CHAPTER 20

1.2K 51 5
                                    

Warning!!!
Beware  for the wrong Grammar and typos




Evanescent Levounne Leverette POV


"Gramssss!,aalis na po ako!"sigaw ko sa aking Lola na nasa labas at nag aayos ng kaniyang mga tanim na bulaklak,well ayon sa aking Lola na adik sa bulaklak ay simula pagka bata ay 'yon na daw ang kaniyang hilig gawin ang mag tanim ng mag tanim ng mga bulaklak sa parang man 'yan o sa kung saan pwede.



Minsan nga eh nai-kwento niya sa akin noong seven years old daw siya ay napagalitan siya ng kaniyang kapit bahay dahil kumupit siya ng bulaklak sa hardin nito at inilipat niya sa kaniyang bakanteng paso,kaya simula pagka bata din ay nahiligan kona din ang mangielam sa mga bulak bulak niya sa munting hardin niya na siyang ikinasaya niya dahil may kasama na daw siyang mag bungkal ng mga lupa para taniman.




Pero kahit na ganon siya na palaging naka tutok sa mga bulaklak ay hindi naman siya nag kulang sa pag aalaga sa akin,palaging may tirang atensiyon na nakalaan para sa akin.Isa pa utang na loob ko kay Grams ang buhay ko dahil kundi dahil sa kaniya ay baka hindi ako nag e exist ngayon,ulila na kasi ako at simula baby ay na kay Grams na 'ko.Hindi ako nabigyan ng chance na makita ang aking mga magulang.




Dahil ayon kay Grams ay nakita lamang niya ako sa labas ng pintuan ng munti niyang tahanan na naka balot sa makapal na lampin kasama ang isang ruby necklace na nakapalupot sa aking mga maliliit na braso.Kaya wala akong ideya kung sino ang aking pamilya,ngunit hindi na 'yon mahalaga dahil masaya na 'ko kasama ang aking Lola dito sa tahimik at simpleng tahanan niya.



"Ohh,aalis kana agad, oh siya mag iingat ka at may gagawin pa tayong mga gamot mamaya"sagot ni Grams sa akin pagka labas ko ng bahay



Ah,right hindi lang din mga basta bastang bulaklak ang mga tanim namin sa aming hardin,kundi mga bulaklak na ginagawa naming herbal na gamot na ibinibigay namin sa mga walang kakayanang magpa tingin sa mga espesyalista sa bayan.Kaya kailangan namin palaging gumawa upang mag imbak kung sakaling may biglaang emergency ay madali na lamang makaka kuha.




"Okiie dokiee Grams,take care loveyouu muahhh!"aniya ko sa kaniya at nag flying kiss pa,kita ko naman ang pag iling niya ngunit naka ngiti naman siya at tinatanaw akong papa alis.Bago ako tuluyang umalis ay kumaway ako sa kaniya.




Sumakay na 'ko sa aking motorbike na kulay black na regalo sa akin ni Lola noong ika labing siyam na kaarawan ko.Black is my favorite color that's why all of my stuff are color black,halos lahat ata ng gamit ko eh kahit maliit na bagay na pag aari ko ay black iilan lang ang may halo na ibang kulay.




ILANG minuto lang ay nakarating na din ako sa LEVAERÛN ACADEMY na isang pinaka sikat sa buong mundo,may dalawa kasing Academy dito pero yung isa ay nasa kabilang City kung saan purong mga hindi royalties o high status ang mga nag aaral doon,maganda naman ang pagtuturo doon ngunit ang LEVAERÛN ACADEMY kasi ay advance sa pag aaral kaya maraming nag aasam na makatuntong at makapag aral dito,at isa na ako sa mga estudyanteng iyon.Nabigyan ako ng pagkaka taong maka pasok doon bilang iskolar nila.




Pagka pasok ko sa loob ay marami na ang mga estudyante ang pagala gala at yung iba naman ay may sariling mundo sa kanilang mga pwesto,hindi ko na lamang sila pinag tuunan pa ng pansin at nag tungo agad ako sa aming classroom.




"Good morning Eveee my ghaddd! may chismis ako sayo Beshyyy!"matinis na sigaw ang sumalubong sa akin ng aking kaibigan nag makapasok ako sa loob ng classroom namin kaya napatakip ako ng aking tainga at sinamaan siya ng tingin.Parang hindi lalaki kung maka sigaw dinaig pang kinakatay na baboy!




The Boyish Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now