2

20 2 0
                                    

Catalina

"Mhie, ang ganda ng dagat!" Sigaw ng third born ko nang papasok na kami sa resort.

Sa isang beach and resort gaganapin ang event at dahil si tita lang ang may invitation so sya lang ang libre, pero sya pa rin ang gumastos para sa vacation namin dahil utos ng asawa nya. Hindi rin naman nila ako pababayarin dahil lima kaya ang anak ko.

"Maliligo tayo after lunch!" May isa pa palang bata, ang best friend ko.

Nagsisigaw naman ang mga bata dahil sa sobrang excitement. Isang cabin ang ni-rent namin dahil nga marami kami.

"Uno! Mga kapatid mo ah!" I yelled.

Naliligo na kami ng dagat ngayon dahil tapos na kaming maglunch. May kukunin lang akong towel sa cabin namin dahil kulang ng isang towel. Wala ang bunso ko. Apat lang ang nadala ko.

"Yes,mhie!" Sigaw nito pabalik.

"Yana, ang mga anak ko ah!" Sigaw ko kay Yana at nagthumbs up lang sa akin.

Pagdating sa cabin ay kinuha ko na agad ang towel saka ang camera ko na rin na naiwan dahil sa sobrang excited nila.

Pagbalik ko sa kanila ay nandon na si tita na kakulitan na ang mga anak ko saka ang asawa nya.

To be honest, takot ang lima kay tita dahil nga sa aura nito pero mahal na mahal naman nila ito. Si tita at Yana ang tumulong sa akin nong nabuntis ako sa lima.

Hindi ko kasi kilala ang nakabuntis sa akin. Ang naaalala ko lang ay may sinapak ako sa gabing yon at nagising ako na may katabi ng babae. Ang ganda-ganda nong babae. Tingin ko ay nasa early 20s pa yon. Nagbihis nalang ako non at umalis baka kasi magising ang babae. Pero bago ako umalis ay pinakatitigan ko ang babae. May nakita akong picture frame sa bedside table don sa kwarto at nakita ko sya don sa picture. Ang mga mata nya. It's silver. Rare color of eyes ang akin kasi ay bluish tulad kay tita.

Nong nalaman ni tita na buntis ako, binigyan nya ako ng mag-asawang sampal. Nandon si Yana non at hindi nya napigilan ang sarili kaya nasampal nya rin ang tita ko.

Nong nalaman naming lima ang nasa sinapupunan ko, iyak ako ng iyak saka si Yana si tita naman, namumula ang mga mata.

Delivery ko non, hirap na hirap ako sa normal delivery kaya nagpa-cesarian ako. Unang karga ko sa mga anak ko, iyak ako ng iyak.

Para hindi ako mahirapan sa pangalan ng mga anak ko.

Ang panganay ay Uno Alura, babae. She's the acting mother if wala ako or sina tita at Yana. She takes care of her siblings with or without my watch. Basta sya ang pinakaresponsable sa kanila.

Pangalawa ay si, Dos Blaze babae din. Lagi syang sumusunod sa ate Uno nya. Kung wala ang ate nya ay sya ang papalit. Responsable naman sya kaso may pagkasutil.

Pangatlo ay si, Three Caleb lalaki. Sya ang pinakasutil sa lima. Lahat yata ng kalukohan alam nya. Pero mabait naman sya.

Pang-apat, lalaki din si Four Duke. Nasa kanya lahat ng katangian ng isang bata. He's curious all the time. Gusto nyang gawin kung ano ang nakikita nya sa ibang bata. Sutil din sya pero sya ang tagapagtanggol ng lahat. Si Three kasi makulit eh kaya parang sya na ang kuya.

Ang bunso ay babae,ang aming prinsesa. Her name is, Fifth Electra. Sya ang pinakatahimik. Minsan lang sya nakikipagkulitan sa mga kapatid nya. Mas gusto nya pang magbasa or magsolve ng kahit anong games kaysa maglaro.

Uno, Dos and Three has the same silver eyes. While Four got my bluish eyes. Pero ang bunso, she has heterochromia. Her eyes are silver and bluish. Kaya rin sya ilap sa mga tao dahil na din sa mga mata nya.

Tingin ko, maliban sa mata at ugali ay wala ng namana pa sa akin ang mga anak ko dahil hindi ko naman sila kamukha. Pati nga balat eh hindi sa akin. I'm Spanish that's why I'm lil tan pero sila? They are white as paper.

"Mhie!Ligo ka na rin!" Sigaw ni Three nang makita nya ako.

"Lina! Halika na! Ang sarap ng tubig!" Sigaw rin ni Yana.

She's wearing a two piece red bikini. Ang mga bata naman ay nakasuot ng kanilang rush guard. While me, nakarush guard din. Nang tignan ko si tita ay naka black bikini sya kaso, one piece ang sa kanya. Couple goals, malala.

I point the camera on them and take pictures before I put it on the sand, na naka-video.

Yana was right. Ang sarap ng tubig.

"Bakit ka nga pala nakarush guard? Ano ka bata?" Sita sa akin ni Yana nong nasa harap na nila ako.

Nasa kanya sina Dos at Three. Habang sina Uno at Four naman ay nakay tita. Ang bunso naman ay nasa gitna lang nila, nakasakay sa kanyang salbabida.

"I am comfortable with this, duh." Pagsusungit ko sa kanya saka hinalikan ang mga anak kong hawak-hawak nya.

"Us too, mhie." Natawa ako sa sinabi ni Four kaya naman hinalikan ko din sila.

Last kong hinalikan ang bunso na nasa salbabida lang.

"Bakit nandito ka rin tita? Diba dapat nasa resto ka pa ngayon at nakikipagkwentuhan sa mga potential investors ng company?" Tanong ko kay tita.

Hindi sya nakasabay kanina sa amin ng lunch dahil sa isang resto sila kakain, kasama ang chairmans,CEOs, president, board of directors and investors ng iba't ibang company.

"I got bored there." Tipid nyang sagot sa akin.

"Kunsabagay, nakakaumay din parati makaharap ang iba't ibang investors or business men in local and international." Tatango-tango kong sabi.

Even though, I took architecture in college and right now I'm an architect, may alam pa din ako sa business. Yana took Accountancy and she's already a CPA. Gusto nyang magwork. She have two choices. Sa Cabrera construction company or sa company nila na under ay resorts and hotels. Kaso ayaw nya don sa dalawa. Gusto nya sa ibang company. Pinagbigyan sya ni tita at ng parents nya na magtrabaho sa iba. Kakagraduate lang namin ng college 3 years ago. After a year ay nakapasa kami ng board. Sya may work na sa dream company nya at ako ay minsan-minsan lang pumapasok sa company ni tita dahil nga hands on ako sa mga anak ko.

"Puro kayo business eh. We need to unwind and relax." Ngising sabi ni Yana.

Around 3 pm ay umahon na kami dahil maghahanda pa si tita para sa event mamayang gabi. At kami naman,magpapahinga.

"Mhie, dinner natin mamaya ay dapat shrimp lang." Napatingin ako kay Three nang magsalita ito.

Matutulog muna kami dahil pagod sa pagtatampisaw sa dagat. Nakahiga na kami sa dalawang queen size bed na pinagdikit lang namin. Hindi kasi kami kasya lahat kung sa isa lang na kama. Ang lilikot pa naman ng lima.

"Yes, shrimp." Tango ko.

Nasa gitna namin sila ni Yana. Katabi ko si Fifth at katabi naman ni Yana si Dos. Unti-unti na rin ako inaantok.






•sophialovelybeverly•

Unintentionally Falling In Love Where stories live. Discover now