Napahikbi siya at agad na hinubad ang t-shirt at akmang lalangoy pero may basang braso ang pumigil sa bewang niya.
"Huwag kang maghubad, lalamigin ka---"
"Max!" She cried and hugged him.
Napaawang na lang ang labi ni Max nang makitang umiiyak ang kasintahan. Punong-puno ng luha ang mata nito at mahigpit ang yakap sa kanya na para bang ano mang oras ay mawawala siya.
"Mal... Anong problema?" Masuyong tanong niya at hinawakan ang mukha nito para alisin ang luha sa mata.
"I thought I'll lose you! Saan ka ba galing? Nawala ka!"
Napalayo siya kasi walang starfish doon. Agad naman siyang nakahanap sa bandang kanan kaya umahon na siya at naglakad papunta sa dalaga. Kaso nakita niyang gustong lumangoy ang kasintahan.
Hindi niya pwedeng hayaan ito mag-isa, gabi na, lalo na't may dinadala na ito.
He knew. N'ong naliligo sila ay umuna ng lumabas ang dalaga. But he saw the PT on the lavatory, wala naman ibang pwedeng gumamit n'on, silang dalawa lang naman sa silid. Alangan naman na siya ang gumamit.
He almost passed out earlier. Hawak niya ang bibig at napahawak ang isa sa lababo dahil sa panghihina. Para siyang mahihilo na ewan, parang siya pa ang nabuntis!
Pero hindi pa sinabi ng dalaga sa kanya. Hindi naman sa disappointed siya dahil naiimagine na niya kasi ang ganitong eksena. Na malalaman nilang magkakaanak na sila tapos magyayakapan sila tas magki-kiss.
Mas lamang ang pagkabahala niya dahil hindi nito ibinalita sa kanya. Alam niyang napag-usapan na nila kung kailan magkakaanak, 1 year after the wedding. He's so happy with the unexpected blessing, 'yon nga lang, natatakot siyang baka hindi pa talaga handa ang kasintahan dahil hindi muna nito sinabi.
"I'm sorry, Mal. Napalayo lang ng kunti. Hindi nama kita iiwan." Lalo pa't magkaka-baby na tayo.
"Well, as you should!" Especially now that I'm carrying your child.
Nagtitigan ang magkasintahan. Chanel wants to say something but afraid, and Max wants Chanel to say something but he's afraid to do so.
"Let's go back to cabin? Gutom ba ang baby ko?" Malambing na tanong niya at marahang hinawakan ito sa bewang para igiya pabalik sa cabin.
"Which baby?" Chanel said absentmindedly while pouting.
"Ha?"
"Ha?"
Sabay silang natigilan sa paglalakad at napatingin sa isa't-isa. Chanel looked at him guiltily at hindi niya alam kung para saan iyon.
"Max, I know you're not ready for this but..."
"We're pregnant." Pagtatapos niya sa sasabihin nito.
Her eyes widen in shock. Ngumiti siya dito at pinisil ang pisngi.
"Alam kong dapat 1 year after pa but I'm not sorry for us having a baby--"
"I'm not sorry also!" Agad na sabi din nang asawa.
Tila nabunutan siya ng tinik sa sinabi nito. Akala pa naman niya ay galit ito at ayaw sa bata.
"I'I-m hesitant to tell you because our plan is we should make memories for a year to tell our babies in the future."
"Pero tingin ko mas masaya kung kasali sila sa memoryang ikukwento natin. What do you think, mother duck?" He smiled.
Chanel blushed and nodded. "I think that's a best idea."
Hinila niya ito at niyakap. Napapikit siya at saka hinalikan ang noo nito. Mahal na mahal niya talaga ito. Hindi siya makapaniwalang yakap-yakap niya na ang dating nanatili lang pangarap. She'll be his wife soon, and he's so excited to be her husband.
BINABASA MO ANG
Works of Love (Hiraeth 2: Max And Chanel)
RomanceHiraeth Chapter 2; Sebastian Series 2 Max and Chanel Hope