Chapter 8:

15 5 0
                                    

Days passed, masasabi kong naging maayos naman ang takbo ng buhay ko dito bilang estudyante

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Days passed, masasabi kong naging maayos naman ang takbo ng buhay ko dito bilang estudyante. Hindi nga lang ako nakikihalubilo masyado sa mga kaklase ko maliban kina Olivia, pero masaya pa din dahil komportable na ako kay Moriko at Sereia – kahit madalas di niya ako pinapansin.

Kakatapos lang ng klase namin ngayon kay teacher amanda kaya right after matapos ang klase sabay ako hinintay nina Moriko sa labas ng classroom ko dahil pupunta daw kami sa tailor para magpagawa ng gown namin. Dapat nga noong isang araw pa kami pupunta sa sinasabi niya pero naging busy din daw kasi sila. Kaya ngayon na ulit kami nagka-tyempo.

At first, ayoko talagang sumama pa sa kanila dahil wala naman akong balak na sumali sa ball. Pero dahil napaka-persistent ni Mori wala akong nagawa sa pamimilit niya.

Puwede naman sigurong sa dorm lang ako sa darating na ball dahil wala naman akong kakilala doon, lalo na at wala pa akong experience sa ginagawa nila. Pero sabi nga ni Moriko sakin 'there's always a first time in everything'.

"G na? Let's go na, girls" aya niya sakin nang makalabas ako sa classroom. Nagpaalam muna ako kina Olivia bago umalis.

"Good thing you're having a friend here already, Aisha." comment ni Mori.

Hindi ko alam kung saan kami papunta pero sabi niya pupunta kami sa lugar nila. Akala ko nga ay lalabas kami ng Academy pero nagulat ako ng huminto kami sa isang malaking puno. May ginagawa siya doon na hindi ko gets kung ano hanggang sa unti-unting naghulmang pintuan yung trunk ng puno. Parang yung ginawa lang din ni Ms Roxi dati.

Kung siguro first time ko makakita ng ganito, malamang amazed na naman ako kaya buti nga at nasanay na ako na kaharap ko ang mga specials at sa tuwing nagpapakita sila ng magic sakin.

Naunang pumasok si Mori nang buksan niya ang pinto at sumunod kami sa kanya pagkatapos.

"Nasaan na tayo ngayon, Moriko?" tanong ko nang makalabas kami sa pintong yun at bumungad sa akin ang kakaibang kulay ng mga puno.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong di mamangha lalo na ng makita ko ang mga naglalakihang paru-paro sa paligid. Mas malaki pa sila sa ibon. Ang dami kong nakikitang hayop actually, mayroong mga leon, tigre, cheetah, at mga elepante na nakababad sa maliit na sapa di kalayuan sa amin. Ang aamo ng mga hayop na yun kaya nakakagulat.

"Welcome to our realm, Moriko. This is where I live" masaya niyang sabi sakin.

My jaw dropped upon hearing it. Sing ganda ni Moriko ang lugar na to. So ito pala ang tahanan nila.

Napaka-majestic ng lugar na to at ang layo- layo sa normal na gubat doon sa amin. Mas maliwanag dito, mas sariwa at nakakagaan sa damdamin ang mga tanawin.

"Ang ganda dito. Pero nasan yung pamilya mo?" tanong ko ulit.

"Wait ka kasi nga pupunta tayo doon sa village namin." sabi niya at naunang naglakad sa amin.

Fantasia Academia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon