Marga's POV
Ugh, monday nanaman. Nandito kami sa loob ng classroom, nagccheck ng attendance.
Biglang bumukas yung door. Halos lahat kami natigil sa pagkakatulala. "Am I late?" he asked.
Umiling yung English Teacher namin. Naglakad na siya papunta sa chair niya, as always sa aisle siya dumaan.
Wait.
You all know who he is, right?
The 5 of us are all looking at Cb.
Napansin kong napunta yung titig niya kung saan kami nakaupo.
Then he smiled.
That smile.
Kahit sino magiging masaya kapag nalaman na para sa kanya yung smile na yun.
Kasama na siguro ako dun.
Pero paano kung hindi para sayo yun?
Anong mararamdaman mo?
----
Jade's POV
He smiled.
He smiled at Paula.
I looked at Marga. Nakayuko na siya ngayon. Nabaling naman ang tingin ko kay Paula.
She seems.....
Happy.
Lord, bakit ganto? Hindi ko ginusto to e. Hindi ko ginustong pumagitna sa dalawa kong bestfriend.
Yes, kung nagtataka kayo kung alam ko na magkasama si Paula at Chris nung Friday. Yes. Yes ang sagot ko dyan. Nakwento sa akin ni Paula.
Kaya sana, wag ma-inlove si Paula. Sana.
"For your project this quarter, you will be having your english research." nagsalita na yung teacher namin. "There should be 10 members per group. And you should be able to pass it in a month"
"Ms, who will be choosing the groupings?" tanong nung isa namin classmate.
"For it to be easy, we'll just make your groupings by row." Edi ibig sabihin kagroup namin sila Chris? nagkatinginan kami ni Anna.
Hay Anna. Bakit parang lagi mong alam yung iniisip ko?
Umiwas na lang ako ng tingin, baka kasi mas may mahalata pa siya.
-----
Sarah's POV
Dismissal na at kasalukuyan akong hinihila ni Anna kung saan man.
"San mo ba ko dadalin girl?!" hindi siya umimik.
Napansin ko na lang na nandun na kami sa garden ng grade school.
Hinatak ako ni Anna paupo dun sa lapag, may nakaharang sa aming mga halaman.
"You have 10 seconds to stop our friend from getting hurt." sabi ni Anna ng walang expression.
"Huh? I dont get you Anna." nagtataka kong sinabi.
"You dont have to." tumayo siya at hinila ako papatayo. "Too late. I was wrong. We had less than 10 seconds."
Tumingin ako sa gitna nung garden, nakita ko sila Chris at Paula.
Sa right side naman ay si Jade at Marga na kagaya namin ay nagtatago rin.
Nakita ko sa mukha ni Marga na malungkot siya.
Pero bakit? Bakit siya Malulungkot, kaibigan niya naman yung kasama ng taong gusto niya?
Bigla na lang tumakbo si Marga. Sinundan naman agad siya ni Jade. Susunod na sana ako ng biglang magsalita si Anna.
"Hindi ko inakalang sa ganitong paraan pa masisira ang pagkakaibigan natin." dahil nga ako ang takilang tanga sa grupo, ang pinaka slow. Hindi ko siya naintindihan.
Kaya sumunod na lang ako kila Jade.
-------
Paula's POV
Nagpasama ako kay Cb sa garden. Sasabihin ko na kasi sa kanya yung totoo.
Yung totoo na siya talaga ang gusto ni Marga at hindi si Jake.
Humingi na rin ako ng favor kay Jade na dalhin dito si Marga. Para naman happy ending sila diba!
"Cb, alam mo ba kung bakit tayo nandito?"
"Magtatanim?" he chuckled.
"He-he" pang aasar ko sa kanya.
Tumahimik ang paligid, iniikot ko yung ulo ko para hanapin sila Marga pero wala parin sila.
"Cb, bakit hindi mo pinapansin si Marga?"
"Cb alam mo naman yung nararamdaman ni Mar-" bago ko pa matapos yung sasabihin ko nagsalita na siya.
"Alam ko na yun. Nakausap ko na rin si Jake ano ka ba!" tumawa siya. "At katulad mo hindi ko rin siya pinatapos. Kaibigan ko silang pareho kaya masaya ako para sa kanila" ngumiti siya sa akin.
"Pero hindi mo naiinti-" again, hindi nanaman niya ako pinatapos.
"Naiintindihan ko." ginulo niya yung buhok ko. "Bakit ganya mukha mo? Parang pasan mo mundo"
Tapos tumawa siya, inirapan ko naman siya.
Kinalabit niya ko. "Uy, wag ka na magalit. Joke lang yun."
"Pakinggan mo na muna kasi ako!" okay, last try. Sana makinig na siya.
"Sige na nga."
"Ikaw kas-"
"Hep! Wala talaga ko sa mood magpatapos ngayon e." tapos tumawa siya, parang baliw naman to!
May kinuha siya sa bag niya at iniabot sa akin.
"Ano to?" nagtataka kong sabi habang kinukuha yung box ng ferrero.
"Fav mo ba yan?" ngumiti siya "sabi kasi si Kam gusto niyang maging tulad mo, ewan ko ba dun bat ikaw pa. Tss"
"E bat mo ko binibigyan nito?" pagmamataray ko sa kanya. Pang asar kasi e.
"Gusto niya raw kasing maging fav yung mga fav mo. Ayoko siyang magbago kaya ikaw na lang gumaya sa kanya ha?" kung kapatid siguro kita massweetan ako kaso hindi e.
Hindi ko siya sinagot kaya naman hinawakan niya yung kamay ko. "Uy, lika na nga hatid na kita."
Kinuha ko yung kamay ko kasi baka may makakita pa sa amin. Inikot ko ang mata ko.
Too late, tumatakbo na paalis si Marga.