Third Person POV
H
abang nagmamaneho ang binatang si Luane pauwi sa kanilang kaharian ay bigla siyang napahinto dahil sa biglang may sumulpot sa kaniyang harapan kaya naman ay muntik na niya itong mabunggo kung hindi lamang niya na i-preno ang sasakyan ay siguradong tatalsik silang pareho,buti na lamang din at kumagat ng maayos ang break ng sasakyan niya at huminto agad.
"What the F"bulong ng binata at agad na bumaba sa sasakyan at lumapit sa taong natumba marahil ay dahil sa pagka bigla.Nakita niyang isa itong matanda na babae
"Hey nay are you okay?"alalang tanong niya dito at tinulungan na makaupo
"Ah eh pasensya kana hijo naabala pa kita hindi ko napansin na maypaparating palang sasakyan"aniya ng matanda sa kaniya na ikinatango niya
"Ayos lang po yon pero sa susunod po ay siguraduhin niyo muna na walang sasakyan na dadaanan kagaya nito pano kung hindi po agad ako nakapag preno edi nasagasaan ko po kayo"mahinahon na sabi niya sa matanda
"Pasensya na talaga hijo,medyo nahihilo kasi ako kaya hindi ko na napagtuunan pa ng pansin 'yon."sagot nito sa kaniya kaya nag-aalala niya 'tong pinaayos ng tayo
"Ayos lang po Nay ang mahalaga eh maayos po kayo.Saan po ba ang punta ninyo?gabi na po oh baka mapano pa kayo sa daan"aniya dito at kinuha ang mga gamit na nahulog sa lupa dahil sa pagkaka tumba ng matanda
"Ah,sa totoo niyan ay pauwi na talaga ako at saka malapit lang naman dito ang bahay ko hijo kaya 'wag kang mag alala."aniya ng matanda na naka ngiti sa kaniya kaya napangiti din siya
"Ganun po ba sige po ihahatid ko na po kayo para maka sigurado akong ligtas tayong makaka uwi sa inyo"sagot niya dito na siyang inilingan agad ng matanda
"Naku hijo huwag ka ng mag abala pa hindi naman na kalayuan ang bahay namin dito at saka kailangan mona din umuwi at mag gagabi na baka hinahanap kana sa inyo,at ayaw din kitang maabala"sagot ng matanda dito na kaniya ding hindi sinang ayunan
"Naku hindi po,wala pong kaso yun sa akin saka hindi din po ako hahanapin sa amin kaya ayus lang po ang mahalaga eh maihatid ko kayo ng ligtas sa inyo"nakangiting aniya sa matanda
"Oh siya sige halatang hindi kita mapipigilan sa gusto mo"sukong sagot nalang ng matanda sa kaniya kaya natawa siya
"Haha alam ko naman pong hindi niyo matatanggihan ang ka gwapuhan ko kaya tara na po"biro niya dito at kinuha ang mga gamit na dala ng matanda at siya na ang nag buhat habang inaalalayan niya ang matanda sa paglalakad.Tanging liwanag nalang ng maliwanag na buwan ang ilaw nila sa dinadaanan nila maliban sa kalasada kung saan niya iniwan yung sasakyan niya na naka bukas ang ilaw.
"Haha mapag biro kang bata ka"natatawang sabat ng matanda na ikinasimangot niya dito
"Nay naman hindi mo ba nakikita ang mukhang 'to gwapo kaya ako no"pilit nito dito na siyang ikinatawa lalo ng matanda dahil sa kakulitan nito
"Haha oo na hijo totoong gwapo ka at tingin ko ay bagay na bagay kayo ng apo ko"masayang sabi ng matanda sa kaniya na siyang ikinangiti niya ulit ng malaki
"Really Nay,may apo ka gusto mo ligawan ko para magkaroon ka na ng gwapong apo?"
"Hahahaha ikaw na bata ka napaka kwela mo at sa tanong mo ay walang problema sakin aprubado na kita agad!"masayang sakay ng matanda sa biro niya na siyang kkinahalakhak nila parehas.Nag kwentuhan pa sila ng nag kwentuhan hanggang sa makarating sila sa bahay ng matanda.
YOU ARE READING
The Boyish Assassin's Reincarnation
FantasíaHell is her code name, she is the best Assassin among the others, she grew up without a mother and father in her side, when she reached the age of seven,a man suddenly popped up and adopted her,she thought she will finally experience the simple life...