CHAPTER 16

1.1K 56 3
                                    

Nagmumuni muni lang ako dito sa kwarto ko mag hapon dahil tinatamad akong kumilos,wala din naman si Lena dahil inutusan ko siya na hanapin ang matandang lalaki na nagbigay sa akin nung vault nung mag punta kami ng market at nag gala.


Kaya ko pinapahanap ang matandang yun ay sa kadahilanang ang laman ng vault na ibinigay niya sa akin ay isang katana.Hindi lang 'yon ordinaryong katana kundi iyon ang katanang ginagamit ko noong nasa totoong katawan ko pa ako.


Hindi ko alam kung ano ang pakay ng matandang yoon sa akin at bakit dala dala niya ang katana ko na pagmamay ari ko.Naiisip ko na baka si tanda yon dahil siya lang naman ang nakakaalam kung saan nakalagay ang mga koleksiyon ko ng mga katana maging ng iba ko pang armas na ginagamit kapag may misyon akong gagawin,pero naisip ko din na hindi naman yun makaka punta dito pwera nalang kung namatay din siya,pagkamatay ko?or kakambal niya lang yon?


Tsss,hindi pa nga ako tapos sa problema ni Luane dito dumagdag pa yung matanda na yun.Mali atang desisyon ang ginawa kong pagbubukas ng vault na 'yon dahil naka dagdag pa sa isipin ko yon,buti sana kung pangkaraniwan lang na sandata yun kaso akin talaga yun eh at galing pa sa mundo ko,kaya naguguluhan ako kung paaano yun napunta sa matanda at papaanong nakarating hanggang dito ang katana ko.


Idagdag mo pa 'tong kulay ng mata na naging pula na,kaya pala tulala sila Mom na naka tingin sakin kanina dahil nag bago na pala ang kulay ng mata ko.Buti nalang hindi ako mukhang naka take ng drugs at mas lalo lang akong gumwapo dahil sa panibagong kulay ng mata ko.Kung dati gwapo na ko sa kulay asul na mata ay ngayon mag gumwapo ako sa kulay pula,hot daw kasi ako kaya color red

<⁠(⁠ ̄⁠︶⁠ ̄⁠)⁠>



"Tss,humahangin kana naman dyan,alalahanin mong hindi talaga mahahanap ni Lena yung pinapahanap mo dahil hindi naman niya alam kung anong itsura nung matandang sinasabi mo"sabat ni Uno,at napa isip naman ako dahil sa sinabi niya.



F*ck!pinahirapan at pinagod  ko lang si Lena sa paghahanap niya.Kasalanana din niya umalis agad siya at hindi na nag tanong kung anong itsura nung pinapahanap ko,dahil sa sobrang excite niya dahil matagal na daw niyang hinihintay na utusan ko siya dahil feeling daw niya binigyan ko siya ng misyon.



"Aiya!,hindi lang ako ang may kasalanan don hindi siya nag tanong kung anong itsura nung matanda na yun,umalis agad siya at nawala din sa isip ko na sabihin"bara ko naman



"Sinisi mo pa talaga si Lena ha,aminin mona ikaw ang may pinaka may kasalanan dahil hindi mo agad sinabi sa kaniyq kung anong itsura non"singhal niya sakin.Aba aba may pinaglalaban 'tong holen sa bangang 'to ah.



"Tss,kasalanan mo din bakit hindi mo din sinabi kanina kung naisip mo pala yon"balik kong singhal sa kaniya




Natigil lang ang pag tatalo naming dalawa dahil sa tatlong katok sa pintuan ng kwarto ko,kaya pinuntahan ko yon at binuksan at nakita kong isang servant




"A-ah,mahal na prinsipe pinapatawag ho kayo ng mahal na Reyna,dahil kakain na daw po kayo"aniya sakin kaya tinanguan ko siya at bumalik na ulit sa loob at nag bihis ng t shirt na black at trouser na gray ng matapos na ko ay lumabas na din ako agad at nag tungo sa dining area



Kain tulog nalang ginagawa ko simula ng makarating ako dito haha,buti nalang hindi ako palamunin nung past life ko kaya hindi ako nakokonsensya ngayon kung maging palamunin naman ako this time hehe.



Pagkarating ko don ay andun na sila lahat,as usual nag ku-kwentuhan at nagtatawan,saya nila ngayon ah parang walang nangyaring misa kanina psh hindi man lang nga ako na satidfied sa mga pinagsasasabi nila.Mga problema nila kay Luane eh puro lame,baka kapag nalaman nila ang mga pinagdaanan ni Luane simula noon eh masasabi nilang hindu nila deserve si Luane.Kahit na sabihin man na madami siyang nagawang hindi kaaya-aya nung siya pa ang nasa katawan na 'to eh hindi pa rin makatarungan ang mva pinaggagawa nila sa kaniya.



The Boyish Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now