15

17 1 0
                                    

Catalina

"We are very sorry that we didn't know about this sooner, Ms. Cabrera." Paumanhin sa akin ng guidance counselor.

Nandito rin ang principal. Ang teacher rin ng mga bata ay nandito. She stayed when the principal asked her too. Lima lang kami dito. Kami ni Apricot at silang tatlo.

"I just wanted to ask why this incident happened inside the school perimeter, ma'am." Seryosong saad ko dito.

"We already called the guardians of the said kid that bullied your child, Ms. Cabrera and they'll be here soon." The principal uttered.

Tumango naman ako sa kaniya.

"So I guess, we will wait for them." Anito naman ng katabi ko.

Napunta ang tingin nila sa kasama ko at nagtataka ang mga ito dahil ngayon lang ito nakapunta dito.

I cleared my throat. "She's my fri— girlfriend."

Napatango naman ang mga ito. Kahit na may kaunting panghuhusga ang mga titig nila ay wala akong pakialam. Humigpit ang kapit ni Apricot sa kamay ko kaya tinignan ko siya.

And why did I introduce her as my girlfriend? Pwede namang kaibigan lang diba? Tangina mo ka, Catalina.

She was staring at me intently. Na para bang may hindi siya inaasahan na mangyari.

"You okay?" I softly asked her.

"Y-yeah." She nodded at me and then smiled.

Yong ngiting nakakalaglag panty. Char. Sa totoo lang, ang genuine ng mga ngiti ng babaeng to sa amin. Sobrang open niya rin.

The door opened. Napunta ang tingin namin don.

"They are here." Saad ng guidance counselor.

Nagtagal kami sa office ng kalahating oras bago kami lumabas. The guardians of the bully kid asked for our forgiveness then napagkasunduan na rin namin na humingi ang bata sa anak ko. Dalawang guardian ang dumating para sa bata. And they are not the parents.

"Pasensya na po sa inyo Miss kung ano man ang nagawa ng bata sa anak ninyo po. Siguro dahil walang masyadong oras ang mga magulang nito kaya sya nagkakaganyan."

Sinasabi ko na nga ba. Kids would be like this dahil na rin sa kinalakihan nilang tanahan.

Pumunta kami sa classroom ng mga bata. Kasama namin ang teacher ng mga ito at ang guidance. Ang principal ay hindi na sumama dahil may lalakarin pa ito na meeting sa ibang skwelahan. Nandito rin ang dalawang guardian ng bata.

Tinawag ni teacher Martinez ang mga anak ko saka may tinawag pa siyang isang batang babae. Kasing tangkad ito nina Three at Four. Sa mukha palang maldita na. Iniirapan ba naman ang bunso kong anak na wala namang paki sa kaniya.

"Bakit po, teacher?" Tanong no'ng bata agad sa guro nila.

When she saw us, fear coated her eyes. She is familiarize with me dahil hatid sundo ko ang mga bata dito. Napunta ang tingin niya sa dalawang guardians niya at tumakbo siya papunta don.

Lumapit naman ang mga anak namin sa amin ni Apricot. Nilapitan ni ma'am Martinez ang bata na nagtatago sa hita ng mga guardians niya.

"Quinn, you should say sorry to your classmates. Bullying is bad, you know that right?" Mahinahong ani ng guro sa bata.

Tinignan ng bata ang mga anak ko hanggang sa napunta ang tingin niya sa akin. I smiled at her ,reassuring na hindi ako magagalit. I know the feeling na hindi ramdam ang pagmamahal ng isang magulang. I became orphan at the Age of ten so si tita nalang talaga ang nagpalaki sa akin.

Unintentionally Falling In Love Where stories live. Discover now