Chapter 3

7.6K 288 136
                                    

A/N: I'm wondering if my reader akong lalaki? Feel ko wala.

“Ma, nandito na si Kuya!” Anunsyo ng kapatid niya sa ina pagdating niya sa bahay.

His house is still under renovation. Kaya todo kayod siya para matapos na agad. Hindi naman kalakihan pero mas mabuti na kumpara sa barong-barong na tinitirhan nila dati.

Abala ang ina niya paggawa ng kakanin. Yumakap siya sa likuran nito at hinalikan ang pisngi. Malambing siya sa ina kahit ramdam niya ang pagiging distansya nito sa kanya. Pero okay lang naman sa kanya. Mahirap rin kasi sa sitwasyon nito dahil kamukha niya ang tatay niya. Pero kahit na ganoon, alam niyang sinusubukan rin ng ina na maganda ang pakikitungo sa kanya.

”Ako na diyan, Ma. Magpahinga ka muna.” Sabi niya.

"Manahimik ka, Max. Ikaw ang magpahinga dahil ginabi ka na kagabi kakatrabaho. Matulog ka muna sa taas.” Sermon nito.

Napakamot na lang siya ng batok at nakinig na lang. Saktong napadaan siya sa salamin ay nakita niya ang pagmumukha niya.

Siguro, gwapo si Dozen. Gwapo siya, eh. Maganda rin ang pangangatawan niya. May muscles at abs dahil batak na rin sa pagtatrabaho. Siguro ag ipagpapasalamat niya kay Dozen ang magandang genes. Maputi siya kahit ilang beses ng nabibilad sa araw. Pero siguro ang pinakamagandang asset niya ay ang makapal na kilay at ang ilong niya, ang lips na rin siguro, ah sige, lahat na lang sa kanya asset.

May pagkahawig ang Mama niya sa asawa ni Dozen. Kaya daw n’ong isang gabing naglasing si Dozen sa bar at nakita ang Mama niya. Ayon,may nangyari. Akala ng Mama niya ay gusto siya ni Dozen pero tinakbuhan lang nito ang nanay niya. Hindi naman makatutol ang ina dahil sa yaman ng Sebastian ay pwedeng ipadispatsya lang silang dalawa.

May nagpakita pang Attorney n’ong bata siya at nais siyang bayaran para sumama kay Dozen. Nagalit ang Mama niya siyempre. Pati siya ay umusbong ang galit niya sa mayayaman. Sa tingin kasi nila kaya nilang makuha ang lahat gamit ang pera. Na para bang kayang pawiin ang sakit ng isang tao gamit ang mga pera nito. Kaya di bale na lang na magkandakuba siya kakatrabaho, kaysa aasa siya kay Dozen.

Pagpasok niya ng kwarto ay natigilan siya ng makita ang isang envelope sa may mesa niya. Nilapitan niya iyon at naglalaman ang isang letter na pamilyar na sa kanya dahil ilang beses na siyang pinadalhan.

"You can’t ignore my letters forever, Max. Just how you can’t remove the Sebastian in your whole being. Call me on this number if you’re ready to meet me. Don’t take too long to respond or I’ll kidnap you. Don’t  trigger my temper. +639*********.” –Magnus Sebastian.

“Tss. Sino bang tinatakot mo? Buti sana kung sa yate mo ako dalhin kung ikidnap mo ’ko, eh.” Ingos niya.

”Duly noted, Maximillion.” A cold voice said.

Nanlaki ang mata niya sa gulat at napatingin sa sofa sa may sulok. At doon nakaupo ang isang lalaking nakaitim lahat.

Nagkatitigan sila nito.

Huling beses niyang nakita ito ay ilang taon na rin. N’ong pilitin siya nitong magkasama sila pati ang ibang kapatid niya sa bar. Hindi na nasundan dahil iniiwasan na niya ang mga lugar na makasalamuha ito.

"Paano ka nakapasok?!” Gulat na tanong niya at  umaatras dahil sa paglapit nito.

"I opened the door obviously.” Malamig na sagot nito.

“Trespassing ka! Ipapapulis kita.” Pananakot niya.

Kinuha niya ang plastic chair at hinarang para hindi ito makalapit ang kaso sinipa lang ng magaling na Magnus.

“The police feared me, Max.”

“Pwes, hindi ako pulis.” He said and curled his fist.

Tumikwas ang kilay ni Magnus sa posisyon niya. Para bang nais matawa sa postura niya. Eh, ano naman kung hindi siya  marunong sa suntukan?

Works of Love (Hiraeth 2: Max And Chanel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon