15: His POV

326 8 0
                                    


KIT



PAGKATAPOS KONG MALAMAN ANG BALI-BALITA na kumakalat ngayon sa internet, una kong naalala si Diane.

Kamusta na kaya s'ya? Ano kaya nararamdaman n'ya ngayon?

Nalaman na rin kaya niya yung issue? Baka oo, kalat na sa buong internet ang nangyari. Kaya naman kahit may ipinapagawa pa sa akin ang manager ko ay binalewala ko 'yon at unang kinausap si Diane.

Una kong ginawa ay tawagan kagad ang mahal ko, kamustahin ang pakiramdam n'ya. Ngunit ni isang reply at sagot sa tawag ko hindi niya nagawa.




"Diane please, mag-usap naman tayo..."

"H'wag mong baliwalain yung ilang buwan nating pagsasama ng dahil lang rito, Diane."




Balisa akong nagpabalik-balik sa pwesto habang nagsasalita mag-isa.

Maya't maya kong tinitingnan ang hawak-hawak kong selpon kung may response na 'kong nakuha mula sa minamahal ko.



"Hey, love?"

"Can I go to your house?"

"Love? Answer my call please, I'm begging you,"




Ngunit isang oras na ang nakalipas pero wala talaga, kaya napagdesisyunan ko ng tawagan rin si Aya, for sure she knows where Diane is, how her condition is.

"Aya, si Diane kumusta na? Nag-aalala na 'ko sa kan'ya"

Naulinigan ako ng biglang magvibrate ang aking selpon hudyat na may sumagot, sana si Diane na 'to.

"Kit, si Diane kasi..."

Nanginginig man ang mga kamay ko, kailangan ko siyang tanungin pa, kailangan kong malaman kung nasaan si Diane.

"What happened to her? Aya answer me please."

"Bigyan mo muna siguro s'ya ng space, Kit. Pero huwag kang mag-alala, she's not in good shape now, but i can assure that she's safe with me. I will update you daily kung ano na ang lagay ng kaibigan ko."

"Thank you, Aya. Utang ko sa 'yo ang buhay ko, maraming maraming salamat."

"Sus, 'yun pa, hindi ka matitiis non. I know her, marupok sya."

Thirty minutes ago, I tried to contact her again, even though Aya told me that she's doing fine.

"You're not in your house? Where are you Diane?"

"Nag-aalala na 'ko sa kalagayan mo, please sumagot ka naman. Tell me where are you, please"

......

Lumipas na ang ilang linggo, maging buwan pero wala pa ring paramdam sa akin si Diane. Ang sakit lang isipin na natitiis n'ya 'ko, natitiis akong hindi kausapin.

Maya't maya ko siya tinetext, ni hindi lumipas ang isang araw na kahit pag-goodnight ay pilit 'kong ginagawa.

Kahit palaging siksik ang schedule ko, dahil kaliwa't kanan ang projecy na dumarating sa akin bilang artista ay hindi ko rin nakakaligtaang bisitahin ang inuupahan n'ya. Wala ulit siya, ayos lang.

Nagtetext pa rin naman sa akin si Aya kung ano na ang kondisyon ng taong pinakamamahal ko, kung ano ang ginagawa n'ya araw-araw. If she's doing great or not.

Kaya ng malaman ko na doon siya namamalagi sa puder ng kaibigan n'ya. Kapag hindi na mahigpit ang schedule ko palagi ko siyang binibisita. Ngunit hindi nagpapakita sa kanila.

Naroroon lang ako sa labas ng gate nila, nakatingala't lagi sa bintana, inaantay na muling masilayan ang taong aking iniirog.

Ayoko naman kasing pilitin si Diane, she need space at iyon ang gagawin ko. Kahit abutin pa ng maraming buwan, o taon.

Hihintayin at hihintayin pa rin kita hanggang sa tamang panahon, hanggang sa pwede na muli tayong magsama, Diane, aking sinta.

......

After ng TV series na pinagbibidahan ko, nagkaroon kami ng interview with the press. Kailangan na nandoon ako dahil isa ako sa male lead ng programa, naroon rin ang kapwa ko artistang gumanap.

