""Kuya Perry, what brought you here?", I was surprised when I saw Kuya Perry at Mama Mozzy's house.
"Bawal na ba akong bumisita sa pinakamaganda at pinakamamahal kong kapatid?", hindi ko alam kung bakit ako kinalabutan sa sinabi niya. He used to tell me those words pero bakit ngayon ko lang napansin na may kakaiba sa pagsabi niya nun?
"Wala naman, Kuya. Nagulat lang ako.", I ignored the odd feeling that I felt. But he went to me and kissed me on the cheeks and smiled at me. Lahat yata ng buhok ko sa katawan tumayo sa ginawa. Ako lang ba ang may malisya? o may mali taga sa ginagawa niya?
"Nagbreakfast ka na?", ayoko tong nararamdaman ko. Kinakabahan ako. And my instincts are usually true.
"Hindi pa. Kung gusto mo ikaw nalang------", Tae! Bakit siya ganito? "---ang magluto ng breakfast ko?", dati, ako talaga ang nagluluto ng breakfast niya. That was way back college days, pag walang training at nasa bahay lang ako. Pero bakit kailangan niyang ibitin yung sasabihin niya?
"Sige, ipagluluto kita ng sunny side. Yun lang naman ang kaya kong lutuin. Kamusta ka pala?" I tried my best to divert the topic to something else as a walk my way to our kitchen.
"Okay naman.", he followed me. "Inlove pa rin."
"Kanino?", I felt excited all of a sudden. Ang tagal na kase niyang hindi nag gigirlfriend. Siguro mula nung nagcollege ako, wala na siyang jowa, eh anong petsa na ngayon? May asawa na ako't anak pero single pa din siya! "Wait, bago mo sagutin, babae naman yang kinaiinlove-ban mo, right?"
Kuya laughed, "Oo naman. Kaso malake ang problema."
I looked inquiringly at him. "Yung tao kaseng mahal ko, may mahal nag iba. Kasal at may mga anak na.", he looked sad. "Matagal ko na siyang mahal, college pa lang ako, I am already inlove with her."
"Asan na siya ngayon? I mean,, uhmm", I didnt know what to say. Should I comfort him? Should I tell him words that would somehow feel him a little bit better?
"And she just considers me as her big brother.", he looked at me. Bakit parang may kakaiba talaga? Ayoko nito. Ayaw ko. "Ang sakit lang kase pag itinuloy ko or kahit ipakita man lang yung nararamdaman ko sa kanya, mag-iiba din ang tingin sa akin ng lahat."
I couldnt find words to say. I was speechless for a moment. Naguguluhan ako. Kinakabahan ako. Sana mali ang nasa isip ko. Sana mali.
"Kung manliligaw ako sa kapatid ko, ang panget kaseng tingnan. Ano na lang ang sasabihin sa akin at sa amin ng mga tao?"
I looked at him again. I opened my mouth to say something and closed it again. Kung kanina di ko lang alam kung anong sasabihin ko, ngayon parang bigla akong nagkaamnesia sa narinig ko. Parang kahit isang salita wala akong alam. Parang nakalimutan ko pano magsalita.
"Matagal ko na siyang gustong ligawan. Matagal kp ng gustong ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Matagal ko ng gustong ipagsigawan sa buong mundo na siya ang babaeng pinakamamahal ko? Pero pano ko gagawin yun kung kapatid ko siya?"
At parang may sumabog sa mukha ko. Yung bomba na sumabog sa bahay namin nung nakaraang linggo, wala yun sa pasabog na dala ni Kuya Perry ngayon.
Pagkakilabot is an understatement. Nandidiri ako. Nasusuka ko sa mga narinig ko. I couldnt breathe. I couldnt think straight. Ang daming tanong sa utak ko.
I felt a throbbing pain in my head, grabe naman to. I have been seeing my Kuya as a role model but look at him, inlove siya sa akin! Sa akin na sarili niyang kapatid. What the fuck!
"Mika, sorry. I didnt mean to fall inlove with you. I didnt mean to fall inlove with my STEP sister."
What??? Step sister?? But how??