Dence was shock seeing Chanel Hope and Max entering his office bringing the same color of folder.
Pink. With a freaking half heart on each folder at kung itatabi iyon ay magiging buong heart.
"Good morning. Pinapadala ni Sir Primo. Importante raw." Max said and handed him the folder.
Sunod na lumapit si Chanel at inabot sa kanya ang folder.
"Lola Clover said this is confidential so she asked me to give you that."
Umalis na ang dalawa pagkatapos pero takang-taka pa rin siya. Wala naman silang napag-usapan ni Primo at Lola Clover.
At isa pa, anong gagawin niya sa walang lamang folder?
Something is not clicking. Are they pranking him?
MAX knocked on the door he never wished to knock on. Kasi wala naman siyang magiging sadya dito pero ngayon, kusa siyang kumatok sa pinto nito.
"Come in." Rinig niya ang malamig na boses nito.
Pumasok siya sa opisina nito at napangiwi siya sa lamig. Hindi lang pala isinasa-ugali, dinamay pa ang opisina sa lamig.
"What are you doing here?" Malamig na tanong nito.
Napalunok siya at kahit na kabado ay lumapit siya sa mesa nito. Paano kung babarilin siya nito bigla? Galit ito sa kanya, may posibilidad pero bahala na.
Inilahad niya ang ice cream tub dito.
"Peace offering?" Sabay ngiti, nagpapacute.
Magnus stared at him for a moment before sighing and get the ice cream form his hold. Buti naman! 'Kala niya mag-yeyelo na ang kamay niya, eh!
"I'm not mad." Sabi nito at binuksan ang ice cream.
Buti na lang may dala siyang kutsara kaya pwedeng makain kaagad ni Magnus. Dalawang kutsara ang dala niya. 'Yong isa na kay Magnus na, ang isa hawak niya pero nakatago sa likuran. Nakakahiya kung hindi naman siya iimbitahan ni Magnus na kumain. Nagmumukha siyang prepared na patay gutom.
"Galit ka." Giit niya.
"No." Malamig na tanggi nito.
Napanguso siya.
"Galit ka, eh."
"I'm not." Mariing saad nito.
"Tingnan mo, nakakunot na ang noo mo. Galit ka nga," giit pa niya.
Magnus stared at him coldly. Nag-peace sign lang siya dito. Tumayo ito at sumenyas na sundan ito. Sumunod naman siya. Pumasok sila sa pantry nito. May kinuha si Magnus sa cupboard. Apa! May apa ito. Wow, prepared. Alam ba nitong magdadala siya ng ice cream or may stock lang dahil kumakain din ito ng ice cream minsan? Oo nga pala, naalala niyang favorite nito ang ice cream dahil may nakausap itong bata dati habang bumibili ito ng ice cream.
Alam niya kasi nag-share mo lang moments si Magnus dati n'ong palagi siya nitong pinapauwi sa mansion nito kahit na alam nitong bastardo lang siya. Hindi naman chismoso si Magnus pero may mga times kasi na nagkausap sila ng matino kasi feeling niya need nito ng tagapag-pakinig kahit hindi palasalita.
Para siyang batang nakaupo lang at tiningnan itong nilagyan ng ice cream ang apa at inabot sa kanya. Sumandok din ito na para dito saka umupo na rin.
Tahimik lang silang kumakain.

"Sorry..." Basag niya sa katahimikan.
Tumingin ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Works of Love (Hiraeth 2: Max And Chanel)
RomantizmHiraeth Chapter 2; Sebastian Series 2 Max and Chanel Hope