Jade's POV
"Hoy Jade. Wala ka bang balak umuwi? Abayy. Kanina ka pa natutulog dyan. Dismissal na 'te." Marga.
"1 pa lang. Wag kang excited." naiinis kong sabi.
"Half day lang tayo diba?" Ay oo nga pala. Dahil wala naman kaming subject ngayon at 'getting to know each other' lang, 1 uwian namin.
"Lika na, kain tayo." Di ako kumain kaninang break kaya gutom na gutom na ako.
"Saan?"
"Kahit Saan."
Nandito na kami sa Kahit Saan. Yes, may kainan talaga na ganito. Katabi lang ng school namin. Magkakasama na kami nila Sarah dito. Nag-order na rin kami, wala pang 5 minutes dumating na yung inorder namin. Malapit na kaming matapos sa pagkain nang may humila na lang bigla kay Marga.
"Babe, sorry na oh. Patawarin mo na ko. Sinabi ko naman sayo na hindi ko na uulitin diba?" Ugh. Si Jake lang pala. Yung bf ni Marga na manloloko.
"How many times do I have to tell you to leave me alone Jake?" napalakas ata masyado yung boses ni Marga, napatingin yung ibang kumakain dito sa resto e.
"Please, patawarin mo na ko." lumuhod bigla si Jake. Nagulat kami, kahit si Marga halatang nagulat.
At dahil lahat na ng tao nakatingin sa eksena nila, lumabas si Marga. Sumunod naman si Jake at kami. Nasa harap lang kami ng restaurant habang yung dalawa nag-uusap sa di kalayuan. Kitang kita na highblood nanaman si Marga, si Jake naman hindi mo mapapansing hindi fake ang pagkasincere niya. Nagtatalo lang silang dalawa dun. Tapos biglang hinila ni Jake yung braso ni Marga.
"Bakit ka ba ganyan ha?! Lahat na ginagawa ko!"
"Oo nga e. Nakakahiya naman sayo, LAHAT na ginagawa mo pati panloloko!"
"Oh come on Marga. Alam kong mahal mo ako. So why are you making this hard for me?" humigpit pa yung hawak ni Jake kay Marga. Halatang nasasaktan na si Marga.
"Bakit? Sa mga ginawa mong katarantaduhan, hindi mo ba deserve mahirapan?"
"I was just upset babe. Kaya ko nagawa yun..."
"You were upset?!" ngumiwe si Marga. "Psh. Upset huh? Kaya lalandi ka ng iba? Hindi gawain ng matinong lalaki yun Jake! HINDI GAWAIN NG MATINONG BOYFRIEND."
"Matino naman ako ah."
"Matino ka pa sa lagay na yan ha? Dun ka na lang sa mga babae mo!"
"Bakit babe? May iba ka na siguro noh? May iba ka na ba babe? May pinalit ka na sa akin agad?"
-
Christian's POV
"Oo, may iba na siya." hinawakan ko yung kamay ni Marga tapos hinila siya papalapit sa akin para maalis yung pagkakahawak ni Jake sa braso niya. "May pinalit na siya sayo. At yung pinalit niya, hinding hindi siya papaiyakin tulad ng ginawa mo." kitang kita sa mukha ni Marga na nagulat siya sa sinabi ko.
"At sino naman yun?! Ikaw? E baka kapag nagsuntukan tayo, wala pang tatlong suntok bagsak ka na agad e." nagmayabang pa 'tong lalaking 'to.
"Pare, huwag kang bigla biglang nagbibitiw ng salita na hindi mo kayang panindigan, kase baka malay mo, kainin mo yang sinabi mo. And kahit sino man sa atin ang manalo sa suntukan, hindi na yun importante. What's important is I won Marga's heart." tumingin ako kay Marga. "Right baby?" tumango lang siya.
Tapos tumalikod na kami dun sa lalaki at bumalik kila Sarah. Yung lalaki atang yun yung Jake na sinasabi nila.
Nung nasa harapan na kami nila, ang lalaki ng mga smile nila sa amin. Hindi ko alam kung bakit. Kaya nagsalita na si Marga. "OH?" yan lang sinabi niya. Lol.