After an hour of talking with the fan, answering every reporter's question. Nagpasalamat na 'ko sa lahat ng sumusuporta kagaya ng lagi 'kong ginagawa.

I appreciate them, their genuine love for me.

Pero ng akmang tatayo na 'ko upang umalis ay may isa pang reporter ang pilit tinatawag ang ngalan ko kahit inaawat na s'ya ng mga guards dahio tapos na ang interview, pero pilit pa rin siyang nagpupumilit.

Sumenyas ako sa mga kapwa ko actor na intayin na lang ako sa labas. Kaya bumalik ako sa upuan at hinayaan ang taong 'yon na tanungin ako kung ano man ang itatanong n'ya.

"Ano nangyari sa issue mo noon? May connection pa rin ba kayo ng na-rumor na girlfriend mo raw? Yung usap-usapan three months ago?"

Wow. That question was too personal for me to answer it immediately and worst, in public.

Pero siguro eto na ang tamang oras, ang takdang panahon na pinakahihintay ko.

"IThat connection you keep asking, maybe hindi ko muna 'yan masasagot for now. But I can give you the answer that will make you feel satisfied." I half-smile.

Tumingin ako sa aking handler, asking his permission through an eye contact and sign. He thumbs up as a sign of agreeing with me.

Kaya naman iniutos ko na rin sa kan'ya na kunin ang isang bagay, isang bagay na pinahahalagahan ko.

"Wait for a minute at may ipapakita ako sa inyo," aniya ko.

They're as silent as an owl in the daylight. Ngunit ng dumating si Neil tangan-tangan ang isang malaking stuff toy at iba't iba pang merch ni Melody at ang isa pang nagpalambot ng puso ko-ang mga sulat-kamay na liham para sa akin na gawa ng pinakamamahal ko.

"Ano po 'yan?" Tanong ng isang reporter.

"This?" Sabay turo ko sa mga gamit na inilalapag na ngayon ni Neil sa isang mahabang lamesa kung saan kami nag interview kanina.

Ako na lang kasi naiwan mag-isa rito sa upuan, umalis na ang mga kapwa ko artista. "Ang mga bagay na nakalagay ngayon sa harapan at ang mga nakikita n'yo ngayoj ay bigay sa akin ng iisang taong pinapahalagahan ko ng husto, isang taong pinakamamahal ko."

Tila gumaan ang pakiramdam ko habang nakangiti sa kawalan, inaalala ang mga masasayang araw naming ni Diane ng magkasama.

"Etong tao rin ang muling nagpasaya sa buhay ko buhat ng nangyari noon... Matapos mangyari ang una naming pagkikita way back on Baguio, hindi na siya naalis sa isipan ko. Bawat minuto lagi kong nakikita ang malaanghel n'yang mukha out of nowhere. Tila tinamaan yata ako ni kupido, na love at first sight. And yes, yung rumored na nangyari three months ago, siya 'yon at ako. We're in a relationship at that time and I hope, up to now... Diane Melody." Huminto ako at itinutok ang mukha sa camera sabay kaway.

Ang kaway na sana pansinin, ang kaway na sana'y makarating. "Diane, alam kong nanunuod ka ngayon and I hope you're doing good right now. Sana magkausap na uli tayo, at sana ipagpatuloy na natin kung ano ang nasimulan nating dalawa, my love, Diane."

After kong magpaliwanag ay isa-isa silang pumalakpak na para bang nag-aalanganin pa hanggang sa lahat na sila'y hinangaan ako.

"You're such a brave man, your mother raised you well, and we hope that she's proud of you. Stay strong sa inyong dalawa ni Diane, Kit." Aniya reporter.

"Thank you for giving an honest explanation, Kit."

"That's why we're supporting you,"

Sinenyasan ko ang camera man na ilapit sa mukha ko ang camera. And there I whispered something, so that only Diane knew what I would tell her. "Look at your entrance door, my love."

END 15.

Love at First Gift [COMPLETED]Where stories live. Discover now