CHAPTER 35

738 39 8
                                    

Luane's POV

TAKBO rito takbo roon ang ginagawa namin ng mga ka rank ko  ito na rin kasi ang last na pag eensayo namin dahil kinabukasan ay gaganapin na ang event ng Academia. Ayos naman na kami talagang mas hinahasa ko lang sila pagdating sa pisikal na lakas at may tiwala naman ako sa kanilang kaya nila 'yon, sa pag eensayo palang ay dedikado sila at gustong gusto nila ang kanilang ginagawa.

"Pareng Luane taympers muna" rinig kong sabi ni Diane kaya napatingin ako sa kaniya at nakitang tagaktak na ang pawis niya sa kakatakbo at kaka sit ups.

"Okay guys pahinga muna!" Sigaw ko sa kanila na siyang ikinasigaw nila ng yes, napailing nalang ako hilig talaga nila sa pahinga tsk!

Naupo ako sa lilong ng puno, tumabi sa kanila. Kaniya kaniya silang kuhaan ng tubig sa lalagyan na dala dala nila kanina. Dito agad ako dumeretso kanina pagka hatid ko sa baby kong sadista.

"Ayan na naman siya" napatingin ako kay Achi ng mag salita ito, kita kong kausap niya si Levi mga kapwa naka ngisi ang mga hangal.

"Mukhang good mood ka pare ah, lapad ng ngiti eh" sabi ni Levi na nang aasar.

"Oo nga mga ganito oh" aniya naman ni Achi habang minumuwestra ang kamay pinapakita kung gaano kalapad ang ngiti ko na nakikita nila, mga siraulo talaga. Nginisian ko sila bago nagsalita.

"Syempre naman hinatid ko lang naman ang aking chikababes bago pumunta dito" pagmamayabang ko sa kanila na ikinanganga nila kaya mas nginisian ko sila. Kala niyo ah.

"Ohh 'yung honey, mahlabs mo" aniya ni Snow na may pang aasar din nag tawanan naman silang lahat sa narinig.

"Sus mainggit kayo wala pa kayong ganun 'diba?" Asar ko sa kanila kaya inikutan nila ako ng mata.

"Well hindi namin kailangan ng sakit pa sa ulo kaya thankful ako na hindi ko pa nakikita ang para sakin" aniya ni Hailey na pinupunasan ng pawis si Shamie

"Oo nga saka imbis na unahin namin 'yang ganiyan magpapalakas nalang kami, mas mabuti pa 'yun sakit lang naman sa puso maidudulot niyang pesteng pag ibig na 'yan" aniya ni Tasha na tinawanan namin, 'yung mukha niya kasi halos sumama na sa sobrang ngiwi, hate na hate ang pag ibig. Tsk!

"Hindi naman halatang trauma ka ano?" Asar ni Anishka. Aba aba mukhang na trauma nga sa pag ibig ang batang 'to.


"By the way maiba tayo, Luane napalabas mo na ba ang wolf mo?" Napatingin ako kay Nikko ng matanong niya iyon. Well actually hindi pa nakakalabas si Uno pero nasa bahagi na siya ng katawan ko, siguro hindi pa handa ang katawan ko.


"Oo nga curious kami kuya Luane kung anong itsura mo or ng wolf mo kapag nag isa na kayo kapag nag transform" excited na sabi ni Shamie maging ang iba ay ganun din

"Well nararamdaman ko na at nakaka usap ang wolf kong si Uno sa isip ko pero hindi pa namin nararanasan mas transform" aniya ko sa kanila

"Ohh ganiyan din ako dati noong hindi pa malakas ang katawan ko, namimilipit nga ako sa sakit kapag sinusubulan kong mag transform" aniya naman ni Uzuri na tinanguan ko, that's what I thought.


"Yeah me too, well lahat naman siguro tayo maliban sa mga royalties na may special tutor kung paano ang tamang pagta transform at binibigay ang needs nila if mag fail sila sa first try" aniya naman ni Relcy habang ngumunguya na ng ewan ko kung saan niya nakuhang pagkain. Nag shi share pa sila ni Eavan. Napailing nalang ako puro talaga sila katakawan.


"Well never try that before" natatawang sabi ko sa kanila, well hindi naman talaga eh syempre bakit nila ako pag aaksayahan ng oras maisali sa ganoong pag aaral sa palasyo kung walang presensya 'man lang ng wolf ko sa loob ng katawan ko.

The Boyish Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now