Chapter 10: Saved by the nymph

15 5 0
                                    

Ang bigat, ang bigat ng pakiramdam ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang bigat, ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Para akong sinasakal at unti-unti akong nawawalan ng hininga. Mahina na din ang katawan ko at feeling ko yata any minute mamamatay na ako.

Wala akong makita kung hindi kadiliman. May naririnig akong ingay, ngunit di ko matukoy kung ano yun.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tumambad sa akin at napaka-creepy na lugar na ngayon ko lang nakita.

Teka...

Mabilis kong inikot ang mata ko sa paligid kahit na umiikot pa ang paningin ko.

Nasaan na ako ngayon?

Wala na ako sa ilalim ng ilog pero natatapakan ko pa din ang malamig na tubig mula sa paa ko.

I tried to move myself but I immediately saw that I was also tied up using a sea rope.

"Tulong!" I immediately called for help but my voice just echoed in the whole place.

No one is there. Just the weird fishes and stones carved as sirens. They all looked terrifying and that made me feel more scared and nervous.

Kahit natatakot ay sinubukan kong alisin ang nakatali sa katawan ko pero nakalimutan kong kailangan pala ng palikpik ng sirena para matagal 'to. Nabitawan ko 'yun ng hinatak ako pababa ng sirena kanina, at ngayon hindi ko na alam kung saang lupalop niya ako dinala.

"Tulong!" for the second time, umecho lang sa buong paligid ang boses ko.

Nagulat na lang ako ng biglang gumalaw ang buong paligid at may naramdaman akong parang may bumagsak sa itaas kung nasaan ako ngayon kaya napatingala ako. Ilang beses ko ding nadidinig ang malakas na paghampas galing sa itaas kaya napapaatras din ako sa takot.

At mas lalong tumindi ang takot ko ng muli na namang gumalaw ang kuweba pero may kasama ng pagsigaw na para bang nasasaktan.

Maya-maya pa ay nawala ang sigaw na 'yon, pero hindi pa din nawala ang takot ko. Napakapit ako ng mahigpit sa bato na nasa tabi ko habang pilit na tinatagan ang sarili sa kung anumang panganib na dumating.

Nandoon na naman ang pagbigat ng pakiramdam ko na feeling ko yata ay lalagnatin ako at kasabay 'non ay pagbagal ng paghinga ko. Para akong nasu- suffocate kahit wala na akong sa tubig.

Wala akong alam sa nangyayari sa akin ngayon pero ang hiling ko na sana may magligtas sa akin dito. Pumikit ako ng mariin at hinintay na lang ang sarili ko na mag- collapse hanggang sa may maramdaman akong may sumalo sa akin mula sa likod. Pilit ko mang inaninag kung sino ang taong yun pero wala na akong lakas kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong pumikit.

********************************

Ang mainit na balat ang dahilan kung bakit ako napamulat. Bumungad kaagad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Moriko, katabi niya si Teacher Amanda at ang kaklase kong si Olivia.

Fantasia Academia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon