Chapter 1: Yeye

4.6K 42 1
                                    

8:45 AM

Bwisit! Late na naman ako! Alam kong hindi kagaya ng traffic sa Manila ang traffic jam dito sa Davao pero kailangan kong dumating sa office ng before 9:00 AM kase meeting ako with my staff. Yes, with my staff, isa na akong HR Manager ngayon sa isa sa pinakamalaking BPO or as some calls it Call Center company dito sa Davao. We needed to meet early this morning kase later this afternoon, darating ang bagong site director namin dahil may account kaming bubuksan sa Davo Site. Yes again, I was relocated here two years ago. The company offered me a very good position and compensation as a manager for one of our company sites, at sino ba naman ako para tanggihan ang magandang opportunity na binigay nila sa akin.

After kong ma played-out ang eligibility ko sa UAAP, I decided to get a masters degree. Nagbunga naman lahat yun kase I got a very fulfilling and nice job. Pero kahit medyo malayo ako sa family ko okay naman, kase since boss ako, I can file a leave whenever I want at makakaluwas ng manila and my ex-teammates are based here na din naman. Kagaya ni Ara na dito na nakatira with her husband Thomas, sila kase ang nagmamanage ng resort nila sa Samal Island. Haha, I know what youre thinking, oo, married na halos silang lahat, ako, si ate Cyd at Camille na lang ang single but the two of them are both taken. So, technically, ako na lang talaga ang malamig ang lovelife. Hay, life.

My phone rang at nagmamadali akong kunin yun para sagutin, "Ano ba naman tong si Ara, ang aga-agang tumawag!" Unfortunately, nalaglag ko ang phone ko habang nagdadrive ako, "Badtrip." At since traffic sa may Bajada at nakared pa ang stop light, dali-dali kong pinulot ang phone na nalaglag malapit sa passenger seat ng car ko.

"Oo na, punyeta di makapag-antay!", bwisit talaga. Minsan nakakainis tong mga driver ng jeep eh, di ka lang makaapak sa acceleration 3 seconds after ng go signal, magwawala na kaagad eh! nako talaga!

While driving, nagdial ako ng number ni Ara, baka kase anong kailangan ng buntis na yun eh. Baka magpabili na naman ng sangkatutak na durian yun. Bakit kase sa akin pa nagpapabili, di na lang sa asawa niya. Sabi niya kase mas masarap daw yung lasa ng durian na dala ko kaysa sa durian na bili ni Thomas. Aba naman!

Hindi ko napansin na may nakahintong taxi pala sa harapan ko, and its already too late, wala nabangga ko na ang taxi, at parang may nahagip pa ata akong tao. I took a look at my watch first before ako bumaba at icheck ang taxi na nabangga ko. "8:54", napamura ako. Malalate pa ata ako. Asar!

"Maam, pasensya na jud. Nitirik man gud akong taxi eh" (Maam, pasensya na po, tumirik kase yung taxi ko), sabi sa akin ng taxi driver.

Pero di ko pinansin yun, kase mas pinansin ko yung taong nasagasaan ko. Opo, mas nasagasaan ako. Huhuhu. Criminal na ako. Baka napatay ko siya. No waaay!

Tumakbo ako sa taong nahagip ng kotse ko para tulungan siya. "Are you okay?"

"Do I look like Im okay?", galit pa siya. Sorry naman. Nakita ko siyang nakahawak sa bandang ankle niya. Nako, nainjured ko pa ata siya.

"Sorry. Di ko kase napansin na may taxi sa harapan ko." At tinulungan ko siyang tumayo. Hindi naman siya nagprotest.

"Mag ingat ka sa pagdadrive next time, Miss.", sabi niya. Hindi naman siya galit. But he was hurt. I know.

"Sorry na nga----", hindi ko na natuloy ang sinabi ko kase nagulat ako sa nakita ko. Oh my God. Gwapo yung nasagasaan ko. Macho. Mabango. Mas matangkad sa akin.

Gwapo pala siya. Macho at mabango. At mas matangkad pala siya sa akin?

"Mika?", I thought it was just my imagination. But it wasnt. Siya pala talaga ang nakita ko.

"Kiefer? Anong ginagawa mo dito?", gulat ako. My goodness gracious. Sa lahat ng pwedeng masagasaan, si Kiefer pa. Yes. It was Kiefer Isaac Crisologo Ravena. Bakit siya nandito?

Why Cant It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon