Chapter 38

7.3K 246 67
                                    

Kahit sanay naman siyang mag-suot na ng business suit ay parang nais niyang maghubad sa init. Makapal kasi ang tela at masyadong formal ang tuxedo. Para namang may pupuntahan silang kasal, pamamanhikan pa lang, eh. Tapos nakasakay pa siya ngayon ng kabayo! 

"Kung bakit hindi na lang helicopter ang ireregalo, edi sana nasa helicopter tayo ngayon." Reklamo niya.

Aanhin naman ni Hera ang mga kabayong ito? Mas gamit naman nito ang helicopter.

"That old man is really crazy sick! Doesn't he realized it's freaking 1 mile far from Sebastian farm to Benjamin's place?" Anas ni tablet boy. Si Mint.

"Pamamanhikan ba 'to or pinitensya?" He groaned.

Kanya-kanya namang reklamo ang hilaw niyang kapatid na once in a blue moon lang siguro niyang makakasama, kung wala sigurong sadya si Magnus hindi sila magkita-kita. Ang ibang kapatid naman nila ay abala sa ibang bagay, ang iba ay nasa ibang bansa. SIguro sa lahat ng bastardo siya lang ang hindi pinanganak na mayaman, pero hindi naman siya nalulungkot kasi lumaki naman siyang masipag.

"Can you stop? I don't want that behavior in front of the Benjamin." Napabalik siya sa reyalidad nang marinig niyang sinita ni Magnus ang magulang nito.

"Naks. Anak ko 'yan. Nagpapabango talaga sa mga Benjamin." Ngisi ni Dozen.

Ano kayang reaksyon nito kung malaman nito na sila ni Chanel? Kasi kay Magnus tuwang-tuwa dahil nakabingwit ng Benjamin, eh. Matutuwa ba kaya ito sa kanya kahit bastardo lang siya? Oo, palagi niyang sinasabing wala siyang pakialam kay Dozen, at hinding-hinid niya ito ituturing na ama. Pero si Chanel, hindi siya nito tinuruan bagkus tinuruan niya ang sariling huwag magtanim ng galit dahil ayaw niyang sanayin ang sarili sa ganoon dahil baka maiparamdam niya sa dalaga. Siguro, hahayaan na lang niya kung anong mangyari sa kanilang mag-ama.

"Mabuti pa ang anak mo, nakakuha pa ng babaeng Benjamin." Pang-aasar na pagpaparinig ni Tita Mariana.

Omg, relate.

"Aanhin ko naman sila kung hindi naman sila si Mariana." Seryosong saad ni Dozen.

Anak ng. Pagkatapos mong makabuntis ng ibang babae, gaganyan-ganyan ka? Tss.

 Hindi naman siya bulag para hindi makitang mahal ni Dozen si Tita Mariana pero kasi, hindi niya lang maisip kung paano nito nakayang humawak ng iba kung mahal naman nito ang asawa? Siya nga, nakapokus lang siya kay Chanel. Hindi niya kayang lumingon man lang sa iba.

"I'm sleepy." Reklamo ni Mox at nagikab.

"Mox, isang english mo pa sagasaan kita nitong kabayo ko." Banta niya rito.

"He'll never learn Tagalog, accept your defeat already." Mint said blankly.

Nakapasok na sila ng subdivision ng mga Benjamin. Wala nang kakotse-kotse sa malawak na kalsada, sila na lang.

"I keep on kalimot! I've been talking to this super arte conyo girl." Mox rolled his eyes.

Napakamot siya ng batok. Dati, natutunan naman nitong magtagalog ng diretso. N'ong nililigawan daw kuno nito si Carma, nagmayabang sa kanyang marunong na ito pero ang kaso muling bumalik ng States kaya nakalimutan na naman magtagalog.

"You're conyo na din," sabi niya dito.

"She's the heiress of the entertainment company. I'm applying my degree on Film Production on her company so I keep seeing her." Mox shrugged.

"Parang si Hermes, ganoon?" Sabi niya. 'Di niya sure kung kilala nito ang pinsan ng kasintahan niya.

Kumunot ang noo ni Mox sa kanya.

Works of Love (Hiraeth 2: Max And Chanel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon