Prologue

124 1 0
                                    

"Sama ka na, please?" Nakapuppy eyes na sabi ng kaibigan kong si Yllana or Yana for short.

"Amo ba ang hindi mo maintindihan na ayokong sumama?!" Nanggigil kong sabi sa kanya at binatukan sya.

"Birthday ko naman eh. I-welcome naman natin ang legality ko!" Pamimilit pa nya sa akin.

Ayaw ko talaga. Dahil unang-una, sa bar kami pupunta. Pangalawa, mag-aaral pa ako dahil sa lunes na ang final exam namin. Pangatlo, baka pagalitan at mabugbog pa ako dahil nga bar ang pupuntahan namin. At ang huli, kung sya ay legal na ngayong araw ang edad ako naman ay may dalawang taon pa.

A big no talaga at hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari kung sasama ako. Kaya ayaw ko talaga.

"Ngayon lang naman eh. Sige na, ngayon lang naman." Pamimilit nya pa at nagpapacute sa akin.

Tinignan ko sya ng masama. "Ang dami mong ibang kaibigan dyan sila nalang."

"Eh ayaw ko sa kanila. Ikaw ang gusto kong kasama." Nakapout nyang sabi.

I heaved a sigh."We both know na hindi rin ako papayagan ng tita ko, gaga!" Sabay batok na naman sa kanya.

"Akong bahala sa tita mong pinaglihi sa sama ng loob at inggit." Kinindatan nya pa ako.

Wala na akong magulang. I'm already an orphan since I was only 11. Sabay namatay ang magulang ko sa isang car crash. Si tita Emily ay kapatid ni papa, nakakabatang kapatid. Sa totoo lang nasa 27 pa ang edad ng tita ko at sobrang nakakatangina ng ugali nya. Hindi kami magkasundo sa lahat ng bagay, ewan ko ba.

"Huy, hindi naman ganun ang tita ko no." Sinamaan ko sya ng tingin.

Kahit ganun ang tita ko, mahal ko yon at alam kong mahal nya rin ako. Hindi lang sya showy and expressive sa feelings nya. Kaya lagi kaming nag-aaway araw-araw. Hindi na kompleto araw namin basta walang away na hindi mangyayari.

"Anong hindi?! Kaya ka lagi nong inaaway dahil mas maganda ka sa kanya! Mas matalino at mas sexy kaya nga nagkakadarapa rin ang mga manliligaw mo sayo eh. Kahit nga mga manliligaw ng tita mo, natitipuhan ka rin!" Ang ingay talaga ng gagang to!

Kung anu-ano nalang ang sinasabi na wala namang sense. But what she said was right. Lahat ng yon ay totoo.

Bakit ba kasi sa edad na 16 ay naging mature na agad ako? To be honest, mas mature pa akong tingnan kay Yana na mas matanda sa akin ng dalawang taon.

"Kahit na ganun ugali non mahal ko yon no!" Sabi ko sabay irap sa kanya at naglakad na ulit.

Pauwi na kasi kami at yon na nga, nagyaya syang magbar kaming dalawa dahil nga 18 na sya ngayon. Hindi na sya nagpaparty dahil pinera nalang nya ang dapat sanang budget ng magulang nya sa debut nya. Mautak talaga sya.

"Lina naman!Ngayon lang naman eh!" Rinig kong sigaw nya habang hinahabol ako.

Hindi ko nalang sya pinansin. Hanggang sa makalabas kami ng campus ay dada pa rin sya ng dada. Gusto nya talagang sumama ako.

"Sige na, Lina." Pagmamakaawa nya.

Tinignan ko sya at nakakaawa na talaga sya. May parte sa akin na sumama sa kanya at tumakas sa tita ko pero may parte sa akin na ayaw ko talaga.

Unintentionally Falling In Love Where stories live. Discover now