NINE

192 10 1
                                    

Carter Suarez

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang laylayan ng shirt ko, putek ang init! Hindi ko alam kung anong meron sa init ngayon pero iritang-irita ako, ang lagkit ng pawis sa katawan. Gusto kong babaan yung ac pero parang hindi naman 'yon magiging sapat. Parang gusto kong magbabad sa malamig na tubig, yung walang ahunan.

Biglang pumasok sa isip ko yung malaking pool dito, wala naman sinabing bawal ako maligo dun, kumuha ako ng towel at isinukbit sa balikat ko bago lumabas ng kwarto.

Wala ako masyadong nakasalubong na tao ng bahay kaya nagdere-deretso lang ako hanggang sa pool, si gob kaninang breakfast ko lang nakita.

Hindi ko nga siya masyadong pinapansin, simula ng sabihin niya 'yon sa akin, dumistansya ako ng kaonti. Hindi ko alam, hindi naman takot 'tong nararamdaman ko dahil dun, alam kong hindi. Pero kasi kapag naaalala ko iyon grabe ang dagundong ng puso ko, parang hindi ako makalma, lalo na kapag malapit siya sa akin.

When he attempt to reach me, to touch me I feel like my heart is screaming and I really don't want to think of a reason, I don't want to accept that there's this possible reason why I am trying to stop, this is because I, myself can't control it too. I don't want to admit that maybe I have the that desire too.

Pagkarating ko sa pool ay agad akong naghubad ng shirt ng makitang malinis ang tubig, minsan sinusubukan kong tumulong dito sa gawain pero lahat sila ay pinipigilan ako, kahit naman makapal ang mukha ko ay marunong akong mahiya, nahihiya ako na kahit kaya ko naman ay mayroon pa rin talagang gagawa para sa'kin. Tsaka para na rin magkasilbi ako dahil wala naman talaga akong ginagawa sa pa-fake fake fiancee ni boss gob, hindi na nga ako sinasama nun. Hindi ko alam ano na lang silbi ko rito bukod sa maging nag-iisang gwapo.

Iniwan ko lang ang black kong boxer short tapos ay agad na nagdive sa tubig. When the cold water of the pool touches my skin it feels nice. Habang nasa ilalim ako ng tubig ay binagalan ko ang paglangoy papunta sa kabilang side. Ang sarap talaga magbabad kapag init na init ka.

Umahon ako at huminga, I brushed my hair to the back and shake my head, the water started to fall from the strand of my hair. My chest started to go up and down, I smile and close my eyes.

Sarap.

I throw my head back, nagsimula akong magfloating, nakapikit pa rin ako. Dahan-dahan kong pinadyak ang paa ko at ilang beses akong nagpabalik-balik sa magkabilang side ng pool bago ako tumigil. I washed my face tapos ay tumingala ng may marinig akong mga yapak.

I glance from the direction and gulped as my eyes landed directly on him. 

"Enjoying yourself?" Tanong niya sa akin.

Lumunok ako bago tumango tapos ay tumalikod sa kanya, Thanatos started  staring at me again. He always stare like that, like there's something. Minsan gusto yung pakiramdam kung paano niya ako tingnan pero minsan gusto kong iwasan, katulad ngayon.

"Carter"

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko nagsimula siyang maglakad, sinusundan niya kung saan ako pumupunta. Gusto ko sanang lumihis pero ayoko naman na magmukhang iniiwasan ko siya, I already did that for the past days and I really felt bad whenever I see his eyes turning badly down. Lungkot si nonchalant e.

E kasalanan naman niya talaga 'yon! Kung ano-anong sinasabi ng mouth.

Hindi ko namalayan na naunahan na niya ako, basta na lang pagdating ko sa isang side ng pool ay nakatayo na siya sa harapan ko, for the second time I look up and meet his eyes. Fuck, wrong move.

Taena dumagundong na naman ang puso ko! Bakit ka ba ganyan! Iniwas ko ang tingin ko. At hindi ko alam kung bakit hindi ko na maigalaw ang mga paa ko sa ilalim ng tubig. Sumisid kaya ako?

TS#2: EL GOBERNADOR [BXB]Where stories live. Discover now