CHAPTER 31

1.2K 50 8
                                    

BORED 'yan ang nararamdaman ng binata dahil kanina pa siya naka upo sa upuang nakalaan para sa kanilang mga Prinsipe at Prinsesa at suya lang ang walang ginagawa doon kundi ang sumimsim sa kopitang hawak niya na may lamang wine. Hindi niya pa kasama ngayon ang kaniyang mga ka rank dahil wala pa ang mga ito at hindi pa din naman nag sisimula ang party,pero maaga siyang bumaba para lang pala ma bored.
Ang mga magulang niya at mga kapatid ay nasa kaniya kaniya pang mga kwarto marahil ay mga nag aayos pa din.

Napatingin siya sa higanteng pintuan ng palasyo nang bumukas 'yon at doon ay nakita niyang dumating na ang iba pang Prinsipe at Prinsesa kasama ang mga magulang ng mga ito,mga kapwa naka soot ng magagara at magarbong kasootan na halatang pinag handaan talaga. Binati at nag bigay galang sa mga ito ang ibang mga mamamayan na dumalo rin sa event kasama na doon ang ibang mga ka rank ng mga Prinsipe at Prinsesa. Inalis niya ang atensiyon sa mga bagong dating at muling itinuon ang atensiyon sa harap ng may tumawag sa kaniya at 'yon ay si Lena.

"Boss pababa na po ang mga kamahalan at ikaw lang yung wala dun kaya pinapatawag ka nila para sama sama daw kayong aakyat sa entablado" anito sa kaniya pagka lapit nito sa pwesto niya.

"Nah,hayaan mona sila moment nila 'yan kaya sila nalang,tinagamad akong tumayo" sagot niya dito na siyang nagpa kamot sa ulo ni Lena,well nagtataka din ito dahil kung dayi rati eh nauuna pa ito sa ibabaw ng stage kaoag may mga ganitong event pero ngayon ay naka ganito nalang siya dito sa ibaba, well bakit nga ba niya nakalimutan na malaki na ang ipinagbago ng kaniyang binabantayang Prinsipe simula ng ito'y maging sa pagkaka aksidente.

"Pero Boss parte ka ng pamilya nila kaya hindi po pwede na wala kayo doon" pilit ni Lena sa binata na napabuntong hininga nalang dahil no choice siya,baka kapag pianiral niya ang katamaran niya eh,masisi na naman siya na baka sabihin na naman ng mga ito na papansin na naman siya.


"Okay fine,wag kanang umiyak" aniya ng binata dito habang natatawa at umalis sa harapan nito, siya naman ay napapahid ang kamay sa kaniyang dalawang mata para matignan kung totoo ba yung sinabi ng boss niya pero napa kunot noo nalang si Lena dito dahil hindi wala namang luha ang mata niya.


"Hindi naman ako naiyak ah,palabiro talaga siya minsan" bulalas nito sa isip at saka sinundan ang boss niya.

***

"Wow ang ganda talaga ng palasyo nina kuya Luane"manghang sabi ni Blake ng makapasok sila sa tarangkahan ng palasyo ng mga Helverist,hindi naman na iyon kataka taka dahil prominente ang pamilyang Helverist at lahat ng mamamayan ay alam iyon.

"True ka dyan bubwit namin, hindi naman na yan kataka-taka isa silang royal family kaya wala ng bago don,expected na 'yan" aniya naman ng dalagang si Anishka na umakbay kay Achi


"Tsk, I'm not a bubwit" ingos ni Blake dito na tinawanan lang ng dalaga at ginulo ang buhok nito.


"Ohh yes you are" sagot pa ng dalaga dito


"Magsisimula na naman kayo,halina kayo at baka pag initan na naman tayo ng mga unggoy sa paligid" aniya ni Tasha sa mga ito na sinang ayunan nilang lahat saka sila naglakad papunta sa pinto ng palasyo.




***

"Oh hey there son,come here kanina pa kita hinahanap"aniya ng ina ng binata sa kaniya pagka kita nito sa kaniya na kaka pasok lang sa pinto kung saan nag aayos ang mga ito,wala doon sa loob ang dalawa niyang kapatid at wala din naman siyang paki alam kung na saang lupalop nagsusuot ang dalawa niyang kapatid.


"Yup, Happy anniversary to the both of you"aniya ng binata sa ina sabay lapit dito at hinalikan ito sa pisngi tinanguan naman siya ng kaniyang ama.



The Boyish Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now