DIANE
NAI-KELENG KO NA LANG ANG aking ulo habang tumatakbo pa rin sa aking isipan ang mga salitang, ni isang beses ay hindi ko nakalimutan.
"So… when will be our second date, Miss Diane Melody?"
Nangako siya sa akin, at ang pangakong 'yon ang pinanghahawakan ko hanggang ngayon.
Napangiti na lang ako mag-isa ng maalala ang bawat minuto, segundo, linggo-linggo naming pagkikita.
Akalain mo 'yon sumabay pa siya sa amin pauwi ng Bulacan mula sa taping n'ya sa Baguio a week ago. I insist, dahil mayroon naman kaming sariling kotse ni Aya papunta roon, pero siya itong pilit nang pilit.
Sinusundan niya ang kotse namin ni Aya hanggang sa bahay namin para raw makasigurado siyang ligtas kaming makakauwi.
Nagdaan ang linggo, nagdaan ang mga buwan, patuloy pa rin ang pagkikita naming dalawa ni Kit.
Sa loob ng isang linggo ay hindi n'ya 'ko nakakaligtaang isipin, kahit alam kong artista s'ya na wala nang oras magpahinga. Mas iniisip pa rin n'ya ang kalagayan ko.
Minsan d'yan nagsisimula ang hindi namin pagkakaunawaan. Mas inuuna pa n'ya ang kapakanan ko, palaging ako, ayaw niyang magtira para sa sarili n'ya.
I know his reason is just for my sake at hindi mo rin naman ako masisisi dahil inaalala ko lang rin naman siya.
Kagaya ng mga relasyon ng iba, hindi lahat ay masaya, hindi lahat ay puro sarap. Darating at darating rin ang araw na magkakaroon kayo ng 'di pagkakaunawaan.
Bakit ba kasi ang bait-bait ng kasintahan ko? Do I really deserve someone as perfect as he is?
Do I really deserve a man na sobrang faithful? Do I really deserve Kit Astro?
Kasi naman baka mamaya masanay ako na halos linggo-linggo ay nag da-date kami at nagpupunta sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Syempre nung mga second, third time na pagdadate namin, nahihiya pa rin ako, may time pa rin na na a-awkward-an ako but at the same time nangingibabaw ang kakulitan n'ya kaya mabilis rin akong nakapag cope-up with his attitude.
We're almost alike. Sobra lang ang pagiging mahiyain ko compare sa kan'ya na halos lahat ng camera nakatutok sa kanya and that's one of my pet peeve, don't like that. I don't want everyone's looking at me.
Kaya naman he decided na gawing private ang relationship status namin, wala akong reklamo roon wala akong issue.
Tsaka kaming dalawa naman ang nag decide about doon, ayaw niya na dumugin ako ng mga tao at ayoko naman na center of attention kami.
He is the best person that came to my life! Wala na 'akong mahihiling pang iba dahil natamasa ko na ang lahat… Ang swerte-swerte ko dahil dumating siya sa buhay ko.
……
Breaking Kit-News! 🚨
One of the famous shows, the mysterious death of Trinidad actor, Kit Astro, sparks dating rumors with a mysterious lady spotted near a fine dining restaurant.
According to the artist management, Neil—Kit's handler, "I won't interfere with that issue because you know? It's my artist's personal life so even if I know everything that's going on, I will never speak, just... Respect the artist, please?"
Tila gumuho ang mundo ko ng mabasa ang nilalaman ng artikulong kumakalat na ngayon kahit saang sulok ng Pilipinas.
Hindi ako makagalaw para bang binuhusan ako ng paulit-ulit ng napakalamig na balde ng tubig na punong-puno ng yelo.
Nanlalamig ang buo 'kong katawan, nanginginig ang aking mga kamay habang tangan-tangan ang selpon.
Tuloy-tuloy na tumutulo ang aking luha habang patuloy na binabasa ang mga comments ng ibang tao tungkol rito.
"I mean he's an artist, not just an artist, he's famous! Tapos kukuha lang ng girlfriend tapos yung ordinaryong babae pa!"
"Ew ate girl, sana masikmuraan mo 'yang pinaggagagawa mo kay Kit namin."
"Naalala ko sa isang live niya na magpapainterview raw s'ya if ever man na may rumor dating pero hanggang ngayon wala pa rin."
"Respetuhin n'yo na lang pwede? Parang hindi kayo tao."
" Aww, happy for both of them. Kung saan masaya yung idolo ko, doon na rin ako. Stay strong, Kit."
"Hindi sanay tumupad sa pangako ah! HAHAHA"
"Pineperahan ka lang n'yan, Kit. Sinasabi ko sa iyo."
"Gold digger si ante HAHAHA"
Masakit ang bawat katagang binibitawan nila, akala ko nagtanda na ang mga tao simula nung nangyari ang malaking live ng lalaking Knox ang ngalan.
[Siningit ko na rin yung character sa isa kong story na KTSH, kasi may connection naman about the judgement of people on Social Media, hihii]
I thought all people will be responsible since then, pero marami pa rin pala ang patuloy na naghahasik ng kasamaan, hindi pasalita ngunit pa-type naman.
Mas marami pa ang mga taong binabash ako, inaapakan ang pagkatao ko, kesyo ordinaryo, non-showbiz ako.
Pero ang mas ikinaiinit ng ulo ko ay ang pangmamaliit nila kay Kit. They're under the belt kung makapanghusga sila, akala nila kilala nila ng lubos yung tao, akala nila sila ang nagpapakain rito at angkin na nila ang buhay niya.
Pinaghalong kalungkutan, kirot, at sama ng loob ang nararanasan ko ngayon.
They're all the same…
Just like, just like Mama…
END 11.
YOU ARE READING
Love at First Gift [COMPLETED]
RomanceEveryone says a fangirl will always remain as a fangirl only. She has an ultimate crush, so she dared to give him a special present. Will Kit also fall in love with a fan because of something she gaves? Is this the sign he's been waiting for a long...