Ethan's POV
"Fine. Ano po maitutulong ko sa iyo?" Jane. Pwede naman maging mabait e. Taray pa nung una.
Kitang bad mood ako ngayon e. Pero walang dahilan. Mood swing, pms, meron ako ngayon mga girlalu.
Joke. Hindi ako bading no. Hindi ko isusuko ang bataan!
Sasagot na sana ako pero biglang nagsalita si asungot. Ay, ms pala.
"Okay class, stand up all of you and go here in front." unang unang tumayo si Jade. Inis na talaga siguro Tss. Bat kaya type ni Anthony to.
"Since you dont want to follow that seat plan, i made another one. Anyone who wouldnt follow this new one will be suspended." agad naman! Oa ah. inisa isa na niya. "1st row; blah blah. 2nd row; blah blah. 3rd row; Angeles-Mendoza-Martinez-Ochavez-Bernardo. Then Dionisio-Reyes-Jimenez-Cojuangco-Alvarez on the other isle" and so on and so onnn.
Naupo na kami. Nagdiscuss naman agad ng rules si ms at nag pakilala na rin. Ms. Sanchez, yun yung surname niya. Sanchez lang, wala yung ms, para sa mga pilosopo.
Habang nagddiscuss siya, nagbubulungan naman yung katapat naming row.
Pero di na bago sa akin yan, girls e.
"Girls, is something wrong?"
-
Anna's POV
"Dionisio yun diba?" Jade. Dahil terror nga teacher namin, di namin siya pinapansin. "Uy, diba Dionisio?" tumingin tingin siya sa amin. "Sabi kasi Dionisio e."
"Why dont you ask Ms Sanchez?" Sarah.
"No thanks. Scary." sabi ni jade habang umiiling and her hands waving.
"Girls, is something wrong?" Ayan na! Kasalanan mo to Jade! Nako!
"Uhm ms sanchez" tumayo si Jade. Teka, akala ko ba takot siya dyan? "Sorry for disturbing you ha. Pero we just want to ask, who's Dionisio?"
"Paula. Paula Dionisio."
"I knew it!" ngumiti siya ng pagkalaki laki. "Thank you ms" tumalon siya at umupo rin agad. Eto talaga pag si Paula na nabanggit, tuwang tuwa. Nakakaselos.
-
Sarah's POV
Dismissal na but hanggang ngayon hindi parin makaget over dahil classmate nga namin si Paula.
"I mean, isnt it kind of impossible girls? Na paula is in A. What's more impossible is asungot made us seatmates waaaah." Nag iikot kami sa plaza. And kung nagtataka kayo, yes, kanina pa ganyan yan. Pababa palang ng room, actually palabas palang.
"I thought her grades were bad? Pero bakit siya nasa A?" pumasok na kami ng car ni Marga, since driver niya ang maghahatid sa amin sa house ni Paula. "Diba diba diba?" Ayan nanaman si Jade. Hindi na natapos.
After some seconds, nung narealize niyang wala talagang papansin sa kanya tumahimik na rin siya.
Pumikit na lang ako to rest my eyes. Nang may maramdaman akong bigla na lang bumagsak sa lap ko.
"Ahh!! Waaah!! Pansinin niyo kasi ako." Si Jane lang pala, nakahiga sa lap naming 3. Nagpagulong gulong siya at nagpout. Pacute talaga to!
"Bahala nga kayo. byee" bumaba siya ng kotse. Dun ko lang narealize na nakapark na pala kami.
------
Christian's photo sa side.
Nga pala, iba na ang magsusulat nito. Medyo busy na kasi ako e. Kaya pinaubaya ko na sa friend ko. Thank you!