Chapter 4: Flare of Power

27 9 6
                                    

The classes went smoothly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The classes went smoothly. Teacher Pietro gave us a heads up about our lesson and teach us about how we should control our powers. Sa katanuyan nga ay sa susunod na araw ay magkakaroon kami ng physical test para magpakitang gilas daw ng mga powers na meron kami.

They were so excited when hearing it, but I feel the opposite. How can I tell them that I'm powerless unlike them? Ngayon pa lang ramdam ko na ang pressure. I need to find Ms. Roxi and asked about this. Alam kong siya lang ang makakatulong sakin.

So right after the class ended, lumabas ako kaagad at dumiretso muna sa dorm para maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Hindi ko alam kung anong ginagawa nina Moriko at Sereia but gladly they're not in the dorm already, ayokong ma-interrogate nila sa kung anong nangyari sa akin. Baka akalain nila na first day pa lang pinapahiya ko na ang sarili ko.

I grabbed another clothes from the cabinet and put it on. Pinuyod ko na lang din ang buhok ko saka lumabas na ng dorm, ang kaso hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Ms. Roxi. Iyon ang malaking problema ko ngayon.

Nasapo ko na lang ang ulo ko habang lumilingon sa paligid at nagbabasakaling makita ko siya.

Pero wala e, masyadong tahimik ngayon sa hallway dahil lahat ng mga estudyante ay nandoon yata sa classrooms nila. Nag-isip na lang ako ng puwedeng gawin para mahanap si Ms. Roxi habang tinatahak ang tahimik na pasilyo palayo sa dorm namin. Kagat-kagat ko pa ang labi ko at nakatingala sa kawalan. Hindi naman halatang paranoid na ako, no.

Kung bakit ba kasi hindi sinabi to sakin ni Ms. Roxi na may physical test pa lang mangyayari. Paano ako magiging low-key kung ganun pag nalaman nilang wala naman akong kapangyarihan katulad nila. Lintek talaga.

"Ms. Aisha. Why are you here?"

I immediately stopped walking when someone asked me in her high pitched and slang voice.

"Julian!" I exclaimed. Good thing I saw him. Gusto ko tuloy siyang yakapin dahil sa tuwa.
Sa oras talaga ng pangangailangan hindi ako pinapabayaan ng guardian angel ko.

Mukhang nagulat naman siya sa reaksyon ko kaya tinaasan niya ako ng kilay saka lumapit sa akin.

"Why are you here again and why aren't you wearing your uniform? Is something happened?" he said casually.

I just scratched the tip of my nose. "Oo, e.. pero hayaan mo na okay na naman, e." nag thumbs up pa ako habang ngumingiti. "Teka Julian alam mo ba kung saan ko makikita si Ms. Roxi?"

Yung isang kilay naman niya ang tumaas habang naka cross arm. "Bakit mo siya hinahanap, girl? Kung may kailangan ka sa kanya sakin mo na lang sabihin dahil busy siya ngayon. Volunteer ako kaya pwede mo akong hingan ng tulong" sagot niya sabay pakita sa akin sa suot niyang sash na may nakasulat na 'volunteer'.

"Ha? H-hindi pwede e. Confidential to Julian.." I hesitated to answer.

"Ay hindi ko bet yang pa confi-confidential mo girl ha.. kabago-bago mo pa lang" naging strikto ang tono ng boses niya kaya nagsimula na akong mataranta. Naku naman, baka mapaamin ako ng wala sa oras.

Fantasia Academia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon