Marga's POV
"CB! Wait!" Hindi pa naman siya masyadong nakakalayo kaya narinig niya ako.
"Yeah?"
"Sana maging comfortable na ako sayo soon. Kasi di ko na talaga kaya." Di ko alam kung bakit ko nasabi 'to. Pero tulad nga ng sabi ng iba. Na kapag bigla ka na lang nakakapagsalita ng mga ganito, puso mo na yung nagsasalita.
"Sana nga. Ayoko rin kasing nakakakita ng babaeng malungkot. I have two sisters. And I don't really want them going through that kind of pain."
Again lumakad na ako papasok ng bahay. "EM!" napalingon ako sa kanya.
"You know, sometimes bad things happen and no matter how hard you try to avoid getting hurt by those bad things, mangyayari at mangyayari yan. Part yan ng buhay. Pero sana alam mo na pagsubok lang yan. Siguro minsan maiisip mo na hindi mo na kaya pero kailangan mo lang humanap ng katulong, ng masasandalan. Mayroon willing maging yung taong yun, kung hahayaan mo lang siya. Sige na, pasok ka na. Baka nakakaabala pa ako sayo e. See you tomorrow EM! Babanggain ulit kita bukas pero sana di mo na ko tarayan. Haha." Nagwave na siya. Yung pagkalaki laking wave. Parang bata. Ang cute.
I smiled at him and yung smile na yun, sure na ako na hindi fake.
-
Christian's POV
June 14 ngayon. Exactly 2 weeks simula nung nakilala ko sila EM. Masasabi ko na close na kami. Sabay na lagi kaming umuuwi ni EM. 4 ang uwian namin pero dahil pareho kaming varsity, 6 na kami nakakauwi. Varsity siya ng volleyball, ako naman basketball. Kakatry out ko lang nung monday, swerte ko nga daw sabi ng ibang kateam ko kasi hindi daw talaga tumatanggap agad agad yung couch. Kasali na nga rin pala ako dun sa band ni Anthony. Naaalala niyo pa ba siya? Siya yung nakita ko sa Principal's Office nung first day. Since saturday lang naman may practice ang band at wala din naman akong ginagawa tuwing weekend, inaccept ko na yung offer. Sila na lagi kasama ko tuwing break, tulad ngayon.
"Pare, Jade pangalan nun diba?" Anthony. Nasa loob kami ng airconditioned canteen ngayon. Mga 3 tables yung layo namin sa table nila Jade.
"Oo. Bakit?" Me.
"Ganda. Pakilala mo naman ako." Anthony.
"Next time."
*KRING* *KRING*
Yan na yung bell. Hudyat na kailangan na naming bumalik sa classroom. Kaya naghiwahiwalay na rin kami. Hindi ko pa pala sila napapakilala sa inyo. Lima kami sa band.
Si Anthony Martinez, ang lead guitarist. Magaling din siyang kumanta kaso ayaw niya daw maging vocalist.
Si Ethan Mendoza, ang drummer. Government official ang dad neto kaya lagi siyang may kasamang bodyguard. Pero madalas, nililigaw niya yun bodyguard sabay tatakas.
Si Mark Ochavez, naka assign siya sa bass guitar. Ang pagkakaalam ko nanliligaw siya kay Sarah dati. Tinigilan lang niya, wala daw siyang chance e.
Si Angeles, sa guitar din siya. Hindi ko pa siya nakikita, lagi kasing wala tuwing break, kasama daw yung girlfriend. Pero sa saturday daw, magsasama sama ang banda.
Last but not the least, Ako. Si Christian Bernardo, vocalist. Pinaka gwapo sa banda. De joke. Kapal ko naman masyado.
Nakasabay kong pumanik ng stairs sila Anna at Sarah. Nakailang floors na kami pero tuloy parin ang pang-aasar nila sa akin.