Chapter 13: Proposal ❤️
• KAORI Point Of View •
" Good morning Po ma'am Kaori"
" Good morning din Po, bakit Ang aga nyo Po mag luto?" Tanong ko Kay ate Lyn na nag aayos Ng pagkain. It's 5 am in the morning at balak ko lang sana mag coffe and pandesal bago maligo at ito rin Ang unang araw na papasok Ako sa company ni takeshi, after nang incident, Hindi ko nadin inaalam Ang nangyari Kay Kai, dahil ayaw ko nang maalala iyon." Alam Po Kasi namin na maaga Ang pasok nyo ngayon, kaya pinag luto na Po namin kayo" sagot nito
" Salamat Po, sabay na Po kayo sakin kumain" alok ko sa kanila.
" Ay naku wag na Po ma'am sa kusina na lang Po kami kakain, kayo Po Ang AMO namin eh nakakahiya Naman Po" sagot nito sakin." Ate Lyn sige na Po saka Hindi Naman Po maid Ang tingin ko sa Inyo, parang pamilya na Po Kasi kayo lang naka-kasama ko Dito sa bahay, sige na Po ate Lyn"
Pilit ko sa kanya, na Hindi nag tagal ay pumayag narin siya at tinawag narin nya Yung iba pa nyang mga kasamahan." Tapos na Po ba kayo kumain ma'am kaori?" Tanong sakin ni ate elen, nang mapag hinto Ako sa pagkain ko.
" Hindi Po pero ..." Pakiramdam ko ay masusuka Ako at medyo nahihilo narin Ako.
At ayaw ko Nung amoy nang suka na sinasawsawan namin Ng pritong Tuyo." Ma'am Kaori okay lang Po ba kayo?" Pag aalala ni ate Lyn nang mapa takbo Ako sa kusina at nasuka Ako dahil malayo kung sa Cr pa Ako pupunta.
" Lalagnatin lang Po siguro Ako kaya nasusuka Ako at medyo nahihilo" sagot ko sa kanya matapos ko mag suka.
Nakatingin lamang sakin Si ate Lyn ganun din Si ate Elen.
" Hindi Po kaya magka kaka-baby na Po kayo ni sir. Takeshi?" Sambit ni ate Lyn na Hindi ko pinansin at bumalik Ako sa lamesa at uminom nang tubig.• TIME SKIP •
Matamlay akong nag lalakad, sa hallway pagka galing ko sa locker ay papunta na Ako sa classroom namin, masama talaga Ang pakiramdam ko Ngayon.
At sa hallway napansin ko Ang mga taong nagkukumpolan, sa Isang side kung saan nakikita Ang picture Ng Lolo at daddy ni takeshi ganun din Ang picture ni takeshi. Pero Hindi ko alam kung sino Yung pinag kakagulohan nila pang Nasa picture na Nasa baba nang picture ni takeshi, kaya inisip ko na lang na baka picture nang kanilang bagong manager.
Yung iba Naman ay napapatingin sakin, napapa ngite na lamang Ako sa bawat tumingin sakin dahil mga regular na silang employee Dito, naisip ko masyado na sigurong halata na matamlay Ako kaya napapatingin Sila sakin.
" Kayo bakit nandito pa kayo sa hallway Hindi paba kayo nasasabihan na lahat ay dapat na Nasa canteen palabas or papasok pa lamang!" Sabi Ni ma'am aicy
Sa pagkakaalam ko si ma'am aicy Ang head nang clean room department.Kaya Yung mga tao sa hallway ay dali-dali narin nag tungo sa canteen, ganun din Ako Kasi Sabi ni ma'am lahat.
Pag baba ko sa canteen ibang iba Ang ayos, naka tabi lahat Ng table at upoan kaya nagkaroon nang malawak na ispasyo, kung saan naka pila Ng lahat Ng employees by their department.
Kaya Ako hinanap ko na lang Yung mga kasama ko, na naka clean room nang uniform at may kulay pink sa sout na cap.
Pinauna Naman Ako nang mga kasama kung lalaki sa pila para kasama ko Yung mga kasamahan naming babae.