10: When will be our second date?

348 6 0
                                    

DIANE



I'M TRULY SORRY, KIT.

"Ayos na sa akin ang maging isa sa mga silent supporters mo, dahil I don't want my expectations eats me that I can't even recognize the reality." Huminto ako ng mahagip ng aking mga mata na unti-unti na niyang ibinabangon ang ulo.

"Dahil aware naman ako na up to a hundred percent I have no percentage na makita kita in person. Mas malabo pa siguro sa mata 'ko na mangyari 'yon. Maybe once in a blue moon."

"Pero ngayon, tingnan mo, you're talking to me and we're like dating privately. Tayong dalawa lang ang nasa mesa, magkatapat at kapwa naglalabas ng sama ng loob, sharing thoughts, sharing a roller coaster emotion... Anything." He chuckled and bit his banana cue.

Date? Tama ba yung pagkakarinig ko? Sa bibig n'ya mismo nanggaling ang salitang ni minsan hindi ko naisip!

Is he saying na we're dating? Tama naman ang pagkakarinig ko 'di ba?

I'm mentally talking to myself and questioning my inner self—fighting too.

"I swear to God, Kit na ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko! Promise! And after this date that we have, pwede na 'kong mategi tomorrow." Sarkastiko kong sambit sa kan'ya.

Success! I made him laugh again kagaya kanina.

Hindi ko na rin mapigilang humalakhak dahil sa bawat palahaw niya ng tawa ay nahahawa na rin ako.

Hindi ko tuloy ulit makita yung chinito niyang mata kapag tumatawa. Bungisngis talaga 'tong love ko.

Naririnig ko pa na para siyang biik na kinakatay kung tumawa, pero nawawala rin minsan. Hindi niya alam I caught him off guard that time.

If ever man na crowded ang place na 'to, marami ang magsasabing para kaming baliw kung umasal for sure.

Para kaming bumalik sa pagkabata around 9 to 10 years old na walang ibang iniisip kundi ang magkaroon ng maraming kakilala to be friends with them walang suliranin na kailangan kagad masolusyunan, walang stress na araw-araw kumakapit.

Para kaming bumalik sa pagkabata— all day laughing, walang humpay na paglamon, pag-inom ng beverages, deep talk with just the two of us… And enjoying this night, with him.

"Hindi ka pa pwedeng mamatay no, paano pa uli tayo magkikita. At paano pa ulit kita a-ayain mag-date n'yan?" He said in a husky voice that changed my mood real quick.

He said it again! Oh God please take me with you, because I already feel the heaven between his words.

"How's our date?" he asked.

My freaking head who knows nothing but nodding, nodding again on his question!

Napangiwi na lang ako habang nakatulala sa mesa, kung lalaki ako at nanliligaw sa babae. Boom basted na kaagad ako sa sobrang katorpehan.

"Bakit gan'yan ekspresyon ng mukha mo, Diane? Nakakatuwa ka talaga," he giggled at tumayo siya para lumiyad palapit sa akin.

An inches apart! Almost an inches apart na lang ang pagitan naming dalawa bago magtama ang aming mga… mga labi.

Hindi ko man nakikita pero nararamdaman kong namumula na 'ko sa pinaghalong kilig at kaba. Pwede na magprito ng itlog sa mukha ko sa sobrang init.

I desperately closed my eyes. I already felt his presence when he leaned forward.

He's in my right ear as if he will whisper something to me. I mentally shouting my roller coaster emotions that I feel right now.


"So… when will be our second date?"





END 10.

Love at First Gift [COMPLETED]Where stories live. Discover now