AYA
SHE GOT NO RESPONSE, JUST A WIDE SMILE of her while nodding.
Pero alam ko sa sarili kong peke ang mga ngiting ipinapakita ngayon ni Diane. Obvious naman kasi e, na kahit anong gawing ngiti, tawa, at halakhak ni beng ay kita pa rin sa mga mata niya ang pagdadalamhati at kalungkutan.
Eyes can't lie. Eyes are the window to the soul.
"Not to brag ha, but it's been three months, Diane. May natanggap ka bang messages n'ya sa loob ng tatlong buwan na 'yon? Kinamusta ka ba n'ya? Pinuntahan at pinakiusapan?" Sunod-sunod kong tanong na halos bulyawan na siya sa tenga.
Sorry, beng, but this is all according to my plan. Sorry for being a tough lady na hindi mo nakasanayan. Sorry to shout at you everytime that we're talking about Kit.
"Aya, nothing… wala, because I threw my old sim card out of nowhere and bought a new one that I'm currently using," paliwanag n'ya.
Omg? Hindi ko yata alam ang tungkol dito? Kunot-noo kong tiningnan si Diane na halos gustuhin ko na siyang lamunin ng buhay.
"Jusko ka, Diane." Tumalikod ako at bumulong sa sarili habang kinakamot ang ulo.
Kaya pala pilit pa rin ang pangungulit sa akin ni Kit na kesyo hindi nag re-reply si Diane.
Because of this thing.
"Why did you do that?!" tanong ko.
"Ikaw na nga nagsabi na mag move on, so if ever man na makatanggap ako maya't maya ng messages n'ya… baka, baka bumigay ako." She honestly replied.
Hihikbi-hikbi siyang nagpapaliwanag sa kaibigan na halos hindi na maunawaan ang sinasabi. "A-alam mo namang marupok ako, beng,"
Oo nga pala, why would I do that, hey wake the fuck up, Aya.
I mentally slap my face and soul.
"I'm sorry, dapat hindi kita kinokontra lalo pa ngayong wala kang ibang kaakibat kundi ako—kami na kaibigan mo. I know I was wrong that I wasn't supporting you," I uttered.
"Kakayanin mo 'yan, beng. Kakayanin mo ang isang pagsubok na 'yan. Tandaan mo lang na nandito ako para sa iyo ha, ang cheesy no? Pero sincere ako, Diane,"
Ang cheesy talaga, hindi naman ako gan'to. Pero nagiging ganito ang ugali alang-alang kay Diane. Ang lakas naman niya sa akin. Syempre kaibigan ko 'to.
"Thank you, Aya." Aniya sabay sunggab ng yakap sa akin at roon niya inilabas ang lahat, humagulgol siya nang humagulgol hanggang sa maibsan ang sakit na ilang buwan na n'yang kargo-kargo.
I tried my best to calm her down, to comfort her by sweeping my hands on her back. "Everything will be back to normal, I promise you that, beng."
After almost half an hour she decided to go upstairs para raw matutulog na siya. I just let her go na lang. Sakto rin naman at may kakausapin ako—ng pribado.
"Bae! Nagawa mo ba yung palagi nating ginagawa araw-araw?" Pabungad ko kagad na tanong kahit na kasasagot pa lang niya ng phone.
Narinig ko naman siyang pumadyak. "Yes Ma'am! Loud and clear. Mas malinaw pa sa Kit na nasa harapan ko."
Namilig ang mata ko at biglang napatayo. "Wait? Naririnig ba ni Kit yung pinag-u-usapan natin ngayon? Shunga dapat 'di b—"
"Chill, bae. He's busy, nakatuon lang atensyon nita sa phone, texting someone—and kutob ko na baka si Diane 'yon, even though she didn't text him back," pa-bulong niyang paliwanag.
Nasapo na lamang ng kamay ko ang aking ulo, hindi pa nga rin pala n'ya alam yung kabobohang ginawa ni Diane.
I grabbed the chance and told him everything that I knew. Everything that Diane confessed to me.
"Okay, move on from that, you know what happened lately?"
"Uhm?" sarkastiko akong nag-isip,
"malamang hindi kasi hindi naman manghuhulang kurso yung tinake ko 'di ba?""Just tell it na, deretsuhin mo na ang rami mo pang prusisyon," nabubuwisit ko pang dugtong.
Ayan na naman ang mala demonyo niyang tawa. May napapala ba siya sa walang hintong pang a-asar niya sa akin?
Kahit na i-layo n'ya yung phone n'ya, rinig na rinig pa rin yung nakakairitang halakhak n'ya.
"What happened, Neil?" That's Kit voice.
Hindi ako nagkakamali dahil maya't maya ko naririnig e boses na 'yon ng dahil kay Diane.
"Nothing, boss, chill ka lang d'yan. Yakapin mo lang 'yang hawak mong MELODY STUFF NA HAWAK MO," aniya na sa bandang dulong salita na may halong diin na animo'y may pinaparinggan.
At syempre ang pinaparinggan niya ay walang iba kundi ako. Lokong 'to.
"I thought you're turning into a crazy handler." Sagot naman ni Kit sabay tawa rin, nakakahawa ang tawa niya kaya maging si Neil ay humahalakhak na rin na may halo pang palakpak.
Ano 'to tumatawag sila ng kalapati?
"Did the plan go well?" Pangungulit kong bulong.
"Wait. Ehem, ehem." Naririnig kong inilayo niya sa tenga niya ang selpon at kunwaring umubo. "Sir, saan ulit galing 'yang Melody Stuff na yakap mo kanina pa?"
"I knew it's from Diane. It's from the one that I love—the person I cherished my whole life." His voice changed, it feels like a heaven talking to me.
Bringing peace from all over my body. Mission accomplished, seryoso siya sa kaibigan ko.
And from that, I knew that he would never ever hurt the feelings of my beloved, beng.
"Buti hindi nahalata ni Kit na kung bakit nagpapadala pa rin ang aka Diane ng Melody stuff even though they're no—you know not too good."
"I have my ways, bae. Gagawa't gagawa talaga ng paraan basta sa ngalan ng pag-ibig, bae. Like how Kit loves Diane so much and likewise."
Okay, hindi na 'ko papalag. He has a point though
"Sana magkabati na silang dalawa, sa totoo lang awang-awa na 'ko kay Kit. He's always hugged the first doll that Diane gives to him, re-reading the letters she sent to him every single day. At kung minsan pa, hindi siya kumakain magdamag." And from that, ngayon ko lang narinig ang seryosong tono ng pananalita ni Neil— he's sincere and loyal to Kit and Diane.
He sigh, "Nag-aalala lang ako sa kundisyon niya, si bestie ko, ano lagay?" pag-iiba n'ya ng usapan.
"She's not doing good too," I tell him everything na napapansin kong kakaibang nangyayari kay Diane.
And now, we're both problematic about their relationship. Pero nakakasigurado kami, na magiging worth it ang kalalabasan nito.
END 20.
Author's speaking:
Like continuation 'to ng throwback hihi :>
YOU ARE READING
Love at First Gift [COMPLETED]
RomanceEveryone says a fangirl will always remain as a fangirl only. She has an ultimate crush, so she dared to give him a special present. Will Kit also fall in love with a fan because of something she gaves? Is this the sign he's been waiting for a long...