Jade's POV
Nagkakatinginan na kami nila Anna & Sarah. While si Paula naman ay walang kaalam alam sa nangyayari.
Si Marga? ayon, walang ka expre-expression.
Umakbay si Chris dun sa sister niya. Bigla kong nilingon si Marga. Nakatalikod na siya ngayon at akmang aalis, halatang nagseselos.
Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan siya pero tinanggal niya lang at nagpatuloy sa paglalakad.
"Is she okay?" bigla kaming napatingin sa nagsalitan. "Sib, i think you should follow her"
Her voice...
It's so soothing...
Nakatulala lang kaming lahat.
"Okay. Guys, this is Katsy. Kat meet Mark, Ethan, Jade, Sarah, Anna, Paula, that's Anthony, you already know him." nagmamadaling sabi ni Chris. "You probably know Marga too"
Ngumiti sa amin si Katsy at nagwave. "Hi!"
*_* bakit hindi na lang ako naging lalaki. Ang ganda ng lahi ng mga bernardo waaah.
Siniko ako ni Sarah "you're idling"
Agad naman akong nabalik sa katinuan.
Ngumiti naman ako.
Dali dali naman tinulak ni Chris si Katsy "I'll be there later, take care."
Pumasok yung babae sa isang ford na white. Classy.
Bago pa siya umalis ay ibinaba niya ang window ng car niya "nice meeting you guys, tell Marga I said hi" at umalis na.
Bigla naman nawala si Chris.
----
Marga's POV
Nilapitan ko yung kotse.
Namiss kong sumakay dito. 1 inch na lang ang layo ko ng maaninag kong may tao sa loob.
Ibinaba niya ang window ng passenger seat kung saan ako nakadungaw.
"One of the things I thought girls like you wouldnt do"
"Sorry." I said. Binuksan niya yung pinto at sinenyasan akong pumasok.
"Ayoko. Lumabas ka na lang." Inutos ko sa kanya. Lumabas naman siya agad.
Silence.
Awkward.
Awkward silence.
"Bakit?" he decided to break the silence.
"Huh?" nagtataka kong sinabi.
"Dapat kasabay mo siya ngayon. Bakit ka nandito?" kahit wala siyang binanggit na name, alam kong si Cb yun.
"May kasama siya e. Haha" pilit akong tumawa. Nakatingin lang siya sa akin na parang naghihintay ng kaduktong nun.
"Sinundo pa nga siya e. Haha. Akalain mo yun, babae pa ang sumusundo" duktong ko.
"Nasasaktan ka." napatingin ako sa kanya, siya naman nakatingin sa lapag.
"Pero" tumingin siya sa akin. "Pero bakit ayaw mong ipakita? Bakit ayaw mong ipakita na nagmamahal ka na ng bago at nasasaktan ka?"
"Paano mo nalaman na nasasaktan ako kung ayaw kong ipakita?"
"Dahil kagaya mo, nasasaktan din ako." hinawakan niya yung right cheek ko. "Nasasaktan akong hindi na ako. Sabi ko sa sarili ko okay na ko. Na wala ka na dito." tinuro niya yung chest niya. "Pinaniwala ko ang ibang tao na hindi na ikaw. Pero kasabay ng pagloko ko sa mga tao, ang pagloko ko rin sa sarili ko."
"Jake." kinuha ko ang dalawang kamay niya. Yung isang nakahawak sa cheek ko at yung isang nasa dibdib niya.
"Sa tingin mo..." nagdalawang isip ako ituloy ang sasabihin ko. Pero kusa na lang nagsalita ang mga bibig ko. "Sa tingin mo mahal ko na siya?"
Ngumiti siya. Ngiti na pilit. "Ganyan ka din dati. Wala ka talagang pinagbago." piningot niya yung ilong ko at hinila ako. "Payakap nga. Kahit saglit lang" pinagbigyan ko naman siya.
Kumalas na siya sa pagkakayakap. Tinitigan niya ko sa mata.
"Mahal na mahal." Sinabi sa akin ni Jake ng nakangiti. Ngiting pilit.
---
Christian's POV
Sinundan ko kung saan dumaan si Em. Pinaikot ikot ko ang tingin ko. Bakit ang daming tao ngayon?
Sinubukan kong makadaan pero may mga babaeng humarang sa akin.
"Hi Christian! Bakit parang mag isa ka ata?" girl 1
"Ahh ehh, may hinahanap ako e. Sige bye na" aalis na sana ako ng humarang si girl 2 sa akin.
"Im Myra, Myra Rosales."
"Ako naman si Anjelica Marie."
"Jordy Santos"
Pagpapakilala nilang tatlo.
"We're in the same batch" dagdag pa nila. Tumango lang ako.
"I really have to go. Nice meeting you." sabi ko at tumakbo na para hanapin ulit si Em.
Mga ilang minutes din siguro ako nakipagpatintero sa mga tao doon. Finally, nahanap ko na si Em.
With the last person I expect her to be with.
Gusto ko sana lumapit at hilahin siya papalayo. Pero parang ayaw akong dalin ng mga paa ko papalapit sa kanya.
Nanakit bigla yung dibdib ko nung makitang hinawakan niya ang mga kamay ni Jake.
Sila na ba ulit?
Maya maya ay niyakap naman siya ni Jake.
Okay na sana e. Okay na sana na niyakap lang siya ni Jake.
Pero ang mas nagpasakit doon ay yung niyakap niya rin pabalik.
May kumikirot na sa dibdib ko pero ayaw ko parin umalis doon sa kinaroroonan ko. Lumapit pa ako ng kakaunti, pero alam kong di parin nila ako nakikita.
Nakatitig lang ako sa kanila hanggang sa tinapos nila yung yakap.
Akala ko wala nang mas sasakit dun sa paghawak ng kamay at pagyakap.
Pero meron pa pala.
Bigla kong narinig ang mga salitang nagpahulog sa puso ko.
"Mahal na mahal."
Naramdaman ko nalang na bigla nang nadurog ang nahulog kong puso. Ang sakit. Sobrang sakit.
Sana ako yung nakakapagsabi sayo nun Em. Sana ako na lang.
At sana hindi na lang ako. Hindi na lang ako ang bestfriend mo.