5

18 2 0
                                    

Catalina

"Just tell me your name." Sabi ng babae sa akin bago ako pakawalan.

Tinignan ko si tita at binigyan nya ako ng isang tipid na tango.

I sighed."Catalina Cabrera."

She smiled, a simple but genuine smile."Better."

Umalis na kami don at sinigurado ko na hindi nya kami susundan. Kinuha ko din ang card ko. Dahil baka makita lang nya ang mga bata sa hindi inaasahang pagkakataon.

"Tita, sino yon?" Tanong ko kay tita nang makalayo-layo na kami.

Tumigil si tita sa paglalakad na kinatigil ko rin.

"She's the quintuplets father or other mother." Hindi ko alam kung namimilosopo ba sya or seryuso.

"What I mean is what's her name. Wag kang sarcastic dyan, tita." I rolled my eyes at her because of irritation.

This time sya na ang nagrolled eyes sa akin. Tangna talaga yong matanda na to.

"ABC del Gracia." Yon lang at naglakad na ulit sya at iniwan ako.

ABC del Gracia? Grabe naman ang pangalan na yan! Bata lang ganun?!

Sumunod nalang ako kay tita. When I got to the cottage, they are already eating. Nandon din si Yana na maga pa ang mga mata dahil sa iyak nya kanina.

"Eat na mhie." Four told me and tapped his side, yon nalang kasi ang vacant.

I smiled at him saka umupo na. Nagsimula na din akong kumain.

"What took you so long pala mhie?" Tanong ni Uno sa akin.

Tinignan ko sya at hindi lang pala sya ang nakatingin sa akin. Silang lahat, kaso si tita, nginisihan lang ako. Tanginang matanda!

"Someone I don't know much saw me kaya nagkamustahan." Labas sa ilong na sabi ko, half true kasi yon.

"And maybe soon enough you'll meet her too." Dagdag ni tita sa sinabi ko.

Nag-igting ang panga ko sa sinabi nya. Alam nya na yong del Gracia na yon ang babaeng naka-one night stand ko kaya nabuo tong limang bubwit na to.

"Is she pretty, tita?" Tanong ni Dos.

Tita smirked."I can't say she's not pretty."

Kunti nalang talaga, sisipain ko palabas ng cottage ang matandang to. Tinignan ko si Yana na kanina pa tahimik. Okay na naman siguro sila ni tita pero it will take days para mabalik ang dati nilang treatment sa isa't isa.

Tong matanda naman kasi, nakalimutan na may asawa. Hays.

"Mhie, balik tayo dito ah." Sabi ni Three habang nagliligpit kami ng mga gamit namin.

Katatapos lang namin magbreakfast. At kagabi ko pa napagdesisyunan na aalis na kami dito.

Uuwi na kami mamaya. Mauuna kami kay tita dahil bukas pa sya makakauwi,today is the 3rd of the anniversary celebration. Okay na din yon baka kasi mabwisit lang ako sa pagmumukha non.

Last night, basta nya nalang hinila si Yana nong paalis na kami ng cottage para matulog na sana. Hanggang ngayon ay wala pa nga si Yana. I texted tita earlier na uuwi na kami, isasama sana namin si Yana kaso ang reply nya sa akin. Mauna na raw kami. Sya na daw bahala sa asawa nya.

"But mhie, why can't we stay here any longer? Next week pa naman ang start ng klase namin." Tanong ni Uno na naghinto sa pag-aayos ko ng mga gamit namin.

Unintentionally Falling In Love Where stories live. Discover now