13

13 0 0
                                    

Catalina

Just like what Apricot said sa mga bata before she went to the seminar in Batangas,sa mga bata sya unang umuwi. Pagkauwi na pagkauwi nya galing sa seminar ay pumunta sya agad sa mga bata. Ang mga bata agad ang pinuntahan nya.

That was days ago pa and now,they are more closer than before.

"Mama,we have a classmate na laging binubully si Fifth. Ang sama-sama nya sa amin." Rinig kong sumbong ni Three sa mama nya.

Rinig na rinig ko kahit na nasa kusina ako, making their snacks. Sunday ngayon,and nagbabonding sila mag-iina sa living room. Sina tita at Yana ay wala dito,may appointment daw sa doctor nila. Feels like I'm going to be an aunt anytime soon.

"Why are you telling me this just now? Does your mommy knows this? Why didn't you tell me sooner? Did that kid hurt you?" Rinig ko namang sunod-sunod na tanong ng mama nila sa kanila.

"Hindi naman kami sinasaktan,mama. Pinagsasabihan nya lang kami ng masasama. At first okay lang sa amin dahil parang pang-aasar lang naman saka we thought she was just joking around us pero hindi pala." Uno explained and I furrowed my brows.

I finished making their sandwiches,cookies and fresh slices of fruits and their smoothies saka bumalik na ng living room.

Katabi ni Apricot sina Uno at Three,nasa kanan si Uno,sa kaliwa naman si Three. Sina Dos at Four ay nasa carpet, coloring the books they have. While the youngest,nasa isang single couch nagbabasa ng libro.

"Kain na kayo." I said and put the tray on the center table.

"Yey!" Sigaw ng mga bata except sa bunso na focus na focus sa pagbabasa.

Habang inalalayan ko ang mga bata sa pagkuha ng pagkain nila ay ramdam kong may nakatitig sa akin. I looked up to see her and she was really staring at me with her signature emotionless face.

"Huy! Kain ka rin." Tawag ko sa kanya.

She blinked her eyes rapidly and nodded at me then tinignan ang anak na nagbabasa pa rin.

"Fifth,baby,eat your snacks." Sabi nya dito.

As I didn't expect, happened. Fifth put down her book and then went to her Mama's  lap then don sya kumain. Nagpapababy ang bunso.

"So ano nga yong,pinag-uusapan nyo kanina?" Taas-kilay kong tanong sa kanila.

"About their bully." Apricot was the one who answered me."Do you know about this?" She asked me.

I shook my head as a no. They never said about this matter. I enrolled them in that school because it's one of the nicest school for kids.

Tinignan ko ang mga bata and they were already staring at me.

"Why didn't you tell me about this matter?" Seryuso kong tanong sa kanila.

Napayuko naman silang lahat nang makita nilang sobrang seryuso ng mukha ko.

"Hey,you're scaring the kids." Saway sa akin ni Apricot.

"I'm not scaring them. It's just that,they never tell me about this. Kailan ko pa malalaman? If they are hurt na or what!?" I explained.

"Let's visit the school tomorrow." She sighed and I nodded at her.

"Dapat lang. Nobody,I mean no one can hurt my children, emotionally or physically." I looked at my kids."Dapat sinabi nyo sa akin na binubully na pala kayo."

"We don't want to worry you,mhie." Uno said.

"Mas mawo-worry ang mommy nyo if hindi nyo sasabihin sa akin. You mean everything to me,okay?" They nodded at me and then suddenly,niyakap nila ako.

Naglaro lang sila for the rest of the day. Ewan ko sa mama nila at parang walang trabaho these past few days.

The kids are in their rooms, cleaning their selves dahil maghahapunan na kami. Me and Apricot was the one who cooked out foods for the dinner.

"Don't you have work? I was wondering why you always have a time for the kids. You're always free these past few days." Ako na ang unang nagsalita.

She looked at me and then said, "Sina Dandelion na ang bahala don."

"Does your sister know how to handle a company? Wala sa mukha eh, ang sarap ingudngod sa pader." Inis kong sabi.

Napatawa naman sya sa sinabi ko. I was shocked to hear her laugh. Para kasing bato ang isang to. Hindi rin alam ang word na 'laugh'. But I can see how much she adores our children.

"Sa aming tatlo, Dandel was the funniest one. Sya rin ang pinakamaingay. Si Ixora naman ang hindi maingay sa amin." She said that made me nod.

Another information about her family. Alam ko naman na maingay na talaga ang babaeng yon. Si Ixora naman ay halata ring hindi umiimik. Minsan lang kapag kausap sya ng mga bata.

"Baka hindi mo na naman alam ang lulutuin natin, ah?" Hinala ko sa kanya.

Sya kasi ang nagpresenta na tutulungan daw nya akong magluto, baka hindi nya pa alam ang lulutuin ko dahil anak mayaman ang isang to.

"I know kaya. Adobo lang naman, diba?" Wow ni-naman ba naman ang adobo.

Sya kaya ang magluto non mag-isa kung kaya nya ba.

"Hindi lang adobo ang lulutuin natin. Pati ikaw lulutuin ko." Seryosong sabi ko sa kanya at tinutok pa sa kanya ang kutsilyong hawak-hawak ko.

She gulped nervously when she saw the knife pointing at her. Ang seryoso ko kasi. Hindi mo talaga malalaman if nagbibiro ako o hindi. From being nervous napalitan iyon ng walang emosyon. Biglang nag-iba. Kung ano ang mukha nya noong nakita ko sya sa resort ay pareho lang ngayon.

"Catalina." Malamig nyang tawag sa pangalan ko.

"Joke lang naman eh." Humagalpak ako ng tawa dahil parang nawala talaga ang kulay sa mukha nya.

Kahit na kinakabahan ay tawa lang ako ng tawa. Bahala na. Hindi naman siguro halata na, kinakabahan na ako no?

"Akin na yan!" Maingat nyang kinuha ang kutsilyo sa akin.

Nahinto naman ako kakatawa. Ang seryoso nya pa rin.

"Woi, galit ka?" Tinignan ko sya sa mukha.

Ganun pa rin ang mukha nya. Walang emosyon. Sobrang lamig pa.

"It wasn't nice joke, Catalina." Nilayo nya sa akin ang kutsilyo.

Pati ang mga ingredients na dapat hiwain ay nilayo nya sa akin. Sya na ang nakaharap rito. Wala na yata syang balak ipahawak sa akin ang kutsilyo.

"Ang oa mo naman, Apricot. Joke lang naman yon eh. Never ko gagawin yon. Ikaw lulutuin ko? Ang laki-laki mo kaya, hindi kita kaya. Saka, kung lulutuin kita ide wala ng magandang mama ang mga anak ko saka may plano pa naman akong liga-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang mapansing sobrang seryoso nyang nakatitig sa akin.

Unti-unti ko ring nare-realize kung anong sinabi ko kanina. Kung ano-ano nalang talaga ang sinasabi ko.

Napaatras ako sa sink nang humakbang sya palapit sa akin. Wala na syang hawak na kutsilyo.

"B-Ba't ka lumalapit?!" Utal kong sigaw sa kanya.

She smirked, coldly. "Bakit ikaw, lumalayo naman sa akin?"

"Apricot, hindi magandang biro yan. Layo ka sa akin!" Sigaw ko at umatras pa hanggang sa naramdaman ko na ang sink sa beywang ko.

"Ayoko." Tinaasan nya ako ng kilay at sa isang iglap lang ay nasa harap ko na.

And we are dangerously close to each other.






sophialovelybeverly

Unintentionally Falling In Love Where stories live. Discover now