CHAPTER 34

608 32 5
                                    

Luane's POV

Katahimikan

Yan ang pumalinlang sa aking pandinig habang nakapikit ang dalawa kong mata, hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa paligid ko dahil kahit isa ay wala akong marinig na ingay mula sa kahit anong bagay o hayop kagaya na lamang ng kuliglig o uwak na palagi kong naririnig na nag iingay sa gabi.

Pero isa lang ang sigurado ako makakakita na naman ako ng parang isang alaala sa utak ko dahil ganito ang nangyayari sakin kapag natutulog ako, pero minsan hindi ko naman nararanasan 'to dahil minsan ay bigla nalang akong papasok sa isang eksena na wala ng intro-intro kagaya nito.

Gising ang diwa ko pero hindi ko maimulat ang mga mata ko. Miski daliri ko sa tamapakan at mga kamay ay hindi ko maigalaw para bang paralyzed ang buo kong katawan, nyemas ano naman kaya ang makikita ko ngayon. Unti unti ay naramdaman kong unti unting gumagawa ang talukap ng mga mata ko kaya naman ay dahan dahan ko din 'yong binuksan at ang masilaw na liwanag ang bumungad sakin malabo pa ang paningin ko kaya pumikit pikit ako para makapag adjust, at ng maayos na ay nasa ilalim pala ako ng puno base sa mga sangang nakikita ko ngayon.


Tumayo ako sa pagkaka higa ko at iginala ang aking paningin kung na saan ba ako at nakita kong nakahiga ako sa pagitan ng dalawang malaking ugat ng puno, may naririnig akong mahinang lagaslas ng tubig sa hindi kalauyan. Anong senaryo na naman kaya ang matutuklasan ko ngayon, nitong mga nakaraang araw kasi ay ang pag iibigan ng aking ama at ina I mean ni Luane, Queen Kirsten and King Klyde.


Tumayo ako sa pagkaka upo at nagpagpag ng aking pang upo dahil may kumapit na kaunting damo sa suot ko. Naglakad ako paalis sa puno at nilubot ang aking paningin sa buong lugar, magamda at maaliwalas ang klima ang sarpa tambaya  nito, pero hindi  na namin kailangan nito dahil may sarili na kaming tambayan at trainingan ng mga ka buddy ko, hehe. Napahinto ako sa pag gala ng tingin at tumuon ang aking paningin sa partikular na bagay—no pigura ng tao ang nakikita kong nakaupo sa may malaking bato. Sino naman kaya ang animels na 'to.



Naglakad ako patungo sa pwesto nito hindi naman kalayuan ang pwesto ko sa kinaroroonan nito kaya ilang lakad lang ang ginawa ko. Nang malapit na ako sa pwesto nito ay narinig kong nag salita ito.



"I- I want her! It should be me not him!" rinig kong sabi nito hindi ko alam kung sino 'to dahil nakayukyok ang ulo niya sa mga tuhod niya.



"You can't force her to love you" rinig kong sabi ng isa pang boses,bose ng babae. May kasama pala siya 'di ko kasi nakita kasi natatakpan ng malaking bato, umikot ako sa harapan niya at nakita ko na ang kausap ng taong nakasubsob ang mukha sa kaniyang mga tuhod. Isang babaeng hindi gaanong katandaan ang itsura.


'teka sino na naman 'to, bakit ang rami atang hadlang sa pag iibigan ng mga tao dito'


"I know that's why I wanna do something" rinig kong sabi ng lalaking nakasubsob ang mukha, nakita ko naman na unti unti itong tumunghay at doon nakita ko ang mukha niya.


'Uncle Koen'



"What is it?" sabi ng kausap ni uncle Koen


"Switch me to him" seryoso at desperadong sabi ni uncle Koen sa kausap, maski ang kausap niya ay bahagya ding natigilan dahil sa narinig bago bahagyang natawa.



"Koen alam mo ang kapalit ng sinasabi mo" sago ng babae kay uncle



"I know that, j-just do it ako na ang bahala sa kapalit" sabi pa ni uncle Koen.


"It's —"


What the...



Sumakit ang ulo ko at bigla na lamang akong nagmulat ulit ng mata at sumalubong sakin ang ceiling ng aking kwarto, napahawak ako sa sintido dahil sa pagkirot ng ulo ko nyeta ano na naman nangyari. Akmang babangon ako ay natigilan ako dahil may mabigat na naka dantay sa katawan ko lalo na sa mga braso ko, kaya naman tinignan ko kung ano 'yon. Nanlaki ang mata ko at muntik na akong mapabalikwas ng mapag sino iyon.


The Boyish Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now