Chapter 13: Small Talk

17 5 0
                                    

Dahil sa pangungulit ni Moriko na h'wag na akong tumuloy ay napilitan na lang akong mag moon gazing kasama silang dalawa ni Sereia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dahil sa pangungulit ni Moriko na h'wag na akong tumuloy ay napilitan na lang akong mag moon gazing kasama silang dalawa ni Sereia. Nasa tuktok kami ng lighthouse kung saan nandoon ang flare of powers, pagkadating namin dito ay kaagad akong nagtaka dahil wala na sila doon pero kalaunan na-realize ko na madilim ngayon sa fantasia academia dahil sa red moon kaya malamang wala sila dito. Nakahinga naman ako ng maluwag, ngayon lang din sumagi sa isip ko na hindi ko naman masyadong nagamit ang nahiram kong powers na para sana sa physical test namin kaya ngayon nagpa-plano na akong ibalik na lang. Yun nga lang ay kailangan ko pang kausapin si Ms. Roxi na hanggang ngayon ay hindi ko na nakikita kung nasaan siya. Well, hindi naman iyon ang main concern ko kung hindi iyong storya about sa history ng Academy at ng red moon na binasa namin kanina. Curious talaga ako sa kadugtong non at kung di lang ako pinigilan ni Moriko baka nabasa ko na ang kabuuan non kanina pa.

Iyon din ang pinagtataka ko, bakit ayaw akong papuntahin ni Moriko sa lumang library at bakit parang worried ang reaction na pinakita sa amin kanina ni Sereia ng banggitin ni Moriko ang tungkol sa napunit na part ng libro? Sinubukan kong usisain siya kanina pero lagi niyang iniiba ang topic kaya ang lakas ng kutob ko na may iniiwasan siyang sabihin sa akin. At dahil doon ay mas lalo lang akong na-curious.

Lalo na sa pangalang Dorothea. Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanya.

"Pang sampung buntong-hininga na yon, Aisha" biglang nagsalita mula sa tabi ko si Moriko. Lumingon naman ako sa kanya at nakita siyang nakatingala lang sa buwan.

"Binilang mo talaga ha" puna ko.

Naalis ang tingin niya doon at lumipat sa akin. Nasa tabi din niya si Sereia na wala na namang kibo, as always.

"Is something bothering you?" she asked me in a worried tone.

And for the eleventh time, I sighed. "Madami, pero hanggang utak ko na lang yon kaya h'wag mo na lang akong intindihin."

"Kasama ba doon ang about sa nabasa natin kanina at kung bakit ayaw kitang papuntahin sa lumang library?" she asked again so I nodded.

I simply glanced at Sereia to see what her reaction but she's looking at the other direction. Bahagya siyang nakatalikod samin kaya di ko makita ang mukha niya. Besides, madilim din sa pwesto namin.

"Ang sabi ko naman sa'yo, wag mo na lang intindihin yon. What is written on the book will stay on the book, besides matagal ng nangyari yon– kung totoo mang nangyari– at hindi na tayo involved pa sa past ng Fantasia Academia" explained niya.

Umikot ako at isinandal ang dalawang balikat ko sa railings ng lighthouse saka tumingin sa malayo.

"Curious lang ako sa kung anong kasunod doon sa nabasa natin. Lalo na yung Dorothea"

Umikot din siya at gumaya sa akin. I saw Sereia moved a little and even heard her gasped but it made my brows creased cause I only saw her silhouette from here. I want to see her reaction so badly.

Fantasia Academia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon