CHAPTER 29

1.1K 50 7
                                    

Lena's POV


Abala ako ngayon dito sa restaurant ni boss Luane dahil ngayon ang opening namin,ngunit hindi ko alam na mas maging mabi busy pa ako dahil ang daming customer kahit opening palang at hindi namin inenexpect na bibiglang bugso ang customer sa unang bukas namin. Kaya heto hindi namin alam kung ano ang uunahin dahil hindi pa naman namin masyadong kabisado ang mga dish na inihain namin sa menu,tanging si Boss Luane lang ang nakakakuha ng tamang lasa nito,at yon ang problema namin ngayon.


"Manager Lena,ano pong gagawin natin sa mga 'to,masyadong napa alat ang pagkaka gawa sa adobo dish" tanong ng isang kasamahan ko dito na siyang kasama sa nag luto ng adobo dish,at wala naman akong masagot dahil kahit ako ay hindi ko alam kung paano 'yon sosolusyunan dahil hindi ko pa din alam kung ano ang mga tamang sangkap doon dahil bago lang naman sa aming panlasa ang dish ni boss Luane.


Haist,unang araw pa naman mukhang papalpak ang negosyo ni boss dahil sa amin.


"What's going on here?" Aniya ng boses mula sa pinto kaya napatingin ako doon at napa hinga ako ng maluwaga dahil si boss Luane 'yon. Dali dali akong lumapit sa kaniya at sinabi ang problema namin na agad naman niyang pinuntahan at tinikman.



"Hmm, nothing to worry about,madali lang naman solusyunan 'yan" aniya matapos matikman ang niluto ko na hindi tama ang lasa saka niya nilagyan ng sangkap na siguradong makakapag pa balanse ng lasa non. Kailangan pa naman 'yon ngayon dahil halos karamihan ay adobo dish ang order.



"Here taste this" alok sakin ni boss kaya naman tinikman ko 'yon agad at lumiwanag ang aking mukha dahil maayos na nga ang lasa non kumpara sa nauna.




"Hay,salamat boss ang nandito kayo akala ko babagsak na agad ang negosyo mo ng dahil sakin" nakayukong aniya ko dahil nahihiya ako,dahil ako ang pinag katuwalaan niya sa negosyo niya pero mukhang ako din ang sisira nun,at muntik na. Napatunghay ako ng ulo ng maramdaman ko ang pag tapik niya sa balikan ko at nakita kong nakangiti ito sakin at saka nag salita




"Tsk,wala 'yon naiintindihan ko naman ang nangyari dahil hindi niyo alam ang dish na 'to kaya wag mo 'kong bigyan ng ganiyang itsura at magsimula na lang kayong ibugay ang order, I didn't expect na madami agad tayong magiging customer ngayon" masayang aniya ni boss kaya naman napa ngiti ako at tumalima agad at sinunod ang sinabi niya.




Well masasabi kong sobrang laki na ng pinag bago ng mahal na Prinsipe,hindi na siya ang prinsipeng palaging niyuyurakan ang pagkatao noon,mas gusto ko ang prinsipeng ngayon dahil hindi na aiya nagpapatalo sa mga taong inapakan noon ang kaniyang pagkatao dahil lamang sa hindi niya mapalabas ang kaniyang wolf at sana ay tuloy na 'to,sana makita na ng mga kamahalan ang mga ginawa ng prinsipe noon na hindi nila alam.










Kleone Luane's POV

Nakatitig ako sa mga taong pumasok sa aking munting restaurant at masayang kumakain,ang mga taong naririto ay pawang mga nasa middle class lamang at ipinagpapasalamat ko 'yon. Knowing nobles they're pain in the ass,gusto nila sila palagi ang tama at hindi sila nababagay sa ganitong restaurant saka hindi ko naman itinayo ito para sa kanila kundi para sa mga kapos at middle class lamang although bukas din naman ito sa mga hindi matapobreng nobles.



Abala ang mga tao dito sa loob ng aking restaurant dahil sobrang dami ng mga sumubok sa mga dish dito na talaga ikinatuwa ko,hindi ko ine expect na ganito na agad ang kahihinatnan ng pagbubukas ko nito ,hindi ko ine expect na lolobo agad ang customer sa unang araw palang.




Napahinto ako sa pag tingin sa mga customer sa loob ng may ma spot-tan akong tatlong bata sa labas ng restaurant ko na nakatingin dito sa loob,isang babae at dalawang lalaki at base sa utsura't kasootan nila masasabi kong isa silang palaboy. Mga nakaka awang mga bata hindi man lang nila naranasan ang buhay ng normal na bat. Umalis ako sa pwesto ko ng makita kong aalis na silang tatlo at dali dali ko silang pinuntahan.



The Boyish Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now