18: Connection

325 4 0
                                    

KIT




BUMALIK AKO SA ULIRAT NG TAPIKIN AKO NG doktor. I hope may dala siyang magandang balita.

Why are my eyes swollen?

Wala pa naman siyang sinasabi ha, nagkakatitigan pa lang kami pero bakit nararamdaman ko nang tumutulo na nag luha ko? Bakit may kurot na hindi ko maiwari akong nararamdaman?

"Sorry, Sir, your mom didn't make it. Your mom didn't beat her cancer." He tapped my shoulder to comfort me, but that didn't even work.

Hindi ako makagalaw. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Gusto kong sumabog. Gusto kong magwala at maghihiyaw hanggang sa humupa ang kirot sa puso ko.

"Mommy…" I murmured, hugging myself while tears were overflowing from my eyes.

I can't see anything because of my endlessly cry, I can't fully understand what that doctor said to me.

I only hear my Mom, I only see my Mom who's smiling, laughing at my jokes, giggling when she's telling a story about Dad.






Ilang oras na rin ang nakararaan pero hindi nagbago ang bigat na dinadala ko. Ang bigat ng puso ko na humihiling na sana… sana may tumulong sa akin, sana may taong mag-co-comfort sa akin.

Because all of that—is gone, when Mom died. She's my everything, she's the reason why I always leave a happy smile on my face.

But now she's gone, paano na 'ko? Paano na ang buhay ko ng wala siya? Paano ko ipagpatuloy ang buhay ko na ako na lang mag-isa. Ulila. Walang-wala. Walang makapitan. Walang pamilya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala 'ko dito sa waiting area ng nakaupo, nagising ako ng dahil sa sunod-sunod at malalakas na kalabog.

Teka hindi lang basta-basta ordinaryo 'yon. Isang tunog ng pagsampal ng tao!

"You killed my husband! You killed him! You… you demon!" Bulyaw ng boses ng isang babae na umalingawngaw sa buong hallway ng ospital.

"Mom… please," a soft voice came from a little girl who's now crying like what I feel lately.

Ano kaya nangyayari? Why does this woman treat a girl the same age as me like this? This is against the law! She clearly abuses her child.

Hindi na 'ko nagdalawang-isip, pupuntahan ko na ang dalawang 'yon to stop that old lady from how she treat the girl.

I fake cough para bumwelo. "Hindi naman ho sa nakikialam, pero kahit anong gawin n'yo sa anak n'yong pambubugbog, child abuse that against the law, the life of your beloved will never be returned to life, right? So stop it…"

Uhm? I didn't stop myself from shouting at her. Kapwa kami may pinagdadaanan, kaya hindi ko napigilan ang sarili ko, I got carried away too.

Nanlilisik ang mga mata akong tiningnan ng babae and I do the same to her too. This is my only way to scare her because I will never ever na pagbubuhatan ng kamay ang isang babae. My Mom taught me that.

Love at First Gift [COMPLETED]Where stories live. Discover now