Chapter 7:

11 5 0
                                    

Nakatulog ako pagkadating sa dorm dala ng sobrang pagod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatulog ako pagkadating sa dorm dala ng sobrang pagod. Hindi ko alam kung anong oras na akong tulog hanggang sa naramdaman ko na lang na may malamig na bagay na dumadampi sa balat ko.
I slowly opened my eyes and saw Moriko's serious face. She was carefully holding my shoulder while putting something on my skin.

"Sa wakas gising ka na din" she stretched my arms and showed the bandage made out of leaves from my shoulders.

"Ginamot mo ko?" I asked surprisingly. Napatingin din ako sa balikat ko na may sugat nang makaramdam ako ng bahagyang lamig galing sa dahon na nilagay niya.

She nodded and sit at my side.

"Mmmm.. Sabi kasi ni Sereia, nakaka-sense daw siya ng dugo kanina, naisip ko naman na ngayon ang lesson niyo sa colosseum of challenges kaya I presumed that you were hurt." explained niya.

"Nasaan pala siya?" tanong ko, tinutukoy si Sereia.

"Nasa klase pa. Actually may klase pa kami ngayon pero yun nga dahil sa sinabi ni Sereia agad-agad kitang hinanap. I went to your classroom actually pero sabi ng friend mo bumalik ka daw dito sa dorm and I saw you here, sleeping like a cinderella." she teased me kaya ngumuso ako.

Tumayo ako sa kama at lumipat sa study table. Tinignan ko yung sugat ko sa braso, maayos na naka-bandage yun. Actually hindi naman masakit e kasi sanay na ako na laging nasusugatan. Sus, doon pa sa bayan namin na always akong natutumba kapag hinahabol na ako ng may-ari ng pinagnakawan ko.

"Iniwan mo talaga yung klase mo para sakin ah, ang bait mo naman"

She shrugged at me while smiling. "I have the urge to do it. The disadvantage of being one with nature..  Since I know lots of herbs medicines, it feels like it's my responsibility to cure anyone who's in pain"

Oo nga pala, kaya niyang kontrolin ang nature dahil ang ancestor niya ay mga fairy.

"Pero thank you, it's the first time someone thought of healing me" I said.

"Bakit? Palagi ka bang nasasaktan?"

"Hindi naman pero dati kasi laging ako lang ang gumagamot sa sarili ko. No one is there to help me cure the pain I'm feeling" Hindi ko mapigilang hindi malungkot lalo na ng maalala ko na naman nung mga panahon na mag- isa lang ako sa gubat at kailangan kong buhsyin ang sarili ko. But I'm referring to emotional pain. Kung pisikal lang naman kasi kaya ko namang i- endure yun.

"You sounded like you live all by yourself and you don't have a family with you" tumingin sa akin si Moriko na may pagdududa sa mukha.

"Di ka pa babalik sa klase mo? Baka pagalitan ka ng teacher mo sa pagka- cutting class" pag- iba ko sa usapan.

Baka madulas na naman ulit ako, e kaya kailangang kong mag- ingat. At ako naman kasi, kung anu- anong lumalabas sa bibig ko.

"Hindi na, si Sereia na bahala mag-alibi sa teacher namin. Let's talk about your first lesson with Teacher Amanda. How was it? Nanalo ba kayo?" interesado niyang tanong kaya kinwento ko sa kanya yung nangyari sa colosseum of challenges at kung paano kami nanalo.

Fantasia Academia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon