11

17 1 0
                                    

Catalina

After the breakfast ay sila na ABC ang naghatid sa mga bata sa school ng mga ito. They know the school naman kaya hinayaan ko na. Kaya at the end,ako nalang mag-isa dito sa bahay namin. Sina tita at Yana naman ay pumasok na din sa mga trabaho nila.

May nalaman din ako ngayon lang din. Ang amo ni Yana ay yong bunso ng del Gracia na si IJM or si Ixora. Kaya naman pala ilang na ilang kanina yong best friend ko.

Ang ginawa ko nalang maghapon ay naglinis ng bahay at sa garden na nagpalipas ng oras. May bago akong tinanim na mga halaman at bulaklak.

It was around 3 at nasa garden pa rin ako nang tumunog ang cellphone ko. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang caller ID nito at basta nalang sinagot.

"Hello?" Bungad ko dito.

"Catalina." Halos mawalan ako ng dugo dahil sa boses na nasa kabilang linya.

Tangna! Tinignan ko ang caller ID at shit lang. Si ABC ang tumatawag ngayon. Bakit ba hindi ko tinignan kung sino ang tumatawag ah?!

"Oh,bakit?" Kahit na hindi kami magkaharap ngayon ay tinaasan ko pa rin ito ng kilay.

"Can I fetch the kids later? If it's okay lang naman sayo. I just want to have a bond with them before ko sila iuwi sayo. Kung okay lang naman sayo pero kung hindi naman ay okay lang sa akin." Mabilis nyang sabi.

Pwede na syang ipambato sa tounge twister o di kaya ay rap. Wala man lang kautal-utal sa mga sinasabi nya. At wala rin akong naintindihan maliban sa gusto nyang sundoin ang nga bata mamaya.

"Can you please slow down? Hindi ka naman hinahabol ng kung ano dyan ah?" Sabi ko sa kanya at naupo.

"Ahmm...sorry. Gusto ko kasi maka-bonding ang mga bata mamaya,kung okay lang sayo." This time is hindi mabilis pero sobra namang hina ng pagkasabi nya na parang bulong na din.

"Yon lang naman pala. Payag ako pero iuwi mo before 7 ah." After I said that ay nakarinig ako ng sumigaw ng yes sa background niya.

May kasama pa ba syang iba? Familiar ang boses na yon. Kung hindi kay DFH ay sa mommy nya yon.

"Thank you,Catalina. Thank you. Promise I will bring them to you before 7 still sound and safe. Thank you talaga." Her voice was pretty obvious na sobrang saya nya.

"But don't spoil them too much, Apricot." Banta ko sa kanya.

It is my first time calling her on her own name.  And I don't know why I like it. It's beautiful.

Fuck! What's happening to me?!

"Y-yes Catalina. Sige na." Hindi pa nga ako nakakasagot ay pinatay na nya ang tawag.

Tangna nya ah!

Pinatayan ba naman ako ng tawag. Wala pang nakakagawa sa akin non dahil ako namana ang palaging nagpapatay sa kanila ng tawag. Itanong mo pa kay Yana.

Nilagay ko nalang ang cellphone ko pabalik sa table at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.

Nang maghapon na ay niligpit ko na ang mga ginamit ko kanina. Nilinis ko na rin ang mga kalat na nagawa ko. After that,I took a bath.

Around 6:30 ay nagsimula na akong maghanda ng dinner namin. Dalawa lang namang putahe ang niluto ko. Tinolang manok at ginisang gulay. Oh,diba? May kaya nga kami pero simple lang ang mga ulam namin dahil hindi naman kami mapili.

Naghahanda na ako sa dining nang may narinig akong busina na mula sa labas. Wala kasi kaming kasambahay kaya kailangan naming mag-independent. Ganun ang gusto ni tita eh pero okay lang naman.

Siguro ang mga bata na ito kasama ang mama nila. I run outside to open the gate and I was right.

Her window was opened so kitang-kita ko sya. Lumapit ako sa kanya.

"Ipasok mo muna ang kotse." Sabi ko sa kanya.

"Hi po,mhie." Napangiti ako nang batiin ako ng mga bata sa loob.

Si Fifth ang nasa shotgun at ang apat ay nasa backseat.

"Okay." Apricot replied and nodded.

Binuksan ko ang gate namin at sinirado din nang makapasok na sila at mapark na nya ang kotse sa parking ng bahay namin. Kahit na 2nd floor lang ang bahay namin eh may parking lot naman dahil nga ang daming kotse ni tita,nasa 10 yata at isa lang nga ang sa akin eh. Mas malaki pa ang parking lot nya kaysa sa bahay namin.

"Mhie!" Sigaw ng mga bata nang makababa na sila ng kotse at nagsiyakap sa akin.

Bumaba na rin si Apricot at binigyan ko lang sya ng isang tipid na ngiti at tango.

"Did they eat dinner already?" Tanong ko sa kanya nang papasok na kami sa loob ng bahay.

Buhat nya si Three dahil nagpakarga at nasa gitna namin ang apat na mga bata. Sa totoo lang,kayang-kaya nyang magbuhat ng dalawang bata kahit na may kalakihan na ang mga ito.

"No,they didn't. Namasyal lang kami at nagsnack sa Jollibee. Sabi kasi nila ay dito sila kakain ng dinner dahil daw for sure nagluto ka para sa hapunan nila." Sagot nya habang napapatango pa.

Napangiti ako sa sagot nya. My children really know me well. Kung hindi kami sa labas kakain na kasama ako ay siguradong magluluto talaga ako ng dinner unless ay sabihin nila tita sa akin na hindi na kaha hindi na ako nagluluto pag ganun.

"We are right naman,mhie,diba?" Tanong ni Dos na katabi ko lang at nakahawak sa kamay ko.

"Uh-huh." I nodded while smiling at her.

Pinaakyat ko muna ang mga bata para magbihis at ako naman ay pumunta sa dining para tapusin ang paghahanda ko sa dinner namin.

"Dito ka nalang din kumain." I uttered when I felt Apricot's presence inside the room.

"Can I?" Nag-aalangan nyang tanong sa akin.

"Oo,pero wag kang magreklamo sa ulam namin ah." Pinanlakihan ko sya ng mga mata nang tignan ko sya.

Nakatayo na pala sya sa tagiliran ko. Her face was soft. Her looks was gentle. Ganito talaga ang expression nya if she's facing me or the kids. Ewan ko if ganito rin sya sa iba.

Paki ko pala? Pakihanap nga.

She looked at the foods on the table. Her face only says one thing;she doesn't know kung ano ang mga ulam na nasa hapag.

Tumingin sya sa akin at alam kong magtatanong sya kaya inunahan ko na sya.

"Wag ka ng magtanong." Banta ko sa kanya.

"C-curious lang naman kasi ako kung ----" I cut her off.

"Ah basta,i-research mo nalang later. " Inikutan ko sya ng mata.

"How can I if---"

"Just shut up, Apricot."

"Just tell me if what's your viand lang naman kasi hin---"

"Basta ulam ng mga dukha to."

"Ulam ng mga dukha? As long as I remember eh malaki rin ang net worth ng Cabrera's,naki---"

Sinamaan ko sya ng tingin kaya napatigil sya sa pagsasalita. Hindi ko alam na may kadaldalan pala ang isang to kapag gusto nya ang topic na pinag-uusapan.

"Sorry, Catalina." She bit her lower lip and averted her eyes away from me.






•sophialovelybeverly•

Unintentionally Falling In Love Where stories live. Discover now