"Watch your mouth peasant, he's a governor"

Oo, alam ko naman iyon. Tiningnan ko ang nagsalita at siya na naman "hindi ikaw ang kausap ko"

Nakita kung paano niya ako iduro at gustong lapitan pero pinigilan siya ng kasama niya.

"You! You don't even put your tongue out and greet him!"

"Enough!" Natigil kami ng magsalita si gob at ibinaba niya ang dyaryong binabasa niya.

"Mister governor, hindi dapat—"

"Leave"

"Boss—"

"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko"

Nagsi-alisan na ang mga alagad niya sa paligid at kami na naman ang natira.

"What?" Tanong ko muli ng tumingin siya sa akin.

Tumayo siya at nakapormal na pala siya hindi ko napansin, inayos niya ang nagusot sa damit niya at naglakad.

"They're my guards and that guy is my personal guard. It's normal for them to be like that" Sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

Ano naman?

Naiinis naman akong sinundan siya "May ipapagawa ka ba? Pinapatawag-tawag mo ako tapos hindi mo ako kakausapin? You find this amusing huh?" Pabulong ko lang iyon sinabi.

Tumigil siya sa paglalakad at halos masubsob ako sa likuran niya dahil dun, umatras ako at tinitigan siya ng masama.

"I have meeting today, 10 am and you will come as well. You haven't eat anything for breakfast right?" Sabi nito sa akin.

"Para saan?"  Hindi ko sinagot ang isa niyang tanong.

"Gobernor ako Carter at fiancee kita" Sarkastiko niyang sagot sa akin.

TS#2: EL GOBERNADOR [BXB]Where stories live. Discover now