Chapter 18

6.7K 209 55
                                    

Max:
Tol, may bebe na ako hehehe.

Ito ang matuturing niyang kaibigan kaya deserve nitong malaman. Si Kenz rin naman ang tenga niya n'ong bukambibig niya si Chanel dati.

Kenz:

Malas naman ni Chanel.

Max:
Manghuhula ka na pala?😱😱

Kenz:

Pakyu. Si Chanel lang naman ang gusto mo, hindi ka naman nagjojowa kung hindi mo gusto.

Max:

Naks. Ang hapi ko. Hindi kasi ako duwag 🤧#evaporada #conDENSE

Kenz:

Block na kita, par🖕.

"There's an art performance program at the theater later, we should go." She informed him. He put down his phone and nodded at her.

It's their third day on the Benj U. Max brought his laptop to do his work. Kahit na pinayagan naman daw siya ni Primo na mag-absent kung tungkol kay Chanel, nakakahiya kung wala siyang trabahong gagawin.

"Okay, Mal. Tatapusin ko lang 'to." Sagot niya habang nakatutok oa rin sa laptop.

He needs to focus dahil kung lilingon siya sa dalaga, ma-didistract lang siya at matatagalan sa pag-trabaho. Nagmamadali nga niyang tinapos ara makapagbebetime na siya. Katabi pa naman niya ito.

Chanel sighed impatiently waiting Max to look at her but he didn't! She rolled her eyes and stood up from the swivel chair and proceed to sit on his lap. Max immediately held her waist by his one hand to pull her close. Binigay niya ang bigat niya dito habang nakasandal sa dibdib nito.

She felt Max kissed the side of her head.

"Sorry. Tatapusin ko lang 'to tapos sa 'yo na ako." He apologized.

"It's okay. Take you time." She yawned and lean her head to his shoulder.

Chanel is so comfortable feeling his body kaya nakatulog siya. Nanatiling nakayakap ang isang braso ni Max para hindi ito mahulog habang ang isang kamay ay nagpatuloy sa pagtipa.

Suddenly Primo wants to have a video call with him through Skype. Hindi niya alam kung sasagutin ba niya o hindi dahil makikitang kandong niya ang dalaga at natutulog ito pero nakakahiya naman sa boss niya kung hindi siya mag-open cam.

"Good morning, Sir." Bati niya dito.

Hindi agad ito nakasagot at gulat na nakatitig kay Chanel na nasa kandungan niya.

"She's asleep?" Primo asked.

"My girlfriend is asleep." Pasimple niyang diniinan ang huling sinabi.

Chanel is beautiful kaya hindi nakapagtatakang titigan ito pero kung sa mismong harap niya, kahit boss niya hindi niya pagbibigyan.

"Oh. Glad to hear that my cousin is resting." Primo fired back.

Ay. Shuta. Muntik na niyang pagselosan ang pinsan nito.

He should be thankful na pinsan niya lang ito pero kabado bente dahil paano kung sasabihin nito sa mga elders?

Works of Love (Hiraeth 2: Max And Chanel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon