Nagtilian na yung mga kaklase ko. Si Ethan naman medyo badmood ata "Tss. Ingay parang mga ewan."
"Oo nga e. Mark talaga." sagot ko naman.
"Parang di ka naman kinikilig pare." sabi ni Anthony, sabay siko sa akin.
Anong kilig? mukhang timang talaga yun. Dahil nga naccurious na ako, dinilt ko ang mata ko.
Lahat sila nakatitig sa akin. Oo lahat, nakakaasiwa. I mean, sanay ako sa attention pero di tulad nito. Yung mga mukha kasi nila.... mukhang nerd na nakatuklas ng bagong gamot.
"Yes?" sabi ko ng nagtataka.
Tumakbo naman sa tabi ko si Mark at inakbayan ako. "Diba papa c? Nagpapapansin ka kay Marga?"
Sira ulo talaga to! Anobayan, bat parang ang init? Malakas naman yung aircon.
"Nako umamin ka na." tumayo si ethan at tinapik yung likod ko. "namumula ka na ulul."
Ano? Namumula na ko? Kaya pala ang init e....
Ano?! Namumula ko? How gay... Muntimang kasi si Mark e.
Si Jake naman na nasa harap parin tawa ng tawa. "Hahaha namumula... kaaaa. Nag.. pa pa pansin ka talaga no? hahaha yiee"
Isa pa to. Tuksuhin ba naman daw ako sa ex niya, at naturingang bestfriend ko pa.
Nakakaasiwa na talaga yung titig at hiyawan. Kaya naisipan ko nang sumagot. "Hindi." sabi ko habang lumalapit kay Marga.
-----
Marga's POV
Bakit ba napunta sa amin yung asaran? Ang pagkakaalam ko sina Sarah at Mark e. Hayy.
Pero dahil I dont want to be kj naman, i just kept on laughing. Habang si cb naman, ayun, nakatitig, namumula, nagtataka parin.
Bigla naman nagsalita si Jake pero di ko maintindihan kasi tawa ng tawa. Ang naintindihan ko labng ata yung 'nagpapapansin ka talaga no?'
Pero bat may iba kay Jake. Parang in between sa mga tawa niya, may halong lungkot. Enough with that.
Nung narinig ko yun, tumingin agad ako kay cb. Hindi ko alam kung bakit, pero napatingin agad ako sa kanya.
"Uyy, naghihintay ng sagot." Anna. Kahit kailan talaga to -.-
Hindi ko na lang pinansin si Anna baka pag sumagot pa ko mapagkamalang nagdedeny ako e.
"Hindi." biglang sabi ni cb. Habang papalakad ata sa door.
Nainis siguro. Ikaw ba naman asarin e. Narinig ko yung ibang classmates ko na nag aw or ay. Yumuko na lang ako. Parang may naramdaman kasi ako e. Asthma siguro, medyo uminit na rin kasi.
Napaangat lang yung ulo ko nung sukuhin at bulungan ako ni Jade. "girl.."
Pagtingin ko, si cb. Nasa harapan ko na siya. Akala ko ba lalabas siya. Nagsmile lang ako sa kanya tapos nagsmile din siya. Yung smile na di kita teeth. Di tuloy kita braces niya. Pero cute parin, gwapo parin.
Gwapo? Ano nanaman ba naiisip kooo. Stop it Marga. Just stop. Nakalimutan mo na ba yung babaeng kasama niya sa dp niya? Baka may masira ka pang relationship.
"Kasi" bigla siyang nagsalita. "pinapansin naman ako ni Marga e. Pero kung sakaling dumating man yung araw na di mo na ako papansinin em, lahat gagawin ko. Lahat gagawin ko para lang pansinin mo ko." tapos nagsmile na siya, yung napakawide na smile niya. Yung labas braces. Yung nakakafall.
Ayan nanaman yung tilian ng classmates ko. Parang matagal na kaming classmates kung makatili. Yumuko lang ulit ako. Feeling ko talaga di magiging maayos tong section namin kahit A pa kami.
"Uy em. Hindi mo na ba ko papansinin?" sabi ni cb. Hindi pala ako nakasagot, how tanga -.-
Bigla naman tumayo si Jane at kinuha ang bag niya. "Hindi na talaga Christian!! Ayan na siyaaaaa." sigaw niya at biglang tumakbo siya. Weird.
Yung mga classmates ko naman nagtakbuhan at nagayos na rin. Si cb naman, nandun parin sa harap ko at parang walang pakielam. Hinila ko na siya sa upuan na katabi ko lang.
Bumukas na ang door ng room namin, pumasok ang pinaka pinaka pinaka pinaka masungit na teacher in the whole world!!
-----
Jane's POV
Lord, please po magiging mabait na po ako Lord. Please po. Basta wag lang po magsungit siya ngayon. Asungot yan sabi ng cousin ko e huhu
"Ingay naman!"
"Ay asungot!"
"Ang lakas kaya ng dasal mo"
"Kung nakikidasal ka na lang kaya ha?"
"Tss."
"Whatever." kainis naman tong katabi ko. Dapat pala hindi na lang ako tumakbo papuntang ibang seat e. Pwede naman pala kahit saan. Tignan mo ngayon si cb!
"Is there a problem Miss?" tanong sa akin nung asungot. "Oh and since when mr. ochavez became a miss?"
Hala, the seat plan omgg. Mali parin yung naupuan ko. Jade tanga mo parin! Sa kahihiyan ko, natatungo na lang ako. ughh
"Uhm, sorry miss. Ako po kasi ang nagsabi na wag munang sundin yung seat plan since first meeting palang" Huh? May nagsabi ba kanina na wag sundin muna? o baka isang mabuting nilalang siya!
Thank you Lord!
"Thankful ka pala na nandyan si Anthony ha." sabi sa akin nung katabi ko.
Tinaas ko yung head ko at nakitang si Anthony nga ang nagsalita.
"Alam mo hindi ko alam kung malakas pagkakasabi ko or malakas pandinig mo. Pero please, whatever your name is, whoever you are, shut up." nakakainis na kasi kulit kulit!
"So you dont know me?"
Magtatanong pa ulit. Because im irritated, di ko na lang sinagot.
Tumingin na lang ako kay asungot habang nakapalumbaba. May inaayos siyang paper. Iniiba ata yung seat plan.
"Uy." siya nanaman -.- "hey" nisnap niya yung fingers niya sa harap ng mukha ko. Tumingin naman ako sakanya. Nakasmile lang siya. May itsura pero dahil inaiirita ako sa kanya, inirapan ko lang siya at humarap ulit kay asungot.
"Ayaw mo kong pansinin? Okay, sabihin ko sa kanya na tinawag mo siyang asungot." sabi niya habang tinuturo si asungot.
Tinignan ko si asungot.
Scaryyyyyyy. Kaya humarap ako sa katabi ko. "What do you want?"
"Taray. Sige ka sasa-"
"Fine. Ano po maitutulong ko sa iyo?"