Chapter 14

6.3K 249 41
                                    

"Si Chanel?" Tanong ng Mama niya nang pumunta siya sa kusina.

"Nakatulog sa kwarto. Napagod kakalaro sa mga bibe." Sagot niya at kumuha ng tubig.

Nag-aayos ang ina niya sa pinamili. Si Mix naman ay abala kakasulat ng bagong kanta sa may mesa.

"Ano bang plano mo kay Chanel, Max? Seryoso ka ba talaga sa kanya?" Seryosong tanong ng Mama niya.

"Opo, hindi ko naman ugali na magpaasa ng tao."

"Hindi mo ba inaalala ang mga Benjamin?"

Syempre, inaalala niya. Alam niyang kaakibat ng saya nila ngayon ng dalaga ay may problemang paparating. Kaya niyang harapin ang mga Benjamin. Kung maghihirap siya wala siyang pakealam kung 'yon ang tanging paraan na magkatuluyan sila ni Chanel.

"Mababait naman ang mga Benjamin, ah? Kahapon nga binigyan ako ng 10k talent fee ko sa otso-otso dance nila." Mix said.

Ano? Ano na namang nakain ng Benjamin at sumayaw ng otso-otso?

"Walang Benjamin na mabait, Mix. Lalo na ang mga Sebastian. Kaya nga magka-away ang dalawang pamilya dahil sa nagtataasang pride ng mga 'yan. Pero ewan sa Sebastian ngayon na bahag ang buntot sa mga Benjamin." Pagpaparinig ng mama niya sa kanya.

"So, hindi ako mabait? Ebarg naman. mader." Pagdadrama niya.

"Naku, Max. Anak ka pa rin ng tatay mo. Darating din ang panahon na lalabas ang tunay mong kulay." Kontra ng Mama niya.

He sighed.

"Sana blue. Favorite color ko kasi," he wished.

Agad siyang napatakbo nang akmang batuhin siya nito ng mansanas.

Tumungo siya sa kwarto niya para tingnan ang dalaga. It's 2 in the afternoon, maaraw kaya mainit. Wala siyang aircon, fan lang meron siya at nakatutok iyon sa dalaga.

Ang amo ng mukha ni Chanel lalo na kapag tulog. Para itong malaking manika. Mahimbing ang tulog nito habang nakayakap sa unan niya.

Naalimpungatan ang dalaga. Nagtinginan sila nito bago ito ngumiti ng tipid at tinapik ang espasyo sa tabi nito.

"You have to take a nap, too. Come here." Malambing na aya ng dalaga.

Napalunok siya sa sinabi nito. He's just wearing a sando at manipis na short. Si Chanel ay suot na ang t-shirt niya dahil pinagpawisan ito kanina. Suot din nito ang short ni Mix na hindi pa nagagamit.

Tumayo siya at umupo sa gilid ng kama. Inalis niya ang buhok na nasa mukha nito.

"Hindi na, mal. Tulog ka na lang ulit." Sabi niya at tinapik-tapik ang balikat para matulugin ito.

Chanel removed the pillow she was hugging then suddenly pull him. Mahina siyang napamura ng hindi sinasadya bumagsak siya sa ibabaw nito.

"Nope. Let's cuddle." Chanel giggle.

"Mapapagalitan ka talaga sa ginagawa mo." Pananakot niya at umayos ng higa sa tabi nito.

Agad namang sumiksik si Chanel sa kanya at yumakap sa bewang. Napangiti siya sa pagiging clingy nito. He brushed her soft wavy brown hair with his fingers.

"I'm an adult now, Max. A lady." Pagdidiinan nito sa huling sinabi.

"A baby? Tama ba ang rinig ko?" Pang-aasar niya dito.

"Max!" Chanel whined and glare at him.

"What?" Natatawang tanong niya.

Chanel pouted while her eyes were still sharp looking at him. Bakit galit ang bebe ko?

Works of Love (Hiraeth 2: Max And Chanel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon