Prologue

59 13 20
                                    

Pasimpleng pumuslit ang maliit na batang may hawak- hawak na itim na kwintas sa kamay sa kanyang kwarto sa diyes oras ng gabi upang puntahan ang isang bagay na matagal na niyang gustong puntahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pasimpleng pumuslit ang maliit na batang may hawak- hawak na itim na kwintas sa kamay sa kanyang kwarto sa diyes oras ng gabi upang puntahan ang isang bagay na matagal na niyang gustong puntahan. Tahimik na ang gabi at tanging kuliglig at huni ng natutulog na kwago na lang ang nadidinig sa paligid, kahit ganun ay wala siyang nararamdamang takot sa halip ay labi siyang nasisiyahan dahil nagkaroon na siya ng pagkakataon. Naka- paa lang siya para hindi makagawa ng ingay habang tinatahak ang malapad na hallway ng kanyang tinutuluyan.

Nang tuluyan siyang makalabas ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

'Sa wakas, nakalabas na ako. Mapupuntahan ko na iyon ng hindi iniisip ang oras' ani niya sa kanyang isipan.

Tinahak niya ang malamig na damuhan patungo sa labas ng kanilang bakod at dumiretso sa kanyang pupuntahan. Medyo malayo ito mula sa kanyang tinutuluyan pero hindi na niya iyon alintana. Ang maliwanag na liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw at gabay niya sa kung saan niya balak tumungo. Ilang minuto pa lang ay huminto siya sa kalayuan habang tinatanaw at inaaninag ang bagay na nakikita niya ngayon.

Ngumiti ulit siya.

'Ayun siya, nakaupo sa harap ng kumikinang na ilog'

Lakad takbo siya habang lumalapit doon at mahinang tinawag ang kung sinumang kanyang nakita. Kaagad na lumingon iyon sa kanya at nang makita ay kaagad na sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

Nang makalapit ay kaagad na napansin ng bata ang mata nitong kailanman ay hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya.

Puti lang ito at lumiliwanag.

Sa halip na matakot ay mas lalo siyang namangha.
Kung panaginip man ito ay away na niyang magising.

Itinaas ng kaharap ang kanyang kumikinang na kamay patungo sa bata, na para bang inaabot nito ang kanyang kamay. Mabilis siyang tumugon at hinawakan ito, bahagya siyang nagulat nang wala siyang maramdaman kundi napakalamig na enerhiya na nanggaling sa kamay na kanyang hinahawakan.

"Huwag kang matakot sapagkat ako'y narito na at hindi ka iiwan kailanman." malumanay na salita ng taong lumiliwanag ang bata.

Napukol doon ang paningin ng bata na hindi pa din kayang paniwalaan na makakakita siya ng katulad nito.

Totoo ang dati pa niyang sinasabi sa kaibigan, totoong may dumadalaw sa kanya sa gabi at matagal na siyang inaayang pumunta sa ilog. Ngunit ayaw nilang maniwala dahil imahinasyon lang daw niya ito. Alam niyang totoo iyon kaya siya pumunta dito para mapatunayan, at hindi nga siya nagkamali.

"Isasama mo ba ako sa'yo?" tanong ng inosenteng bata.

Muling ngumiti ang taong iyon at dahan- dahang dinala ang nakahawak na kamay sa kanyang dibdib.

"Sa oras na handa ka na at tanggap mo na ako ay saka kita ihahatid sa lugar kung saan ka nararapat" tila musika ang bawat pagbigkas nito at ritmo ang tunog na nanggaling sa tubig ilog.

Fantasia Academia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon