Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala.
I'm Christian Bernardo. Some people call me Chris. I'm from Los Angeles, California. But my family and I moved here, in the Philippines dahil hindi na kayang asikasuhin ng grandparents ko ang business nila kaya Dad ko na ang pinamahala nila dito. May 27 kami lumipat dito. Exactly 2 weeks ago. Kung nagtataka kayo kung bakit nakakapagtagalog na ako agad, sinanay kasi kaming magkakapatid ng parents namin na magtagalog kahit nasa States kami. Hindi daw kasi magandang tignan kapag hindi namin alam bigkasin yung sarili naming wika. Naks lalim nila diba. I have 2 sisters. One older sister and one younger sister. Hindi kami katulad ng ibang magkakapatid na aso't pusa kung baga. Close kami sa isa't isa. Minsan nagaaway, pero minsan lang talaga yun. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Katulad na lang sa paglipat dito. Masyado na kasing public ang buhay namin sa LA. Hindi kami nakakalabas ng walang bodyguard. At least dito, mas free kami. Di sa nagmamayabang pero talented ako. I know how to play the guitar, drums, bass and piano. Marunong din akong sumayaw, kumanta, mag football and basketball.
Masyado ko na atang napakilala ang sarili ko. Enough with that.
Anyway, pagpasok ko ng campus, halatang halatang late na ako. Kaya nagmadali na akong ihatid si Kam sa classroom niya. Di pa nagsstart classes nila kaya may possibility rin na di parin nagsstart yung amin. Since sa kabila pang building yung assigned room ko at kailangan ko pang dumaan sa principal's office, tumakbo na ko. Sa di katagalan, narating ko rin yung stairs. Bawal daw gamitin ng students yung elavator, teacher lang daw ang pwede e. Badtrip talaga ampu. Sa sobrang inis ko hindii ko tuloy napansin na may babae pala sa harap ko.
"Aray. Sorry naman ha." Pagmamataray nung babae.
"Ay, miss sorry. I'm running late kasi e kaya di kita masyadong napansin. Sorry talaga."
"Hindi, okay lang. Nagsorry ka pa." sarcastic niyang sabi "Just be sure na you won't bump into me next time cause.."
"Marga!" May tumawag sa kanyang isang babae kaya napatigil siya sa pagsasalita. "Are you alright?"
"Yeah. Just annoyed at people whose trying to ruin my day." bigla siyang umirap sa akin at lumapit na dun sa babaeng tumawag sa kanya.
Tumingin naman sa akin yung babae. "Hey hottie. Pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan ko. Bad mood lang talaga yan ngayon kasi may pinagdadaanan. I'm Sarah btw." then she smiled and held out her hands para makipag handshake.
"Christian Bernardo." nakipagshakehands ako. "I have to go, dadaan pa ako sa principal's e. Nice meeting you sarah." I smiled at her.
"Bye!" sigaw ni Sarah. Habang narinig ko naman yung Marga na nagrereklamo.
Pareho silang maganda at ma-appeal. Ang pinagkaiba nga lang, si Sarah alam mo na sa itsura na mabait. Si Marga, mukhang mabait pero mataray.
-
Marga's POV
Ugh. First day of classes ngayon pero wala sila Mommy at Daddy, si manang lang nagasikaso tuloy sa akin. Wala man lang goodluck from them. Psh. Okay lang, sanay na naman ako na ganito sila e. Walang care.
*beep*
From: Sarah beybeh
Babe! Coding car namin kaya di ako makakadaan dyan. I'll just wait for you sa tapat ng principal's office, okay?
Wala ako sa mood tapos hindi niya ako masusundo?! Gosh. Bakit pa kasi may coding ng mga cars!! I don't understand nor appreciate a thing at all right now.
Lumabas na ako ng bahay at nagcommute. Nagvacation kasi yung driver namin for a month. Hindi na rin ako nagpasundo kay Jake kasi magkagalit kami, plus i was expecting Sarah to pick me up. Kaso wala e.