Chapter 10

10 0 0
                                    

Paula's POV

It's so good to be back in the Philippines!!! Waaahhhhh.

Wait. Parang ang oa. Wala pa ngang 1 yr akong nawala. HAHA. Anyway, I've been spending almost the whole week with the girls na, absent sila just to be with me. How sweet <3 Except today, ngayon daw kasi nila malalaman yung grades and rank nila e. And kung ano ang magiging section nila. Since wala kaming hang out ngayon, mom decided na i-enroll na ako.

Mom and I are currently inside the campus. Habang inaayos pa yung pag-enroll ko, nag reminisce na muna ako. Naalala ko yung mga times na magc-cutting kami tapos kakain at kakain at kakain ng marami. Yung mga times na kapag umuulan, magpapabasa pa kami para maexcused kami na magpalit ng damit. Yung mga times na magpapalate kami dahil sobrang tamad namin. SOBRANG NAKAKAMISS :(

"MR. BERNARDO!" Narinig ko yung principal na sumigaw. Kahit kailan talaga, agaw atensyon sigaw neto.

May lumapit sa kanya na student, naka-vneck lang at walang id. Hindi ko makita yung mukha niya dahil nakatalikod siya. Pero bakit parang nakita ko na siya dati?

"Yes?" Ang calm lang sumagot nung student, kahit yung principal sobrang iba na yung mukha. HAHA.

"Buong week ka nang nalalate! Diba sabi ko sayo isa pang late mo, suspended ka na!"

"Chill, sorry. Coding yung car namin e."

"Whole week coding yung kotse niyo? You've been using that reason everyday!"

"Hindi naman whole week, oa naman."

"Yun ang ginagamit mo araw araw! At asan ang uniform at id mo?"

Binuksan nung student yung bag niya and nilabas yung uniform & id niya. "Eto nasa loob hindi kas-"

"Paula, your papers are ready." hindi ko na narinig yung isasagot nung student kasi tinawag na ako ni mommy.

---------

Christian's POV

"Eto nasa loob hindi kasi naplantsa e." sabi ko sa principal.

"Bakit di naplantsa? Bakit ka naka v-nck? Hindi mo ba alam na round neck lang ang pwede? Bakit di mo manlang sinuot yung id mo? Bakit ka late?" tanong niya naman. Ang dami naman!!

"e mr.prin-"

"Go to my office." bago pa ko makasagot, nagsalita na siya. At bago pa ko makapunta, kinaladkad niya na ko.

So yun, halos 20mins na ko dito. Bagal naman nun asan na ba yun?!

Maya maya lang, pumasok na siya ng may hawak na paper. Shit, supended na ata ako!

"anong section mo mr bernardo?" another shit, ngayon pala malalaman yng section!

"Di ko pa po alam sir." I said calmly. Syempre kunyari di ako kinakabahan!

Umupo naman siya sa table niya na parang walang naririnig. Nagbrowse lang siya nung mga papers na hawak niya. "A." sabi niya ng hindi tumitingin.

"Huh?"

"Section A ka." nilapag nya yung papers sa table at tumingin sa akin. "Hindi halata sa itsura mo na matalino ka. Hay. Suspended ka na sana pero dahil maganda grades mo, umalis ka na."

Tumayo na ko at kinuha yung bag ko sa lapag.

Hawak ko na yung doorknob ng magsalita ulit siya. "once na malate ka pa bernardo, suspended ka."

Oo na. Paulit ulit. Hindi lang naman ako nakakapasok ng maaga kasi binabantayan ko si Kamsy sa hospital. Bumaba nanaman kasi ang blood cells niya nung sunday lang, kasabay ko lagi si Den magbantay while kapag may classes naman kami, si ma and dad nagbabantay. Pero dahil nga hectic na ulit schedule ni ma at lagi naman ganun ang sched ni dad, lagi silang nalalate pumalit.

Nagpunta na ako sa Section A, pagpasok ko wala pang teacher, ayos! Narinig kong nag bubulungan yung ibang babae. "Siya ba yun? Yung bagong vocalist?" "ang gwapo" "hot naman". Kaflaterred yun ha, nakakatuwa, pero di ako nagpahalata syempre.

"Christian!" tumingin ako sa lalaking tumawag sa akin. Si anthony lang pala. Tumango lang naman ako sa kanya at pumunta sa board para tignan ang seat plan.

*insert seat plan here*

Katabi ko nanaman si Sarah. Pero bakit parang di ko siya makita? Inikot ko ulit yung mata ko para hanapin siya. Kaya naman pala! Nakikipagdal nanaman. Alam niyo kung kanino? Kay anna, jade at marga. Srsly? Magkakaklase kami! Cool.

Lalapit na sana ako pero biglang may humila sa akin.

"Say hello to the most handsome guy in our band people!!" sabi ni Mark at tinaas pa ang kamay ko.

"Loko ka talaga." binatukan siya ni Jake.

Hinila ko na kamay ko at sinabing "tigilan mo ko Mark, nakalanghap ka nanaman ng katol. Sabi sayo pabili kang fan e." napalakas ata sabi ko kasi lahat na ng classmates ko nakatingin at tumatawa. Pati na rin yung apat.

"Hi Sarah!" sabi ko ng pasigaw. "nagpapapansin nanaman sayo si Mark no?" tinaas taas ko kilay ko.

"Hoy wag pare! Kinikilig ako!" birong sabi ni mark, pero sa totoo lang kinikilig talaga yan.

Dahil naasiwa ako sa mukha ni Mark, nagpunta na lang ako sa likod ng room at sumadal sa wall. Katabi si anthony at si ethan na nakaupo sa lapag. "Hi Marga!" bigla naman sabi ni Mark na nasa harap parin.

"Nagpapapansin nanaman sayo to oh." Dahil nakapikit ako, di ko salam kung sino yung tinutukoy niya. Pero panigurado si Jake yun.

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon