9

17 2 0
                                    

Catalina

I was staring at my children that are now already sleeping. Mahimbing na silang natutulog. Kita ko sa mga mukha nila ang pagod dahil sa nangyari kanina.

When we need to go home earlier, they cried. They didn't want to go home yet because they wanted to be with their mama. Ayaw nilang umuwi na hindi ito kasama pero wala silang nagawa dahil kung matigas ang ulo nila mas matigas ang sa akin.

It was already 10 pm na kaya uuwi na talaga kami. Nauna na ngang natulog sa restaurant ang bunso nilang kapatid eh. Ayaw pa nilang umuwi.

May pagtatampo ako sa mga anak ko dahil hindi man lang nila tinulungan si Fifth na mag-adjust kanina. Hindi nila napansin na ang bunso nila ay hindi nila kasama na ka-bonding ang ina nila or talagang alam lang nila pero alam nilang hindi talaga malapitin sa tao ng bunso namin.

Dahil sa pagtitig ko sa mga anak ko hindi ko namalayan na nakapasok na si tita sa kwarto.

"You planned that, right?" Tanong ko agad sa kanya.

Kanina kasi pagdating na pagdating namin sa bahay ay nasa living room sila ni Yana at nong magkwento na ang mga bata tungkol sa pagkikita ng mga ito sa kanilang ina ay hindi sya nagulat kahit na si Yana. They weren't shock at all like they expected it to happen.

"7 years is enough." Tipid nyang tugon sa akin.

"Thank you, tita. I was preparing for our meeting. Pinaghahandaan ko ang pagkikita namin at ipapakilala ko ang mga bata sa kanya. But earlier, all that I practiced, all that I prepared vanished when she said that the kids are hers. I didn't even uttered a single word saying that they are hers. She said herself. I was and am happy that she accepted the kids. But, only the four kids got easily attached to her." I said and my tears just got out of my eyes."Hindi lumapit sa kanya si Fifth, gusto nyang lapitan ang bata pero ayaw nito." I looked at my youngest na katabi ko lang.

Pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa mukha ko pero patuloy pa rin ang pag-agos nito. Ayaw papigil, parang emosyon ko rin. Kakapagod naman.

"We know that among the quintuplets, Fifth is the aloof one. Hindi sya mahilig sa socializing. She only wants to be alone. She wants only to be just with herself. Alam natin na kahit hindi sabihin ng bunso natin na nasasaktan at nahihirapan, nararamdaman nya iyon. She feels that she's not normal. She's different from her siblings that's why she's like that. She's afraid of what the other people will say to her if they knows about her condition." Mahabang sabi ni tita saka hinawakan ang ulo ko at hinaplos ito.

Alam na alam ko iyon. Kahit hindi sabihin ng bunso namin ang nararamdaman nya ay alam ko yon. Alam na alam ko dahil ako ang ina nya. Ako ang nagdala sa kanya sa mundong ito. Sa kanya ako pinakahands on dahil na rin sa condition nito.

I was surprised when I saw ABC and DFH del Gracia in front of our house right now with two other women. Ang isa ay kamukhang-kamukha ni DFH pero may black eyes at ang isa ay kamukhang-kamukha naman ni ABC, they have the same eyes, silver.

Who are they?

I was preparing for our breakfast when I heard the doorbell rang. Sila pala. Mabuti naman at wala si Flowery del Gracia. Yon ang pinaka-intimidated sa kanila eh. Hindi ako comfortable don pero masasanay naman siguro ako, soon.

Hiyang-hiya rin ako dahil nakacottom shorts lang ako at white tee-shirt saka nakapambahay ng tsinelas. Eh sila? Parang papunta ng fashion show eh.

"Hi,Cata!" Bati sa akin agad ni DFH ng buksan ko na ang gate.

Kunot pa ang noo ko pero hiyang-hiya na.

"Wag kang gumawa ng nickname dyan hindi kita close!" Irap ko dito.

Unintentionally Falling In Love Where stories live. Discover now