04: Didn't expect this to happen

473 11 0
                                    

DIANE




KINAKAIN AKO NG KONSENSYA KO ng oras na pinalayas ko si Aya, hindi ko naman sinasadya ang mga naturan ko ngayon.

Naupo muna ko habang yakap-yakap ang human size pillow na may tatak ni Kit. I'm still crying.

I am just disappointed in myself, why am I always weak? Why do I always need someone to help me to stand up, why can't I help myself?

I reflect on what I did to her, did I break her heart because of my selfishness? Pero sana, sana 'wag siyang magtanim ng sama ng loob sa akin.

She's the only one that I had. Even though my Mom's with me, her presence feels like she doesn't want me ever in her life. Para bang kinamumuhian niya na ipinanganak niya pa 'ko sa mundong 'to.

Everything happens because of that day...

Bago pa bumalik at maging sariwa ang lahat ng mapapait na nangyari noon ay bigla akong bumalik sa ulirat ng may marinig na kalabog mula sa pintuan.

Kaya naman otomatiko akong napalingon sa kung saan nagsimula ang malakas na tunog. But the time I was in front of the door, the knock remain silent, pero ng akmang hahawakan ko na ang doorknob ay kumalabog uli ang pintuan kaya doon ko na rin napagdesisyunan na buksan na talaga.

"Sorry for what my attitude was lately, sorry beng dahil sa iyo ko nabuntong ang hinanakit ko..." pambungad kong sabi.

Naisipan kong itago ang aking sarili sa likod ng pintuan at tanging mukha lang ang kita habang nakayuko. Nahihiya ako dahil sa nagawa ko sa kanya.

"Nah, it's alright. No worries. Not a big deal, beng," aniya.











"What are we doing on that place, medyo malayo 'yon mula rito 'di ba?"

Matagal siyang nakatulala sa paa n'yang sumasayaw bago niyang maisipang sumagot. "What are we gonna do? Let's eat and eat and eat more food and chew more food and drinks some beverage, you know what I mean," insulto pa n'ya sabay baba-taas ng kaniyang kilay na animo'y kinukumbinsi ako.

Ngumisi akong pilit habang nakatingin sa kaniya. "Baka naman tumaba lalo ako n'yan. Mas malaki ang chance na walang magkakagusto sa akin."

Aya left out an irritated sigh, "beng! Huwag mo nga gawing hobby yung pag-iisip ng sasabihin ng iba tungkol sa iyo. Isantabi mo muna 'yan ha, I don't want to ruin your night."

Your night? Does she mean my night? I don't understand what she was pointing at.

"Get up and fix yourself, I already pack the things you will (dala) and pick the t-shirt that you will wear- because I know you didn't like dress, I mean any girly accessories, thingy.



.....

Pasado alas otso na ng makarating kami ni Aya sa park. Hindi ko akalain na walang katao-tao sa lugar na 'to.

I mean there is some people but bilang lang sila sa daliri. Siguro ay dahil madilim na ang paligid at tanging ilaw lang ng poste at buwan ang nagbibigay liwanag rito kaya wala na rin nag atubiling puntahan 'to ng ganitong oras.

Akmang uupo pa lang ako sa bench ng hawakan bigla ni Aya ang balikat ko.

"Need to answer this call, wait lang beng, balik ako kagad," paalam niya habang kumakaway papalayo.

"Huwag mong tagalan ha!" Hiyaw ko.

She nodded while I heard someone talking to her phone. "Ten minutes, beng!"

I'm alone here at nowhere, swaying my feet habang nakaupo sa bench. Medyo nakakatakot kung titingnan ko ng maigi ang bawat sulok na hindi naabutan ng ilaw.

"Nasaan ka na ba, beng?" Bulong ko sa sarili ng makitang lagpas kinse minuto na pero wala pa rin siya. Gaano ba katagal ang pag-uusap nila ng taong 'yon?

Mainipin akong tao kaya naman imbes na maghintay pa ng ilang minuto ay naisipan kong libutin muna 'tong park kahit na medyo creepy style yung lugar at yung kada puno na para bang may nakatirang kapre.

Well, para malibang, I will challenge myself tutal mahilig rin naman ako manood ng mga horror movies.

I'm humming while keeping my hands on my baggy jeans, 'yun ang nakalimutan kong dalhin. Ang jacket ko, dahil sa kada pagkagat ng dilim ay siyang paglamig ng hangin.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang may isang malakas na pwersa ang bumangga sa akin, daan para matumba ako at mawalan ng balanse.

"Sorry po, sorry po. Hindi po ako tumitingin sa dinadaanan ko." Paulit-ulit na paghingi ko ng pasensya, yukong-yuko na halos halikan na ang lupa.

Mas lalo pa 'kong nahiya ng ilang segundo na ang nakararaan pero hindi pa rin ako makatayo mula sa pagkakaupo. Ang lakas kasi ng impact ng pagkakabagsak ko, tumatakbo yata siya that time then bigla akong nakaharang sa daraanan n'ya.

After all, it's my fault.

Noong oras na itataas ko na sana ang ulo ko ay nakita ko ang mga paa n'ya na nakatayo pa rin sa harapan ko. Mas lalo tuloy ako kinain ng kahihiyan.

It's past 30 seconds and that person is still standing there in front of me na pwede naman na umalis na siya kanina pa.

Hindi ba n'ya tanggap yung sorry ko?

Bahala na. This time itinaas ko na talaga ng tuluyan ang ulo ko, "pasensya na po talag-"

Natigil ako ng makita kong inilahad niya ang mauugat n'yang kamay to hand a help to me.

Should I grab it? Baka sabihin naman n'ya I'm such a pick me na isang simple pagbunggo lang hindi na makatayo. Baka isipin n'ya nag-iinarte lang ako.

"Please... Hold my hand so I can help you to stand up," the corner of his lips lifted, leaving his handsome face on display.

Alangan naman tanggihan ko 'yon kaya naman hinawakan ko kagad ang kan'yang malambot na kamay. Para siyang hindi gumagawa ng gawaing bahay, napaka smooth, parang unan ang sarap hawakan.

"Thank you, and sorry po ulit," aniya ko habang pinapagpagan ang suot na jeans.

"Is there a possibility that you are, miss Diane Melody?" he asked.

Because of what he said, napagdesisyunan ko na siyang tingnan sa mata to make sure who he really was. And to give him a proper thank you.

Hindi ako 'yung taong mahilig makipag eye contact to someone. It's kinda pet peeve to me kasi para bang tinitingan niya buong pagkatao ko, hinuhusgahan.

"Mawalang galang na, Sir, just wondering how did you know my nam—" naiwang nkaaawang ang bibig ko habang ang lalaking nasa harapan ko naman ay hindi maipinta ang ngiti sa kan'yang labi.

I was flabbergasted when I realized who this person was with me for more than a minute!


This tall, masculine, smiling on me with his bungisngis face none other than... my ultimate celebrity crush, that makes me go wild crazy for him.

Kit Astro!





END 04.

Love at First Gift [COMPLETED]Where stories live. Discover now