Chapter 1

11.9K 336 185
                                    

“Taho! Taho kayo diyan!” Sigaw niya habang naglalakad sa madilim na kalsada ng subdivision na malapit sa kanila.

“Kuya, there’s taho!” Nakarinig siya ng boses sa loob ng isang bahay.

“Walang taho sa malalim na gabi, Chanel.” Sagot ng seryosong boses.

“But I heard someone is shouting Taho, Kuya Tres! I wanna tikim before I go back to Hiraeth tomorrow.” Pamimilit pa ng dalaga.

Napalingon siya sa dala niya at napatampal ng noo.

Balut! Balut ang tinda niya, hindi taho! Anak ng. Nagbebenta siya kaninang umaga ng taho at dahil na rin siguro sa pagod kakapamasada maghapon ay hindi na siya nakapag-isip ng tama.

Sana naman ay hindi payagan sa kung sino mang Kuya Tres na ’yan na lumabas ang dalaga. Pero huli na, bumukas na ang gate at may babaeng tumatakbo na papunta sa direksyon niya.

”Hey, pa-buy ako!” Sigaw ng babae at tinakbo ang kinaroroonan niya.

Conyo. Anak mayaman.  Tss.

“Is that taho, Manong?” Tanong nito nang makalapit. Hindi niya maaninag ang mukha nio dahil komokontra ito sa streetlight sa may kalayuan.

Manong amp. Ang bata niya pa para maging manong. Single pa nga at wala pang anak! Hindi naman sa pagpaparinig pero parang ganoon na nga.

“Kuya, Miss Ma’am.”   Koreksyon niya sa pagtawag nito.

“Uh, you’re selling Kuya? What’s that?” Takang tanong nito.

Di bale na nga lang! Ang slow naman ng englisherist na wala sa England.

“Balut pala ang tinitinda ko, Miss.” Sabi na lang niya.

”Ay, so sad. I badly wanna try taho. But what’s balut po ba?” Tanong pa nito.

“Incubated 16 days fertilized duck egg.”  Pakikipagsabayan niya sa englishan nito dahil baka hindi pa sila magkaintindihan.

”I-It’s a duck? You killed duck before it was even hatched?” Gulat na tanong nito pero bakas ang lungkot sa boses nito.

“P-Parang ganoon na nga.” Nagdadalawang-isip pa siya kung magsasabi ng totoo lalo pa’t parang paiyak na ang babae.

”Why would you do that? Kawawa naman ang mother duck. What if she’ll find her eggs but can’t find it because you cook it?” Then, the girl starts crying.

Napaawang na lang ang labi niya habang nakatingin sa dalagang umiiyak. Hindi alam kung matatawa sa reaksyon nito. Dapat naman talaga siyang matawa, ah! Nakakatawa naman talaga. Ganoon talaga kapag balut. Pero habang nakatingin siya sa umiiyak na dalaga ay parang nagsisisi tuloy siyang nagbebenta pa siya ng balut.

Sige, taho na lang ang ibebenta niya bukas. Goodbye balut vendor na siya.

Shutangenarps.

”T-tahan na. Hindi na ako magbebenta ng balut.” Pagpapakalma niya sa dalaga.

Tumigil ito sa pag-iyak at nag-angat ng tingin sa kanya. Saktong  nagpakita naman ang buwan galing sa pagtatago sa ulap, naging klaro sa kanya ang mukha ng dalaga.

Bakit ang ganda ng beshy ko?!

Para siyang manika, medyo namumula ang pisngi at ilong dahil sa pag-iyak nito palatandaan na mestisa. Kutis pa lang halatang mestisa na at mayaman.

Mayaman. Allergic pala siya n’on.

”R-really? You’ll not be a duck killer?” May pag-aasam sa boses ng dalaga.

Works of Love (Hiraeth 2: Max And Chanel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon