Arian’s POV
“Hello Ninang!” Masigla kong bati matapos pumasok sa kanilang bahay. Tumawag kasi ako kanina sa kanya na bibisita ako para isauli ang topper wear na nilagyan ng pagkain kahapon.
“Nako! Andyan kana pala iha. Pasok, pasok…Nako! Sinabi ko naman na wag kana mag-abala diba?”
Napanguso naman ako sa bungad ni Ninang sakin, “Eh pwede ba yon? Yung amin nga, palagi niyo sinasauli eh, kaya ayos lang yun Ninang! Na enjoy nga namin ang luto niyo kahapon.”
“Nako nambola kapa! Halika! Dito ka na mananghalian samin. Malapit namang maluto ang pagkain.”
“Nako talaga po! Sige po, salamat!” Nakangiti kong sabi matapos tanggapin ang alok ni Ninang.
“How about your parents?” Tanong ni Ninang habang naglalakad kami papunta sa sala.
“Well, they’re busy on the hospital as always.”
Both my mother and father are surgeons. As for my older sister, Alyana…she’s currently on Maldridge. Unlike my parents, she took a course in Computer Science.
Tutol pa nga nong umpisa sina Mom and Dad pero wala rin naman silang nagawa matapos magpumilit si ate.
Kaya yun, doon siya nag-aral hanggang sa naka graduate siya. Doon rin siya nagtatrabaho ngayon pero hindi ko alam ang exact name ng pinagtatrabahuan niya.
All I know is that she’s working under a security related company and has a high rank there.
Ewan ko ba pero hanggang ngayon ay hindi sinasabi ni ate kung saan siya nag tatrabaho. Pero hindi narin kami nag pumilit pa dahil kahit kasi nong bata pa kami ay wala sa ugali niya ang magsabi ng mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay niya.
Yun nga rin ang dahilan kung bakit sila nag-aaway nina mom at dad minsan dahil napakarami niyang sekreto. Ni hindi nga niya naisipan na ibahagi ito sa amin o ipaalam.
And as for me…well, I’m planning to also take medical course just like my parents after I graduate this year.
“Ganon ba?” Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Ninang.
“Sayang naman, iimbitahin ko paman sana sila.”
Normal na ang mga bagay na ito na mangyari samin since malapit lang ang bahay namin sa isa’t-isa. Kapag may handaan or marami ang pagkain kina Ninang or sa amin ay hindi namin nakakalimutang magbigay o magimbeta ang bawat-isa.
Kaya nong umuwi si kuya Eli sa kanila ay inimbeta nila kami. Tamang-tama rin at wala akong pasok kahapon kasi weekend. Nang makita ko nga si Kuya ay hindi ko mapigilang mapa hanga. Malaki na talaga ang nagbago sa kanya.
And as usual, he’s still handsome. Mas gumwapo nga eh.
Pero hindi ko mapigilang mailang ng makita ko siya dahil sa na alala ko naman ang mga ginawa ko dati.
BINABASA MO ANG
I Became The Boss Of The Male Lead
RomanceLife is truly unexpected. You'll never know what might possible things will happen to you in the future or what the future will bring you. However, that's what makes life even more meaningful. Everything is happening for a reason. And in life, nothi...