12

10 1 0
                                    

Catalina

Bakit pagdating sa akin o sa amin ng mga bata ay sobrang lambot nya? Mukhang hindi naman sya ganito sa iba,halata naman sa kanya. Sa pamilya nya nga eh,ilap din sya. At sobrang seryoso nya sa buhay.

"Are you this soft to people?" Hindi ko mapigilang hindi magtanong sa kanya.

Her eyes widened because of my question. Hindi nya inasahan ang itatanong ko sa kanya.

"N-no. Sayo lang,I mean sa inyo ng mga bata lang." Naiilang nyang sagot sa akin.

"Sa pamilya mo hindi?" Pang-uusisa ko pa.

Natigilan sya sa tanong ko na naman. Hindi na nya nasagot ang tanong ko dahil tumunog ang cellphone ko.

Si tita lang pala.

"Oh,ano? Nasan na kayo?" Agad kong tanong dito nang sagutin ko ang tawag.

"Your best friend need to  overtime kaya mauna na kayo ng mga bata kumain." She answered.

"Hihintayin mo sya?" Tanong ko na naman sa kanya.

"I'll fetch her later,mag-oot na rin ako." Napatango naman ako sa tanong nya kahit hindi kami magkaharap.

"Sige tita,ingat kayo." Sabi ko nalang at saka pinatay ang tawag.

Paglapag ko ng cellphone ko sa mesa ay napatingin ako kay Apricot na nasa tabi ko pa rin pala hanggang ngayon.

"Hindi makakauwi ng maaga si Azuliana?" Tanong nya sa akin.

"Mag-oot silang mag-asawa." Tango ko sa kanya.

Tinignan ko ang mesa at tapos at ayos na ang hapag. Sya siguro ang nag-ayos nito nang tumawag kanina si tita.

"Ako na ang nag-ayos." Sabi nya nang tignan ko sya.

"Salamat." Tipid ko syang nginitian.

"Ako na ang tatawag sa mga anak natin." Paalam nya sa akin na nakangiti.

Natigilan ako sa mga huling salita na binitawan nya at bago pa ako maka-react man lang sa mga sinabi nya ay umalis na sya sa dining.

Anak natin?

Shit! Ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Para bang hinabol ako ng ilang minuto. Eh kasi naman yong babaeng yon,kung anu-ano lang ang lumalabas sa bibig.

Hanggang sa makabalik sya na kasama na ang mga bata ay ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

"Ahm..upo na kayo." I cleared my throat and helped Fifth to sit down,sya kasi ang pinakamalapit sa akin.

Nakaupo na ang mga bata. Nasa head chair ako,sa kaliwa ko at si Uno,Dos at Four while in my right is my youngest,Fifth,sunod sa kanya ay si Three at ang mama na nila.

No need to spoon-feeding them kasi they know how to eat independently naman. Si Apricot naman ay kumakain na rin kahit nakakunot ang noo habang ngumunguya ng mga ulam na niluto ko.

Filthy rich naman kasi ang angkan eh!

"Ayaw nyo po sa ulam namin mama?" Natigilan sya sa tanong ni Four sa kanya.

Magkaharap kasi silang dalawa kaya kitang-kita nito na parang naiilang sya sa mga nakahaing pagkain sa hapag. Hindi sya maarte sadyang hindi nya lang alam ang mga pagkain kaya parang ayaw nya.

Umiling sya."It's not like that. It's just....ahm...these foods are new to me kaya I'm like this. But...I'm starting to like naman the foods."

Napangiwi ako sa ka-conyo-han nya. May tinatago pala syang ganito. Gosh! Halata talagang hindi sanay sa hirap eh.

"Mama,we understand you naman po." Oh,diba? May pinagmanahan ang anak nyang panganay.

Bakit mga conyo ang mga anak ko? Dahil sa mama nilang conyo rin.

After dinner, Apricot bid her goodbye to the children. Ayaw pa nga syang pauwiin ng mga bata dahil gusto nilang dito sya matutulog sa bahay,pero sya na mismo ang tumanggi dahil may seminar na gaganapin bukas sa Batangas kaya nga nakipagbond sya sa mga bata ngayong araw dahil hindi nya ito makikita for 2 days.

"Tulog na mga bata. Malalim na ang gabi baka kung mapano pa ang mama nyo sa daan." Nakabusangot kong saad.

Kanina pa kasi silang nagyayakapan kahit nga ang bunso namin eh,nakiyakap na rin.

Feel ko,mas magiging close sila ng mama nila kaysa sa akin. Ang unfair. Sa totoo lang

"I agree with your mom. You should sleep already dahil malalim na ang gabi. After my seminar ay sa inyo agad ako didiretso." Apricot kissed their foreheads.

"Promise,ma?" Paninigurado ni Uno.

"Promise," She assured the kids. "Sa inyo ako uuwi."

After for so many years ay umalis na din sya. Parang matatagalan pa yata kung hindi pa tumawag ang secretary nya to inform her na dapat maaga silang aalis tomorrow.

I was staring at my children's sleeping forms. Lahat talaga sila ay kamukha ni Apricot,wala man lang sa akin maliban sa mata nina Four at Fifth.

"Hindi ka pa natutulog?" Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko.

Sinamaan ko ng tingin ang best friend ko na ngayon ay naka-office attire pa. Nag-over time kasi sya,needed daw nila.

"Kita mo namang nakatayo pa ako at nakadilat pa ang mga mata,diba?" Pilosopong sagot ko sa kanya.

Totoo naman kasi. Ikaw kaya tanungin ng ganyan,ano isasagot mo? Nakakabwisit rin naman kasi.

Or ako lang?

"Bakit ganyan mood mo? May dalaw ka ba ngayon?" At ngayon ay masama na rin ang tingin nya sa akin.

"Eh kasi naman, nakakabwisit ang tanong mo." Inirapan ko sya.

"Wag mo naman kasing i-literal. High blood na high blood ka ah. Bakit? Ano bang nangyari?" Inirapan nya rin ako.

"Wala namang nangyari." Sagot ko.

It was true naman kasi. Nothing happened. Pwera nalang sa nangyaring farewell kanina between the quintuplets at sa maa nila.

Nakakainis na ang babaeng yon.

"By the way,may pagkain don sa ref initin mo nalang at kumain ka." Dagdag kong sabi sa kanya.

"Nandon na ang tita mo,she's heating our foods." Pinakita nya sa akin ang isang bag at coat na nasa braso nya pala.

Those things are not hers. Kay tita ang mga yon.

"Sige,una na akong matulog sa inyo." Paalam ko.

Before I went to my room,I turned off my children room's light and closed their room's door.

For the next two days ako ang hatid sundo ng mga bata. And for those days ay ka-video call nila always ang mama nila. Sometimes ka-video call naman nila ang mga Lola nila at mga auntie nila.

Napapag-iwanan na ako. Joke lang,I am happy to see my children getting along with their Mama's family. It's a part of progression to their bond and relationship.

•sophialovelybeverly•


Unintentionally Falling In Love Where stories live. Discover now